Nang makarating na kami sa dati naming pwesto ay napansin kong wala na si Matthew. Siguro ay nasa loob na ulit siya ng tent. Pare-parehong routine ang ginawa namin ni Ms. Bea sa tuwing magka-cut at magpapalit ng scene.
Nang sumapit na ang gabi ay kami ulit ang bumili ng pagkain ni ate Bea. Kami nalang ang magkasalo ngayon ni ate Bea dahil naunang kumain si Matthew sa amin. Pagkatapos naming kumain ay magliligpit kami ng gamit dahil lilipat na ng location. Dali-dali kaming kumain ni ate Bea dahil baka biglang lumarga na sila.
Nasa sasakyan na kami ulit at kasalukuyang bumabiyahe. Malapit lang daw ang kasunod na location. Wala pang 20 minutes ay nakarating na kami. Nagsimula na ulit kaming magset-up ng mga gamit ni ate Bea. Sa loob ng bahay ang shooting ngayon. Magdamag ang shooting kaya hindi kami nakatulog ni ate Bea. Si Matthew naman ay umiidlip idlip sa gitna ng breaks. Nakakalimang kape na si ate Bea samantalang ako ay antok na antok na. Nakita ko si Matthew sa di kalayuan sa amin. Mukhang inaantok na siya dahil nakita ko siyang humikab.
Nagpaalan ako kay ate Bea na aalis muna. Pumunta ako sa kusina kung saan marami rin roon ang nakatambay. Nagtimpla ako ng kape at lumabas. Nakita kong nakaupo pa rin si Matthew sa dati niyang pwesto. Nagtungo ako sa kanyang direksiyon at maingat na hinawakan ang dala kong kape.
"Sir coffee." Sabi ko sa kanya at iniabot ito. Ngumiti naman siya at kinuha ito.
"Salamat." Tumalikod na rin ako at umalis na kaagad.
Umaga na at kita sa bawat isa rito ang puyat at pagod. Nakailang hikab na rin ako dahil puro nakaw na idlip lang nagawa ko. Sa labas naman ang shoot ngayon. Nagtungo ako sa sasakyan para kumuha ng damit para kay Matthew. Ngayon palang siya makakapagpalit ng damit dahil magkakadugsong ang mga scene na tinake nila magdamag. Hindi na kami nakakain ng breakfast dahil sunod-sunod ang take. Last take na ngayon at maga-alasonse. Nakahanda na rin lahat ng gamit naiayos na namin sa sasakyan. Buti nalang dalawa kami ni ate Bea. Kasalukuyan naming inaabangan ni ate Bea na matapos ang take. Nakapolong kulay royal blue na ngayon si Matthew at white na pantalon samantalang kami ay yun pa rin ang suot. Medyo hindi na ako komportable pero sabi sa akin ni ate Bea kailangan ko raw masanay. May mga pagkakataon daw talaga na hindi ako makakaligo kahit gustuhin ko. Swerte na raw kasi minsan narent ng hotel kapag matatagalan ang shooting at aabot ng ilang araw.
Tirik na tirik na ang araw ngayon at halatang balisa na rin ang lahat.
"Cut. Good take." Nakahinga nang maluwag ang lahat ng marinig iyon. Sa wakas tapos na! Nilapitan na namin si Matthew at ang unang bungad niya sa amin ay gutom na siya. Sumakay na kami agad sa sasakyan at nagtungo sa kainan.
Gabi na ngayon at katatapos ko lamang maligo. Alas-syete na ng makarating kami sa bahay ni Matthew at alas-nuwebe na ngayon. Nagtatawag na si Manang Alice para kumain ng hapunan. Kanina pa nga handa ang pagkain pero hindi muna ako kumain dahil mas pinili kong magpahinga at maligo muna. Nagtungo na ako sa kusina at nadatnan ko roon si Ate Bea at Matthew na kumakain na. May nakahanda ng plato para sa akin kaya umupo na ako.
