Familiar
"Since you are a Nutritionist, sa iyo namin iko-consult ang mga pagkain na ihahanda namin sa Royal Family. Kare-retire lang ng dating Nutritionist na nagtatrabaho dito sa Royal Kitchen. We have a great expectation from you, kaya sana do a great job," sabi ni Chef Armani.
"I will do my best, chef." Ngumiti ako.
"Good, you can start preparing for your first dish. I will watch you and you must finish it before the sun rise." Tumango siya sa akin.
Huminga ako nang malalim at itinaas ang sleeves ng aking uniform. Sinimulan ko ang paghuhugas ng mga kailangang ingredients. Kailangan ay malinis at walang palya. Hindi kagaya sa kompanya nila Enzo na walang pakialam sa maliliit na detalye, dito sa Royal Kitchen dapat maayos dahil Royal Family ang kakain.
"What's your dish for the Royal Breakfast?" tanong ni Chef Armani habang nililinis ko ang mga gulay.
"I will try to make a delicious but healthy breakfast for the Royals."
Tumango-tango siya. "But, did you know that the Princes of Cordancia ay mapili sa pagkain. Even though we love peaches, they don't like it that much. Principe Rachim loves fried chicken, Principe Reynard preferred Paella, Principe Reneesh likes bacon, Principe Raviro loves grilled beef, Principe Rafaelle preferred stir-fried pork and Principe Raguel loves tuna pie."
Nagtaas ako ng kilay. Bakit walang gulay? Meat lover pala ang mga Principe.
"How about the King and Queen?"
Tinuro niya ang isang cookbook na malapit sa akin. Kinuha ko iyon at nagulat na isa yung cookbook na puro mga Filipino dish.
"Mula nang maging novia ni King Richart si Queen Iesha ay nahilig na siya sa mga Filipino dish. Nagbago na rin ang ibang sistema rito sa Cordancia mula nang maupo sila sa kanilang pwesto. Kung dati ay limitado ang pagsasalita ng tagalog dito, ngayon ay kasama pa ito sa curriculum ng mga schools. May mga Filipino Restaurant na rin dito na dati ay wala naman."
Binuklat ko ang cookbook at sa tingin ko naman ay kayang-kaya kong lutuin ang mga ito dahil sa isang taong mahigit na pamamalagi ko sa Pilipinas.
"Chef, can I prepare some dish na hindi inaasahan ng mga Royals? Since, ako naman nutritionist nila ay kailangan nababantayan ko ang pagkain nila." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Medyo alangan pa siya sa una pero tumango rin pagkatapos. "Sure, but kailangan mong mag-prepare ng pagkain na kakainin nila."
Ang mga hinanda ko ay maraming vegetable salad, grilled beef, whole wheat pasta na ako pa mismo ang gumawa ng tomato sauce at peach tea.
"Super healthy at sobrang kakaiba para sa kanilang breakfast," sabi ni Chef Armani habang tinitikman ang mga putahe.
"Ayos lang po ba ang lasa?" alangan kong tanong.
Tumango siya at tumawag na ng mga Royal Maid para i-serve na ang mga pagkain.
"Magdasal ka na lang na kainin ng mga Royals ang mga hinanda mo," sabi ni Chef Armani habang papunta kami sa dining hall.
Nakahanda na ang mga pagkain at paisa-isa na ring dumarating mga Royals.
"Buenas dias," bati naman sa kanila nang makumpleto na sila.
Nakatitig lang sila sa mga pagkain. Ngumiwi si Principe Raguel at tinitigan ang vegetable salad.
"Pagkain ba ng mga kambing ito?" tanong niya at tumawa.
Kinagat ko ang labi ko. Ginandahan ko ang presentation sa mga pagkain na iyan tapos sasabihin lang niyang para sa mga kambing.
"Bakit ganito ang mga pagkain namin? Sinong naghanda nito?" tanong ni Principe Rachim at tumingin sa akin.
Sinalubong ko iyon at lumapit sa kanila. Malakas ang kabog ng dibdib dahil hindi ako makakapag-defend ay baka ito na ang huling araw ko rito sa Royal Palace.
"Buenos dias, ako ang naghanda ng mga pagkain niyo ngayon. Sorry kung kakaiba sa paningin niyo ang mga pagkain na iyan. Pero ako ang Nutritionist ng Royal Kitchen, ginagawa ko ang trabaho ko para sa inyo," sabi ko at tinignan sila isa-isa.
"But it doesn't mean na papalitan mo na ang meal plan namin," sabi ni Principe Raviro kaya siya naman ang binalingan ko.
"I have the right, kaya nga may Nutritionist sa isang kitchen para masiguradong healthy ang mga kakainin ninyo. Napansin kong mahilig kayo sa karne kaya naghanda ako ng grilled beef."
Lumapit ako sa kanila at pinaglalagyan ng tig-isang piraso ang mga plato nila. Halos lahat ng nakapaligid sa amin ay nagulat sa ginawa ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Chef Armani pero hindi ko iyon pinansin.
