ERIELA SAN JOSE "Good Afternoon, Sir San Jose, and Miss Eriela!" bati ng staff nang dumating sila sa golf club. Palagi silang nandito sa golf club kapag Saturday kasama ang kapatid niyang si Eric. Gusto nga niyang isama ang ina niya at pati si Ate kaya lang busy sa trabaho kaya silang tatlo na lang ang nandito. Actually, ngayon lang siya nakabalik dito sa golf club dahil nasasaktan pa rin siya sa pagkakasabi sa kanya ng boyfriend niyang si Carlos na isa rin sa golf members. Hindi alam ng mga magulang niya na may boyfriend na siya. Nasa tamang edad na siya, pero kung tratuhin siya ng Mama't Papa niya ay baby pa siya. She's already twenty years old. Nakakatawa ngang isipin na magkaka-boyfriend lang siya kapag 40 years old na siya. Ano iyon? Aabot siya na magme- menopause na? "Kuya, matano