“Maigi naman umabot ka pa. Malungkot kumain mag-isa.” sabi sa akin ni ate Bea. Katapat ko siya ngayon at nasa gilid lang namin si Matthew.
“Sanay naman po ako Ate Bea.” natatawa kong tugon sa kanya.
“Naku, magkabaliktad pala kayo ni Matthew. Gusto nito lagi may kasabay kumain eh.” nakangiting sabi ni Ate Bea at tumingin siya kay Matthew. Napangiti naman si Matthew at muli ko na namang nasilayan ang kanyang malalalim at cute na cute niyang dimples.
“Ang cute.” wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa dimple niya. Napatingin silang dalawa sa akin.
“Cute?” nagtatakang tanong ni Matthew sa akin. Si Ate Bea naman ay kunot noong nakatingin din sa akin. Tumigil sila sa pagkain at hinintay ang sagot ko.
“Ang cute ng dimple mo.” nahihiya kong sabi kay Matthew at saka sumubo nang napakaraming kanin. Nakita kong nag-smirk siya at si ate Bea naman ay nakangising nakatingin sa akin.
“My dimple wants to say thank you.” at nakangiti siyang inabot ang ulam at saka sumandok dito. Sa sobrang hiya ko ay nakatungo kong sinubo ang aking pagkain. Bat ba kasi inimik ko iyon. Hay. Nanatiling tahimik kaming kumakain hindi ko na sinubukan magsalita pa dahil kung ano pang lumabas sa bibig ko at masabi ko rin na ang gwapo niya.
“My dimple wants to talk to Selena.” Napaangat ako ng ulo at takang napatingin kay Matthew. Narinig ko rin ang tawa ni Ate Bea na halatang pinipigilan niya.
“Huh?” sagot ko kay Matthew na mukhang tuwang-tuwa sa binabalak niyang kalokohan.
“Gusto ka raw kausapin ng dimple niya. Oh tinagalog ko na ha.” singit ni Ate Bea samin at pinakawalan na niya ang kanina niya pang pinipigil na tawa. Sinamaan ko ng tingin si ate Bea ngunit nagpatuloy lang siya sa pagtawa at pang-aasar.
“My dimple wants to ask Selena if she wants water.” nakatinging sabi sa akin ni Matthew habang nakangisi ng nakakaloko. Tumango nalang ako dahil alam kong pinagtritripan na nila ako. Kinuha naman ni Matthew ang pitcher at sinalinan ng tubig ang baso ko, pagkatapos ay sinalinan din niya ang baso ni Ate Bea.
“Inumin mo na Selena baka magalit yung dimple ni Matthew.” pangloloko na naman ni Ate Bea sakin at kumindat pa siya kay Matthew na pakahulugan na kasabwat siya nito. Nakita kong ngumiti si Matthew nang inumin ko na ang tubig sa baso ko.
Kasalukuyan na kaming nasa kwarto ni ate Bea ngayon. Pinapanood ko siyang mag-imapake ng mga damit. Limang araw nalang ang natitira bago siya umalis.
“Ate Bea ilan taon ka pong naging PA ni Matthew? napatigil siya sa kanyang ginagawa at napaisip.
“Mahigit pitong taon na. Ako ang kauna-unahang naging PA ni Matt. Bago palang siya nun sa showbiz kaya nakita ko rin yung mga pinagdaanan niya bago siya sumikat.” nakangiti siya habang sinasabi iyon sa akin. Bigla kong narealize na ganun na pala katagal sa showbiz si Matthew kaya sobrang sikat na niya ngayon.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang isang bagay na matagal ko ng gustong itanong kay Ate Bea.
“Nahirapan ka po ba nung bago ka palang maging PA?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Sa totoo lang... hindi. Bakit? Siguro pareho kaming baguhan ni Matthew. Siya bago palang na artista at ako ay bago palang na PA. Saka mabait talaga si Matt. Kahit na may mga pagkakamali ako nun hindi siya nagagalit. Pangangaralan ka lang niya.” Napatigil ulit siya sa ginagawa niya at napatingin sa itaas na wari mo ay may inaaalala.