"At dahil may serving na ng karne ay hindi na ulit pwedeng magkaroon ng isa pang serving ng karne. I prepared vegetable salad na mainam para hindi tumaas ang blood sugar niyo."
Nilagyan ko rin ang mga plato nila. Kalahati ang pinuno ko at narinig ko na ang pagrereklamo ni Principe Raguel.
"Ano ako? Kambing? Pang-kambing ito, eh," bulong niya pero narinig ko naman.
Tumawa siya nang pilit nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"Sa natitirang parte ng mga pinggan niyo na walang laman ay pwede niyong ilagay ang whole wheat pasta at ang toasted bread. Ang mga pagkaing iyan ay mainam rin sa mga buntis kagaya ni Queen Iesha, hindi niyo na kailangan pang maghanda ng ibang pagkain para sa kanya. Mas magandang nararamdaman niya na may kasalo siya sa pagkain." Lumayo ako sa hapag-kainan. "Sa inyo umaasa ang buong Cordancia kaya dapat ay lagi kayong malusog. Hindi pwedeng basta-basta lang ang kinakain ninyo. Ngayong nandito na ako ay mangyayari na iyon. Ayos lang naman kung paminsan-minsan ay kakainin ninyo ang mga gusto niyong pagkain, huwag kayong mag-alala dahil ihahanda pa rin namin iyon. Pero kung ano ang ihahanda namin sa inyo ay kakainin niyo. Salamat," sabi ko at bumalik sa tabi ni Cher Armani at Maria na gulat ang mga mukha.
"Napasobra ka yata, girl. Nakalimutan mo yatang Royal Family ang kausap mo kanina," sabi ni Chef Maria.
Nakagat ko ang labi ko. Medyo nakalimutan ko nga. "Sa tingin niyo ba matatanggal na ako?" tanong ko.
Pareho silang nagkibit-balikat.
"Chef Muriel, hindi naman siguro kami magiging kambing kapag kumain kami ng maraming ganito, hindi ba?" tanong ni Principe Raguel habang pinapakita sa akin ang tinidor niya na may nakatusok na vegetable salad.
"Hindi, tatapang ka pa at hindi magiging lampa kapag kumain ka ng maraming ganyan," sabi ko.
Nagulat kami nang lagyan ng maraming vegetable salad ni Principe Rafaelle ang plato ni Principe Raguel.
"Tatapang ka raw, bro. Kain ka ng maraming ganyan para makapasok ka na sa Military. Para hindi ka na matakot kay Commander C," sabi ni Principe Rafaelle na tumatawa.
Hindi pa nakapasok ng Military si Principe Raguel?
"Tumigil ka nga, Rafaelle. Ikaw dapat ang kumain nyan para magka-girlfriend ka na," sabi ni Principe Raguel.
"Nagsalita ang meron." Tumawa si Principe Raviro at nagpatuloy sila sa pagtukso sa pinakabatang prinsipe.
Napangiti ako. Akala ko ay mga seryoso silang tao. Hindi pala.
"Nasaan ang dalawa pang prinsipe?" tanong ko kay Chef Maria.
"Si Principe Reynard ay nasa Prass kasama ang asawa niyang si Duchess Antoinette. Si Principe Reneesh ay dalawang araw nang hindi umuuwi at hindi namin alam kung saan nagpunta," sagot niya.
Natuwa naman ako nang maubos nila ang hinanda ko. Tumulong ulit ako sa paghahanda ng dadalhing pagkain sa kwarto ng Rey at Reina. Oras na kasi nang pag-inom ni Reina Iesha ng kanyang mga vitamins. Mahirap daw siyang painumin dahil hindi maganda ang lasa ng mga gamot.
"Queen Iesha requested you to bring her snacks to her room," sabi ni Chef Armani.
"Talaga? Bakit naman kaya ako?" tanong ko at inabot ang tray.
"Maybe she wants to talk to you about what happened later," sabi ni Chef Armani kaya kinabahan ako.
"Naku, girl! Sa lahat ng Chef dito ay ikaw lang ang pinatawag ng ganyan," sabi ni Chef Marie na mas lalong nagpakaba sa akin.
Napadasal ako nang wala sa oras. Paparusahan na ba nila ako, wala naman ng death penalty kaya ayos lang. Dahan-dahan akong kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang hari.
Nag-curtsy ako bago bumati. "Buenos dias, Your Majesty. Here's the snack that the Queen requested," sabi ko at pinakita ang tray.
"Come in, fearless Nutritionist," sabi ng hari at binuksan nang malaki ang pinto.
Nasa may terrace ang reyna at hinahaplos ang kanyang malaking tiyan. Katabi niya ang anak na si Princesa Risha na natutulog sa crib. Bigla kong na-miss si Irish. Siguradong hinahanap na niya ako. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.
"Ilagay mo na lang diyan sa may lamesa," sabi ni Queen Iesha.
