Royal Chef
Napatayo ako sa aking kinauupuan at napahawak pa sa aking nakabukas na bibig. Ang bilis ng t***k ng pusok ko at pinawisan rin ako ng malamig.
Mabilis kong tinipa ang phone number ng mama ko sa aking cellphone. Mabilis niyang sinagot.
"Ma! Pinapatawag ako ng Royal Palace!" Nagsisigaw na ako kahit alam kong kagigising lang niya.
"Talaga! Dios mio! Maghanda ka na kung ganoon! Tanggap ka na ba?"
"Hindi pa pero sobra akong natutuwa. For interview pa lang ang sabi sa e-mail."
"Hala! Madali ka! Gusto mo bang magpunta pa kami diyan? Dapat pala ay hindi pa kami umuwi ni Irish."
Umiling ako. "Huwag na, ma. Mapapagod lang si Irish. Babalitaan ko na lang kayo. Bye," sabi ko at binaba na ang cellphone.
Huminga ako nang malalim at nagtatakbo papunta sa banyo. Sana matanggap na ako. Irish needs to go to school next year, kailangan ko ng makapag-ipon.
Pagkalabas ko ng aking apartment ay may isang lalaking naka-tuxedo at nakatayo malapit sa isang itim na sasakyan na may flag ng Cordancia sa harapan.
"Buenas dias, Miss Muriel Esperanza. The head chef of the Royal Kitchen sent me here to pick you up. Are you ready?" sabi ng lalake at binuksan ang backseat ng sasakyan.
"Wait lang po. Ayos lang ba itong suot ko?" tanong ko sa lalake at tinignan ang suot kong black na pencil skirt at puting long sleeves blouse.
"It's okay," sagot ng lalake at tumango.
Sumakay ako ng sasakyan at habang umaandar iyon ay iniisip ko ang mga isasagot ko sa interview. Huwag naman sanang masungit ang head chef.
Bumukas ang malaking gate ng palasyo at hindi ako makapaniwala na makakapasok na ako ngayon dito. Ang daming nangyari sa Cordancia at sa tingin ko ay mas naging mas mahigpit pa ang hari ngayon sa pagpapapasok ng kung sino-sino dito sa palasyo. Ang swerte ko.
"We're here," sabi ng lalake at hininto ang sasakyan sa likod ng palasyo.
May malaking garden doon at sa tingin ko ay ito na ang sikat na Queen's Garden.
Binuksan ng lalake ang pinto ng sasakyan at sinamahan ako sa papasok sa isang malaking pinto. Tumalon ang puso ko nang dumaan kami sa isang malaking kusina kung saan niluluto ang mga kinakain ng Royal Family.
"Mr. Armani, nandito na kami. Nandito na si Ms. Muriel Kassandra Esperanza."
Humarap sa akin ang isang gwapong lalake na nakapang-chef na uniform. Ngumiti ito sa akin kaya napangiti rin ako. Siya ba ang head chef?
"Buenas dias, Ms. Esperanza. Let's go to my office," sabi ni Mr. Armani.
Tumango ako sinundan siya. Bigla akong na-conscious sa itsura ko. Akala ko isang grumpy na matandang lalake o babae ang head chef, sana pala tinodo ko na ang pagpapaganda ko kung alam ko lang na ganito pala kagwapo ang makakaharap ko.
Bumuntong-hininga ako. Lagi kong nakakalimutan na may Irish na pala ako, ang tangos ng ilong ng baby ko, eh, samantalang hindi naman ganoon ka pointed ang ilong namin ng mga magulang ko.
Gwapo siguro ang lalaking iyon. Hindi ko makalimutan ang itsura niya habang naka-mask.
"Ms. Esperanza," tawag sa akin ni Mr. Armani.
"Yes?" sagot ko.
"I only have few questions for you. This hiring of the Royal Kitchen is very urgent and as what I read on your resume, you are good on adapting ang following orders. That's what I need plus you are Chef and at the same time a Nutritionist. Excellent. Now, my question is..."
