SPENCER Seryosong naglalakad sa hallway si Spencer, patungo sa kanyang opisina. Wala siyang binabati maski isa sa mga bumabati sa kanya. Diretso lang ang kanyang mga matang nakatingin sa dinaraanan niya. Hindi na niya alintana ang malagkit na mga tingin ng mga estudyante. Kahit gusto man niyang parusahan ang mga ito ay wala siya sa mood makipagtalo o makipag-usap sa kahit kanino. "Hello, Sir Hughes!" He stopped walking when someone blocked his way. Kunot-noo niyang tiningnan ang taong nasa harapan niya. "Yes, what do you want?" He rolled her eyes nang makitang pasimple nitong inayos ang buhok. Hindi niya gusto ang pinapakita nitong motibo sa kanya. Hindi siya manhid upang hindi niya mapansin ang ginagawa nito. "S-Sir, gusto po sana naming imbitahan kayo sa maliit na salo-salo sa ba

