Ikatlo
Bakit naman kaya nasabi ng hari na pamilyar daw sa kanya ang anak ko? Ngayon pa lang naman niya nakita si Irish. Napa-iling ako. Posible kayang kilala niya ang ama ng anak ako? Kaya ba ganoon ang mukha niya kasi kamukhang-kamukha ng anak ko ang isang taong kakilala niya?
"Hoy!"
Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakasimangot na mga prinsipe ang palapit sa akin ngayon at parang kukuyugin ako. Hinarap ko sila at yumuko nang makalapit sila.
"Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang tao na nagpakain sa amin ng damo?" sabi ni Principe Raguel at tinuro ako.
"Anong damo? Sa pagkakaalam ko ay healthy vegetables ang nilagay ko sa pagkain niyo. Bakit kayo nagrereklamo? Para sa inyo naman iyon." Nagtaas ako ng kilay.
"Siguro sa pinanggalingan mo ay puro damo ang kinakain niyo. Huwag mo kaming idamay!" sigaw niya.
"Kung ayaw mo sa hinahanda ko, e 'di 'wag kang kumain. Maghanap ka ng ibang nutritionist na puro karne ang ise-serve sa iyo!" Umirap ako.
Si Raguel lang naman ang kaaway ko, eh. Ang tatlong prinsipe ay nanonood lang sa amin. Ewan ko ba kung bakit ako inaaway ng isang ito.
"You're fired! Get out!" sabi niya at tinulak ako papunta sa gate ng palasyo.
Tinulak ko siya kaya napasubsob siya sa lupa. Narinig kong nagtawanan ang tatlong prinsipe. Mabilis kong dinaluhan si Raguel. Napasinghap ako nang makitang may pasa ang mukha niya.
"Sorry. Ikaw kasi, eh." Tinulungan ko siyang makatayo.
Lumapit sa amin ang tatlong prinsipe at mas lalo pang natawa sa sinapit ng kapatid.
"Ayoko talaga sa iyo! Baka nga mas magaling pa akong magluto kesa sa iyo." sabi ni Raguel at tinulak ako.
"Talaga ba? Parang ngayon ko lang narining iyan, ha?" Tumawa si Raviro.
"Raguel at pagluluto, parang sasabog ang mga salitang iyon kapag pinagsama!" sabi ni Rafaelle at nakipag-high-five kay Raviro.
"Hinahamon ang isang chef sa pagluluto, Raguel. Baka nilalagnat ka," sabi ni Rachim.
Ngumuso ang pinakabatang prinsipe. "Bakit kayo ganyan sa akin? Kayang-kaya kong magluto, pwede na nga akong mag-asawa, eh."
Nagtawanan ang tatlo. Parang mga baliw!
"Sino naman ang mapapangasawa mo? Si Commander C?" sabi ni Raviro sabay tawa.
"Hindi! Ayoko sa kanya at ikaw!" Tinuro niya ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Hinahamon kita sa pagluluto. Akala mo, ha! Kapag nanalo ako, aalis ka na dito at kahit kailan ay hindi na kami kakain ng damo," sabi niya.
Ngumisi ako. "At kapag ako naman ang nanalo ay mananatili ako dito at isang buwan kang kakain ng vegetable salad."
Biglang nagbago ang kulay ng mukha niya at napalunok. Mas lalong lumaki ang ngisi ko.
"Ano? Laban pa? Ayaw mo na yata, eh!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi ako natatakot! Maghanda ka na dahil kakain ka ng alikabok," sabi niya at tinalikuran kami.
"Hindi siya mananalo," sabi ni Rachim at tumingin sa akin.
"Handa na akong pagtawanan siya. Sayang wala si Reneesh dito, siguradong kawawa si Raguel." Tumawa si Raviro at kumaway sa akin.
"Congratulations, panalo ka na," sabi ni Rafaelle at umalis na rin.
Habang nasa kusina ako ay rinig na rinig ko ang sermon ng hari kay Principe Raguel.
"Ano na naman ang nangyari sa iyo? Puro ka kasi laro, eh. Konti na lang talaga, Raguel," sabi ng hari.
"Ang babae kasing iyon, eh," sabi ni Raguel.
"Eh, ikaw naman kaya ang nauna," ani Rachim.
"Hinamon ba naman niya ng pagalingan sa pagluto iyong bagong chef kung hindi ba naman gunggong." Tumawa si Raviro.
"Akala naman niya mananalo siya. Eh, kahit nga mga manok ay hindi makain ang luto mo," sabi ni Rafaelle.
Narinig kong tumawa rin ang reyna. Pati na rin ang mga tao sa loob ng kusina.
"Muriel, ikaw ba yung hinamon ni Principe Raguel? Ikaw naman kasi, pinakain mo raw ng damo?"
Nagtawanan ang chef na kasama ko. Hindi ko sila pinansin, nakinig na lang ako sa usapan ng mga Royals.
"Sa tingin mo naman mananalo ka doon? Oo, nakuha namin na prinsipe ka at baka manalo ka pa kung hinamon mo siya sa paglingan sa history ng Cordancia. Pero chef siya at hinamon mo sa pagluluto, saan ang kapanalo mo roon?" sabi ni Reina Iesha.