“Alam mo ba na may isang beses nun na nakalimutan kong igayak yung sapatos na susuotin niya. Premiere night noon ng pelikulang kinabibilangan niya. Last minute na nung nalaman kong hindi ko nadala.” Tumigil siya at muling nagpatuloy. “Takot na takot akong sabihin sa kanya yun dahil inisip ko baka magalit siya sa akin kasi haharap siya sa press at kailangan din niyang lumakad sa red carpet paano na hindi naman siya pwedeng lumakad doon ng nakapaa. Pero nung nalaman na niyang hindi ko dala hindi niya ako sinigawan kahit alam kong galit siya. Pero ang nakakatuwa dun alam mo kung bakit siya galit?” tanong niya sa akin.
“Kasi hindi mo agad sinabi sa kanya?” hula ko sa tanong niya.
“Kasi mas nangibabaw yung takot ko na magalit siya at saka nagsinungaling ako. Pakiramdam daw niya wala akong tiwala sa kanya at parang hindi ko siya kilala. Pakiramdam daw niya ay hinusgahan ko agad siya.” Biglang natawa si ate Bea at nagpatuloy ulit.
“Sorry ako ng sorry sa kanya noon. Pangaral naman siya ng pangaral sa akin na huwag ko ng ulitin. So, kaya ang ending nakarubber shoes siya nang rumampa sa red carpet habang nakasuot ng suit.” Natawa si ate Bea sa alaala ng kanyang kuwento.
Bigla ko naman naalala na may mga kumalat nga nun na mga pictures ni Matt na nakasuot siya ng rubber shoes habang naka-formal attire. Napangiti ako nang maalala ko ang litratong iyon ni Matthew. Akalain mo may back story pala iyon. Ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako.
“Ate Bea hindi ka pa ba matutulog?” tanong ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag-aayos ng kanyang mga damit. “Hindi pa tatapusin ko muna itong ginagawa ko bago matulog”, wika niya nang hindi tumitingin sa akin at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
“Okay. Good night ate Bea”, sabi ko sa kanya at nagtalukbong na ng kumot.
“Sweet dreams daw sabi ng dimples ni Matthew”, hirit niya sakin. Agad kong ibinaba ang nakatalukbong na kumot sa akin at tiningnan siya ng masama.
“Biro lang”, sabi niya sa akin nang makita akong nakatingin nang masama sa kanya. Inirapan ko siya dahilan para siya ay matawa. Tumalikod na ako sa kanya at saka ipinikit ang aking mga mata.
“Good night Selena”, pahabol pa niya sa akin nang magtalukbong na ulit ako ng kumot. Nagising ako sa ingay ng paligid. Iminulat ko ang aking mata at nag-inat. Napansin kong wala na sa kanyang higaan si ate Bea. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras. Nagulat ako nang makitang alasdiyes na pala ng umaga. Dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa banyo. Naligo ako nang mabilisan at saka nagtungo sa baba. Nakita kong nagwawalis si Manang Lolita sa salas kaya nilapitan ko siya.
“Manang sina sir Matthew po? Nakaalis na po ba sila?” dire-diretso kong tanong sa kanya. Tumigil naman siya sa pagwawalis at nilingon ako.
“Nasa kusina sila.” sagot niya sa akin.
“Salamat po”, at patakbo na akong nagtungo sa kusina. Nagtaka ako nang makita silang nakasuot pa ng pangtulog.
“May lakad ka ba Selena?” tanong sa akin ni ate Bea.
“Wala bang shooting ngayon?” parang wala sa sarili kong tanong.
“Wala”, sagot ni ate ni Bea sakin at saka kumagat sa mansanas na hawak niya. Tsaka ko biglang naalala na may laktaw nga pala lagi na two days ang schedule ni Matt. Napasapo ako sa aking noo.