Inabangan ko ang susunod niyang sasabihin. Sumeryoso ang kanyang mukha.
"Are you good at keeping secrets?" tanong niya na ikinagulat ko.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil naguluhan ako. Umayos siya nang upo at pinagmasdan ako. Tumikhim siya.
"You know, the Royal Palace is full of secrets and controversy. We need staffs that can shut his or her mouth to prevent that controversy on spilling outside. So, are you willing to cut your tongue for the job?"
Naisip ko na naitago ko nga si Irish sa mga tao. Ang alam nila ay nakababatang kapatid ko siya, naitago ko iyon for three years.
Tumango ako. "Yes, I am willing. This job is a great opportunity for me. Alam kong konti lang ang nakakapasok sa Royal Palace, lalong-lalo na sa Royal Kitchen kaya konting bagay lang sa akin ang pananahimik. Gagawin ko lang ang trabaho at wala ng iba pa."
Ngumiti si Mr. Armani at may inabot sa aking papel at mamahaling ballpen. Nagtaas ako ng kilay at nag-alangan pang kuhanin ang ballpen.
"Sign that contract. Recorded lahat ng sinabi mo rito ngayon, at kapag nilabag mo lahat ng napagkasunduan ay maaari kang sampahan ng kaso ng Royal Palace."
Binasa ko ang kontrata at nanginig pa ako habang pinipirmahan iyon. This is it!
"Done."
Inabot ko sa kanya ang kontrata at ngumiti siya.
"Congratulations, you are hired. You are now part of the Royal Kitchen. And you are assigned to serve at the Cordancia's Floating Palace, the Concordancia Cruise Ship. But for the meantime, you will stay at the Royal Kitchen to see if you are really capable on doing heavy kitchen jobs."
Tumango ako at ngumiti. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay para makapag-shake hands kami. Tinanggap ko iyon at mas lalong napangiti.
"Ah, Sir Armani." Nag-init ang pisngi ko dahil bigla akong nahiya sa tatanungin ko.
"Yes?" Bumaling siya sa akin.
"May girlfriend na po ba kayo?" tanong ko at ikinatawa niya.
"Lahat ba ng babaeng hina-hire ko ay ganyan ang tanong sa akin? May asawa na ako, isa sa member ng Royal Council. Si Mrs. Charlene Armani y Lopez," sabi niya at ngumiti nang malaki. Mukhang in love na in love talaga.
"Ah, pasensya na," sabi ko.
Nahiya tuloy ako.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at may babaeng naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.
"Mr. Armani, who's this woman?" tanong ng babae.
"Mrs. Armani, this is Ms. Muriel Esperanza, the newly hired Chef and Nutritionist of the Palace. Ms. Esperanza, this is my wife, Charlene," sabi ni Mr. Armani.
Tumingin sa akin ang babae at ngumiti.
"Hello, akala ko ay manliligaw na naman ng asawa ko. Welcome pala sa Royal Palace," sabi niya at nilapitan ang asawa.
May tinawagan si Mr. Armani sa kanyang cellphone at pumasok ang isang babaeng chef rin sa Royal Kitchen.
"Chef Maria, can you tour Ms. Esperanza to the Palace?"
"Si, Señor," sabi ni Chef Maria at tumango sa akin.
Nang makalabas kami ng opisina ni Mr. Armani ay nagsalita si Chef Maria. "You're so lucky. Maybe it's your day, lahat kami dito ay nagpakahirap bago makapasok ng Royal Kitchen. Hindi naman sa nagagalit ako sa iyo, ang sa akin lang ay huwag mong sasayangin ang opportunity na ito. Mababait ang miyembro ng Royal Family pero kapag nagalit ang hari ay hindi mo magugustuhan," sabi niya at ngumiti sa akin.