"Basta, ako ang bahala sa sarili ko. Kung ayaw niyo akong tulungan, mag-isa ako," ani Raguel.
"Hindi talaga, bahala ka diyan. Kapag isang buwan na gulay ang kinain mo, huwag mo kaming idadamay. Ang bagsik pa naman ng bagong chef na iyon," sabi ni Raviro.
"Mga kapatid ko nga kayo. Very supportive niyo naman. Ang sarap niyong itakwil."
Malamang nag-walk-out na si Raguel dahil tumahimik na. Pinatawag kaming dalawa ni Chef Armani sa kanyang opisina para pag-usapan ang darating na competition.
"So, ganito ang magiging mechanics. Magluluto lang kayo ng tatlong putahe for three rounds. Ang then, ipapatikim natin sa labas ng palasyo. Hindi namin sasabihin kung sino ang nagluto para fair. Don't worry magbibigay kami ng dish na nailuluto niyo for each round. And, ayon sa request ni King Richart, naghanda na kami ng mga gagamitin niyo kaya pwede nang mag-start mamaya."
Pareho kaming tumango ni Principe Raguel sa sinabi ni Chef Armani. Talaga pa lang sineryoso ng isang ito ang competition. Akala naman niya ay mananalo siya sa akin.
"So, the first dish that you need to prepare is the canapé. Three pieces of it with different toppings. You have 15 minutes to do that. Now, start."
Sisiw naman itong canapé na ito. Noong first year ko sa Culinary Arts ay ito ang pina-practice ko. Sa sobrang tagal ko nang ginagawa ito ay halos ma-perfect ko na ang mga tamang combination.
Nilingon ko si Raguel na napapakamot na lang sa kanyang ulo. Ayan kasi, parang magaling.
"Your time is up. Now, present your dishes," sabi ni Chef Armani.
Nakangiti kong nilapag ang magandang canapé na gawa ko. Ganoon din ang ginawa ni Raguel kaya lang natawa ako sa itsura, para kasing hindi makakain.
"Hoy! Kahit ganyan ang itsura niyan, masarap iyan. Tawa-tawa ka pa diyan," sabi niya at pinandilatan ako.
Napaka-defensive. "Wala naman akong sinasabi," Tumawa ako.
"I will be judging the presentation together with the Queen. I will give my point to Chef Muriel for the fantastic presentation," sabi ni Chef Armani.
"Ang daya!" sigaw ni Raguel.
"Anong madaya? Halata naman kaya," sabi ni Rachim habang tumitingin sa mga canapé.
"Ako rin, kay Chef Muriel." Nginitian ako ng Reina kaya ngumiti ako pabalik.
"Fine. Babawi ako sa lasa," sabi ni Raguel kaya tinawanan lang siya ng mga kapatid niya.
Nanatili kami sa loob ng kusina habang pinapatikim ang mga gawa namin sa mga tao sa labas ng palasyo.
"Ready ka na bang maging kambing, Principe Raguel?" biro ko sa kanya. Sinimangutan niya lang ako. Pikon!
Dumating sila pagkatapos ng unang round. Ubos yung canapé ko tapos yung kay Raguel puro kagat lang, parang inayawan.
"Obviously, si Chef Muriel ang nanalo sa round na ito," sabi ni Chef Armani.
"Kung nakita mo lang sana yung mukha ng mga tumikhim sa canapé mo, Raguel. Parang gusto na nilang isuka, nahiya lang," ani Raviro na hindi matigil sa pagtawa.
"So, let's proceed to the round two. The dish that you will make is Dubarry Asada A La Royale. You have 30 minutes to do that."
Medyo mahirap gawin ang dish na ito dahil kailangang medium lang ang pagkakaluto sa lamb meat.
"Ayoko na!"
Nabigla kaming pare-pareho nang si Principe Raguel. Binitiwan niya ang kanyang hawak na sandok.
"Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang lulutuin. Talo na ako, kakain na ako ng gulay," sabi niya at lumapit sa akin para makipagkamay.
Tinanggap ko iyon. Ngumiti ako sa kanya kahit na nakasimangot siya sa akin.
"Huwag kang mag-alala. Joke ko lang iyong isang buwan kang kakain ng vegetable salad. Kahit naman na kasi matalo ako ay hindi mo ako pwedeng paalisin dito. Personal Nutritionist na ako ng Reina at Princesa Heredera kaya sila lang ang pwedeng magpaalis sa akin dito," sabi ko at ngumisi.
"Kaya naman pala, eh." Inirapan niya ako.
"Ikaw naman kaya ang nauna. Wala naman akong ginagawa sa iyo. Gusto ko lang naman na maging malusog kayo dahil kapag nakikita ng mga taong bayan na malusog kayo at walang sakit, ibig sabihin ay malakas rin ang bansa at walang problema. Kaya kailanga niyong kumain ng masusustansiyang pagkain."
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Nagulat ako at nahiyang ngumiti.