“Eh bakit po ang ingay kanina?” kunot-noo kong tanong sa kanila.
“Eto kasing si Matt nagpa-plano na igala tayo ngayon kaya naexcite kami” sagot ulit sa akin ni ate Bea.
“Huwag kana magpalit Selena antayin mo nalang kami gumayak”, wika naman ni Manang Alice.
“Kumain kana muna.” Napalingon ako sa nagsalita. Mukhang wala na siyang topak ngayon dahil seryoso niyang sinabi iyon.
“My dimple says that you can seat.” imik ulit niya nang hindi nakatingin sa akin. Sinenyasan niya ako na umupo napansin siguro niyang kanina pa ako nakatayo. Nakita kong nagtaka sina Manang Alice at Kuya Manuel sa sinabi ni Matthew.
“Selena thinks that my dimples are cute. She told me yesterday”, paliwanag niya sa kanila na parang wala ako sa paningin niya. Binabawi ko na pala. Hindi pa siya matino. Nakita kong napa-ahhhh sina Manang Alice. Hindi naman nila ginatungan ang sinabi ni Matthew. Buti nga!
Dahil hindi pa ako kampante na hindi niya ako tantanan ay pinili kong huwag umupo sa upuang malapit sa kanya. Napaangat siya ng tingin nang mapansin iyon. Tiningnan ko lang siya at nginitian nang nakapikit ang mata.
Dinala kami ni Matthew sa isang Japanese restaurant. Excited na nagsi-upo sina Manang at kuya Manuel sa table na napili ni sir. Ako lang ata ang nag-iisang nagdadalamhati rito. Saglit lang kaming naghintay nang ihain na ang mga inorder ni Matthew. Nagsimula na silang kumain samantalang ako ay nagpalipat-lipat ang mata sa mga pagkaing nasa harap ko. Nang di ko na matake ay kumuha ako ng sashimi at niluto iyon. Nagtaka naman si Matthew sa ginawa ko.
“Why?” tanong niya sa akin. By the way nasa gilid ko nga lang pala ulit siya habang si ate Bea naman ay nasa tabi ko at kaharap naman namin sina Manang samantalang nasa kabilang dulo naman si kuya Manuel.
“Hindi kasi ako nakain ng hilaw sir” tumango lang siya sa akin ng sabihin ko iyon.
Halos lahat sila ay busog nang lumabas na kami sa restaurant samantalang ako ay nakalimang subo lang ata. Dapat pala dinamihan ko na ang kain kanina bago kami umalis ng bahay ni Matthew.
Kasunod naming pinuntahan ay ang parke. Tumambay lang kami doon at nagpahindag sila hindi ako kasali hindi naman ako nabusog. Sa museum sana kami pupunta kaso ay naisip namin na baka maraming tao at baka pagkaguluhan si sir Matthew kaya nang makita namin na halos walang tao dito sa parke ay dito na kami dumiretso.
Nakakita kami ng magandang spot kaya naisipan naming kumuha ng picture roon. Kanya kanya kami ng pwesto at kanya-kanya rin ng mundo. Napili kong magtake ng selfie sa tapat mismo ng fountain. Sinubukan kong umanggulo ngunit nang makita ko ang mga kuha ko ay hindi satisfied sa mga ito. Nang magsawa na ako ay hinanap ko kung nasaan sila. Hindi ko sinasadyang mapadako sa part kung nasaan si Matthew. Nakita ko siyang nakatayo lang at nakatingin sa akin. Nahuli ko siyang tumatawa pero agad niya iyong itinigil nang makita ko siya. Pinagtatawanan niya ba ako? Dahil sa gigil ko ay nairapan ko tuloy siya nang di ko sinasadya. Tumalikod na ako at isa-isang tiningnan ulit ang aking mga kuha. Ang papangit talaga yung iba madilim yung iba naman sobrang liwanag na halos di ko na maaninag ang kilay ko. Paalis na sana ako ng biglang narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako at nakita ko si Matthew na tinatawag ako. Nakita kong may kasama na siyang isang pamilya. Lumapit ako sa kanila at lumapit agad sakin ang isang babae at iniabot ang kanyang cellphone.