Sinunod ko ang sinabi niya. Tinuro niya ang upuan na katapa niya. Umupo ako roon at ngumiti sa kanya.
"Alam mo na ba ang dahilan kung bakit kita pinatawag?"
Napatingin ako sa kanya at umiling.
"Ang galing mo kanina. Alam mo bang simula nang magbuntis ako ay ngayon na lang ulit ako nakakain ng normal na pagkain. Mas lalo pa akong ginanahan dahil sinabayan ako ng mga lalakeng ito. That's why, naisip ko na ikaw na lang ang mahahanda ng pagkain ko from now on. Pati ng mga solid food para kay Risha," sabi ng Reina at ngumiti nang malaki sa akin.
"Talaga po?" Hindi makapaniwala ang boses ko pati na rin siguro ang mukha ko.
"Tama nga siguro ang asawa ko, madali akong magtiwala sa mga tao. Iyon daw ang kahinaan ko. Kagaya ngayon, sandaling panahon pa lang ay ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang buhay namin ng mga anak ko. Namatay ang dating reyna dahil sa nilason siya, alam mo naman siguro iyon. Gagawin mo ba iyon sa akin?" Nagtaas siya ng kilay.
Mabilis akong umiling. "Hindi ko kayang gawin iyon." Tumingin ako sa paligid. "Dahil pinagkatiwalaan niyo ako ay dapat lang na pagkatiwalaan ko rin kayo. Ang totoo po niyan ay may anak rin akong babae, kagaya niyo ay hangad ko lagi ang kaligtasan niya. Kung pwede lang ay hindi na ako aalis sa tabi niya pero kapag ginawa ko naman iyon ay wala kaming kakainin," sabi ko at kinuha ang cellphone ko.
Lumapit sa amin ang hari kaya pinakita ko na rin sa kanya ang picture ni Irish.
"Ito po ang anak ko, 3 years old na siya," sabi ko at tinignan ang mga mukha nila.
Kumunot ang noo ng hari at nakangiti naman ang reyna.
"Ang cute naman niya. Nasaan ang tatay niya?"
Napatingin ako sa reyna at kaagad ding yumuko. "Wala, hindi ko alam. One night stand at hindi ko kilala. Pasensya na," sabi ko.
Nagkitinginan sila. Bumuntonghininga si King Richart at tumango sa asawa. "Gusto mo bang tulungan ka naming hanapin ang lalaking iyon?" tanong ni Queen Iesha.
Mabilis akong umiling. "Kung gusto niya talagang panagutan ay dapat noon pa. Dapat noon pa ay hinanap na niya kami pero hanggang ngayon wala pa rin. Apat na taon na ang lumipas."
Tinapik ng reyna ang balikat ko. "Dalhin mo siya minsan dito, para may kalaro si Risha."
Tumango ako. "Sige po, salamat sa inyo. Hindi ko inasahan na ganito pala kayo kabait."
Tumawa si Queen Iesha. "Ako lang ang mabait dito. Kung hindi siguro ako ang napangasawa nitong si Richart ay baka may sungay na rin ito ngayon."
Natawa ako at tumingin sa hari na seryoso pa rin ang mukha hanggang ngayon.
Nahinto ako sa pagtawa.
"Tutulungan ka pa rin naming hanapin kung sino man yang lalakeng walang bayag na iyan. Lahat ng bata deserve ang complete family. Nakakalungkot na sa ngayon ay maraming naghihiwalay na mag-asawa. Kawawa ang mga anak nila, hindi man lang nila iyon na iisip. Buti na lang at wala ng divorce dito sa Cordancia," sabi ng reyna at umiling-iling.
"Narinig ko nga po ang nangyari kay Principe Reynard. Muntik na po silang maghiwalay ng asawa niya, mabuti at hindi natuloy. Mukhang mahal na mahal niya yata ang babae," sabi ko at tumingin ulit sa hari.
Napalunok ako dahil seryoso pa rin siya hanggang ngayon. Bakit ganyan kaya ang mukha niya? Simula nang makita niya ang picture ng anak ko ay ganyan na siya.
"Kapag nahanap natin ang ama ng anak mo ay kukurutin ko ang singit niya," sabi ng reyna kaya natawa ulit ako.
"Kayo talaga, nililibang niyo ako para hindi kayo uminom ng vitamins niyo. Ito na po," sabi ko at inabot sa kanya ang mga gamot.
"Kung hindi lang talaga para sa anak ko ay hindi ko iinomin ang mga gamot na ito. Ang papangit nang lasa parang ang asawa ko." Tumawa siya.
Natawa ako at tumingin ulit sa hari. Tumayo ako nang matapos nang inumin ng reyna ang kanyang mga gamot.
"Aalis na po ako, baka hinahanap na ako sa kusina. Maiwan ko na po kayo," sabi ko at dinala ang tray.
"Your daughter..."
Napalingon ako sa hari nang magsalita siya.
"Ha?"
Tumingin siya sa akin nang seryoso. "Your daughter looks familiar.