"Tama si Chef Muriel. Iyan rin siguro ang problema ng dating Nutritionist na nagtatrabaho dito sa palasyo. At dahil nahihiya at natatakot siyang magsabi ng mga dapat naming kainin pero ikaw, Chef Muriel Esperanza, ay matapang na ginagawa ang dapat niyang gawin. At dahil diyan, I will promote you as the Assistant Head Chef of the Royal Kitchen. You will now work with Head Chef Armani," sabi ng hari.
Tumalon ang puso ko sa narinig. "Talaga po? Salamat," sabi ko at yumuko.
"I will make you two in charge on the upcoming birthday celebration of our first born on the Concordancia," dagdag pa ng hari.
Nagpalakpakan ang mga prinsipe pati na rin sila Chef Armani at Reina Iesha.
"Grabe, unang araw mo pa lang ay na-promote ka na. How to be you, girl?" sabi ni Chef Maria habang nagpapahinga kami sa aming cabin.
"Ginawa ko lang ang trabaho. Hindi naman pwedeng sinuswelduhan lang nila ako. Balewala ang pinag-aralan ko kung hindi ko rin gagamitin," sabi ko at nag-inat.
Binuksan ko ang cellphone ko at napangiti nang makitang may mensahe ang mama ko. Nagpadala siya ng picture ni Irish habang kumakain ng ice cream. Miss ko na ang anak ko.
Kumunot ang noo ko nang may isa pang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang nabuksan ko.
I'm looking for you.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Kumabog nang malakas ang dibdib. Sino kaya ito?!
"Nakikinig ka ba?" tanong ni Chef Maria kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano?" Itinabi ko ang cellphone ko at nakinig sa kanya.
"Ang sabi ko ay gustong-gusto ka yata ng Reina."
Tumango na lang ako dahil okupado na ng mensaheng iyon ang isip ko. Sino kaya iyon? Anong gusto niyang sabihin? Bakit niya ako hinahanap?
Sinubukan kong magpadala ng mensahe sa numerong iyon pero wala na akong natanggap na sagot. Wala ako sa sarili habang nagpe-prepare ng pagkain ng Reina.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin Reina Iesha habang kumakain siya.
"Maayos lang po ako. Nami-miss ko lang po ang anak ko. Nagpadala kasi ang mama ko ng picture niya, medyo nalungkot lang po ako," sagot ko at sinilip ang cellphone.
Nagulat ako at nanlaki ang mga mata dahil may natanggap ulit akong mensahe galing sa numerong iyon.
I will find you and our child. I will get him/her from you.
Napasinghap ako. Siya ba?! Siya ba ang lalakeng iyon?!
Hindi ko na ako sumagot. B-in-lock ko at dinelete ang number. Hindi pwede! Kukunin niya ang anak ko pagkatapos niyang hindi magpakita ng apat na taon.
"Muriel, are you really okay? Namumutla ka? Magpahinga ka kaya muna." sabi ng Reina at hinawakan ang noo ko.
"Pasensya na, hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
Tumango siya at hinayaan akong umalis. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay tumulo ang luha ko. Naisip ko pa lang na mawawala na sa akin ang anak ko ay sumisikip na ang dibdib ko.
Pumunta ako sa tahimik na parte ng palasyo at tinawagan si Mama. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko.
"Ma?" bungad ko.
"Oh, bakit? Napatawag ka?"
"'Yung tatay ni Irish nag-text sa akin," sabi ko habang patuloy na bumubuhos ang luha.
"Ano?! Anong sabi? Paano niya nalaman ang number mo?"
"Hindi ko alam pero ang sabi niya ay hinahanap niya kami at kukunin niya si Irish. Ma! Ayoko!"
Wala na akong pakialam kung may makiring man sa akin na humahagulgol.
"Aba! Hindi naman pwede iyon! Ikaw ang ina kaya mas malaki ang karapatan mo sa bata. Tsaka hindi naman sasama itong si Irish sa lalaking iyan. Huwag kang mag-alala. Gusto mong makausap ang anak mo?"
Tumango ako. "Please, miss na miss ko na siya."
"Mama, miss you!"
Mas lalo akong napaluha nang marinig ang boses ng anak ko.
"Miss you too, my baby. I love you, forever."
Narinig ko ang hagikgik niya. Parang gusto ko na lang umuwi pero hindi pwede dahil para sa kanya ito.
"Huwag ka nang umiyak diyan, dadalawin ka namin minsan. Alisin mo na iyang pag-aalala mo sa lalakeng 'yan."
"Salamat, ma. Gumaan ang pakiramdan ko. Ibaba ko na," sabi ko at pinatay ang tawag.
Dumaan ako sa harapan ng palasyo at nakitang nandoon ang tatlong prinsipe at ang hari. Bumaba mula sa isang mamahaling sasakyan ang isang makisig na lalake.
Nahagip niya kaagad ang tingin at ngumisi.
"Hindi niyo naman sinabing may magandang babae na pala dito sa palasyo," sabi ng ikatlong prinsipe at ngumisi.