"Tatandaan ko ang sinabi mo. Salamat," sabi ko bago kami pumasok sa isang pinto at bumungad sa akin ang mahabang hallway.
"These rooms are for all the Royal Guest. This one is Princesa Astra's Room, while the other one is for Princesa Lizette. Lagi silang nandito kaya may sarili na silang kwarto."
Tumingin ako sa dalawang magkatabing pinto na itinuro niya. Tumango ako.
Nagpunta kami sa isang malawak na space, sa gitna na yata ito ng palasyo. May itinuro ulit siyang kwarto.
"Doon ang Conference Room, huwag kang pupunta roon, magagalit ang mga Royal Council sa iyo. Iyong isa naman na iyon ay ang Court Room, huwag ka ring papasok roon kung ayaw mong ikaw ang litisin doon," sabi niya kaya natawa ako ng kaunti.
"Huwag kang tumawa, totoo ang sinasabi ko," sabi niya at tinuro ang hagdan.
"Bawal ka ring pumanhik doon. Doon ang kwarto ng mga Principe at ng Rey at Reina. Pupunta ka lang doon kapag inutusan ka."
Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. Tumango lang ako.
"Tara sa kitchen," sabi niya at nauna na sa paglalakad.
Sa mahabang pasilyo ulit na puno ng magagandang painting ang daan namin. Napahinto ako nang makita ang isang painting ng isang Cruise Ship. Ito siguro ang Concordancia Cruise Ship.
"Ang ganda niyan. Noong unang pumasok ako diyan, para rin akong nasa loob ng palasyo. Siyang-siya, mini version. Swerte mo at diyan ka ma-a-assign."
Tumingin ako kay Chef Maria na nakatingin sa painting. Nahagip ng mga mata ko ang pitong malalaking painting ng mga gwapong lalake. Ang pitong anak na lalake ni King Reymond II.
"Ang gwapo nila, hindi ba? Ang swerte nang napangasawa ni King Richart at Principe Reynard. Malay mo ikaw na yung susunod," biro ni Chef Maria at tumawa pa.
Umiling-iling ako. Imposible, ang alam ko ay si Principe Reneesh na ang susunod na mag-aasawa sa kanila. Eh, playboy kaya iyan. Pakalat-kalat lang iyan sa mga club ng Hillas. Tsaka kung sakali man, hindi rin niya ako matatanggap dahil may anak ako sa pagkadalaga.
Kung maghahanap man ako ng lalake dapat ay tanggap ang anak ko. O kahit makilala ko man lang ang lalaking iyon. Ang lalaking nakabuntis sa akin, ang papa ni Irish.
Naalala ko na naman tuloy ang isa ko pang kagagahan. Sana ay hindi ko na lang pala ginawa iyon. Kung natanggap man niya iyon ay siguradong alam niya na nag-e-exist na si Irish. Sa sobrang gulo ng isip ko noon ay hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko noon. Muntik ko pa ngang maipalaglag si Irish, buti na lang at sinampal ako ni Mama.
"Ganyan ka ba talaga?" biglang tanong ni Chef Maria.
"Ha?!"
Nabalik ako sa ulirat.
"Lagi kang natutulala at malalim ang iniisip. Dapat ay masanay na ako dahil baka mapagkamalan kitang baliw," sabi niya at umiling-iling.
"Pasensya na, tara na ba sa kitchen?" Tumawa ako at napakamot sa ulo.
Tulala ba talaga ako?
"Welcome to the Royal Kitchen. Ang tanging tatandaan mo lang dito ay kapag gagawa ka ng dish ay lagyan mo sa huli ng A la Royale. Ayos na iyon," sabi niya.
Binati ko ang ilang mga nandoon. Ngiti lang sinagot nila sa akin dahil mga busy silang lahat. Ang saya sigurong magtrabaho dito.
"Chef Maria, ayuda me."
Sabay kaming napatingin ni Chef Maria na sa isang chef na nasusunog na ang niluluto. Nataranta ang mga nandoon kaya pati ako.
"Tumawag ka ng tulong," sabi sa akin ni Chef Maria at iniwan na ako.
Teka?! Kanino?!
Dahil natataranta na rin ako ay nagtatakbo na ako. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Nag-ikot-ikot na ako! Naliligaw na yata ako!
Nakahinga ako nang malalim nang makita ang isang grupo ng mga lalake na nagtatawanan. Mabilis akong lumapit sa kanila.
"Help! Tulungan niyo ako, nasusunog ang kusina!" sabi ko at hinila ang isang lalake.
"Sandali! Huwag mo akong hilahin!" sabi nang lalake kaya napatingin ako sa kanya.
Nagulat ako kaya napabitaw ako sa kanya. Nalunok ko yata ang dila ko at nawala lahat ng dugo ko sa katawan.
"I'm sorry," sabi ko at yumuko.
Napapikit ako nang mariin dahil sa kahihiyan. Anong ginawa ko?! Pinaghihila ko si Principe Raviro!
"Saan nga ulit ang sunog, miss? Tsaka, sino ka?! Anong ginagawa mo rito sa loob ng palasyo?!"
Naangat ko ang tingin ko at nakitang nakasimangot si Principe Raguel. Mas lalo akong yumuko.
"Ms. Esperanza! Buti na lang at nahanap kita kaagad! Pasenya na po, mga mahal na Principe. Siya po si Ms. Esperanza, ang bagong chef," sabi ng kararating lang na si Chef Maria.
"Ano iyong sinasabi niyang sunog?" Rinig kong tanong ni Principe Rachim.
"Anong sunog?"
Naangat ko ang tingin ko at nakitang dumating ang hari at reyna ng Cordancia!
"May sunog daw sabi nitong si Ms. Esperanza," sabi ni Principe Rafaelle.
"Saan yung sunog? Alam niyo namang allergic ako sa mga sunog na ganyan," sabi ni King Richart.
"Buenas dias, Su Majestades," bati ni Chef Maria tsaka ako siniko.
Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Tinuro niya gamit ang kanyang nguso ang hari at reyna. Tumango ako.
"Hi, ako si Muriel," sabi ko at nakitang napa-iling si Chef Maria.
Tumikhim ang hari at sumeryoso ang mukha. "Anong ginagawa mo rito sa palasyo, Ms. Muriel?"
"Ako po ang bagong hire na Chef s***h Nutritionist. Huwag po kayong mag-alala kasi magaling ako. Hindi rin ako mareklamo, wala kayong masasabi sa akin. Tsaka, ako din po yung ma-aassign daw sa Floating Palace ng Cordancia, yung malaking Cruise Ship--"
"Stop," sabi ng hari at tumawa.
Tumawa rin ako kahit hindi ko alam kung bakit.
"You're talkative, sunog ang pinag-uusapan natin dito. Kinuwento mo na ang buong buhay. Alam mo bang bawal iyan sa palasyo?"
Napayuko ako.
"Wala na po ang sunog sa kitchen. Naapula na po," sabi ni Chef Maria.
"Sige, mabuti kung ganoon. Sabihin mo kay Mr. Armani na ibigay sa akin ang resume ng babaeng ito at ako ang magbabasa," sabi ng hari.
Kumabog nang malakas ang puso ko. Paalis na sana sila nang pigilan ko.
"Sandali lang po. Tanggapin niyo sana ako, masyado lang kasi akong masaya dahil may trabaho na ako. Pasensya na, hindi na po mauulit. Sana tanggapin niyo ako," sabi ko at tumingin sa kanila.
Huminga nang malalim ang hari at tumingin sa kanyang reyna.
"You may start tomorrow. Chef Maria, give her the Royal Chef's Uniform," sabi ng reyna kaya lumaki ang ngiti ko.
"Si," sagot ni Chef Maria.
Tumingin ako sa reyna at tumango lang siya.