“Miss papicture sana” nakangiti niyang sabi sa akin. Wala na akong nagawa nakita ko rin naman na nakapuwesto na si Matthew at ang pamilya niya para sa picture.
“Okay. 1,2,3.... smile” Ngumiti naman sila pati na rin si Matthew. Habang kinukunan ko sila ng litrato ay hindi ko maiwasang mapatitig kay Matthew. Kulay puti ang suot niyang polo ngayon at light blue naman ang kulay ng kanyang pantalon. Kulay puti rin ang suot niyang sapatos. May suot din siyang relo pero hindi ito katulad ng suot niya kahapon. Humirit pa sila ng isang shot kaya nagbilang ulit ako. Nagulat ako ng biglang buhatin ni Matthew ang pinakabunso sa magkapatid. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang nito sa ginawa niya. Ngumiti na siya sakin at napatitig nalang ulit ako sa kanya nang kunan ko ulit sila ng litrato.
“Salamat, Miss”, bati sakin ng babaeng nakisuyo na kunan sila ng litrato nang siya ay lumapit sa akin para kunin ito. Tumango na lamang ako bilang tugon sa kanya. Lumapit na rin ai Matthew at nagpapaalam sa kanila.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na siya namang pinagtaka ko. Hindi pa man ako nakakapagtanong nang kunin niya ang cellphone ko sa aking kamay. Iniharap niya iyon sa akin kaya nilagay ko naman ang pattern. Napakamot na lang ako sa aking batok habang tinitingnan siya habng bina-browse niya ang mga pictures na kinuha ko kanina. Lumingon-lingon pa siya sa paligid nang parang naghahanap ng magandang anggulo habang bumabalik ng tingin sa mga litrato ko.
Nagulat ako nang bigla niyang higitin ang aking kamay. Tumigil kami sa harap mismo ng fountain.
Sinensyasan niya ako na magpose dahil nakatayo lang ako doon na parang estatwa. Sinubukan kong magpose nang kaunti habang busy siya na humanap ng anggulo kung saan siguro ako maganda. Ilang segundo pa ay lumapit ulit siya sa akin.
“Can you do this?”, tanong niya sakin habang iminumustra sa akin ang pose na gusto niyang gayahin ko. Nagpatuloy lang kami sa ganoong sitwasyon. Magpopose siya at gagayahin ko iyon. Lumipas ang halong limang minuto nang magsuggest na ako na okay na siguro lahat ng litratong nakuha niya.
“Sir, okay na po. Tara na baka hinahanap na rin tayo nina Manang,” sabi ko sakanya habang nakalahad ang aking kamay para kunin ang aking cellphone. Iniabot naman niya sa akin iyon agad.
Tiningnan ko ang mga kuha niya at namangha ako kasi ang gaganda nila lahat.
“Pwede ho pala kayo maging photographer! Omg! Ako ba talaga ‘to?” Tumawa lang siya sa akin.
“Do you want to take picture with me?” tanong niya sa akin. Nagulat naman ako kasi siya na ang nag-offer. Syempre, oo, aarte pa ba ako.
Iniabot ko ulit sa kanya ang aking phone at kinuha niya naman iyon. Itinaas niya ito at sumiksik ako nang kaunti sa tabi niya. Sabay kaming ngumiti.
“Wacky naman”, suggest niya. Natawa ako pero dahil dire-diretso ang pag-click niya ay dali-dali akong nagpeace sign with matching pout pa. Ipinuwesto niya naman ang kanyang dalawang kamay sa ulo ko na para akong sinusungayan ako habang nakangiti lang siya.
“Hindi naman wacky yan eh!,” reklamo ko sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko.
Tiningnan niya ang picture namin at nagulat ako ng i-zoom niya ang mukha ko. Magrereklamo na sana ako kaso parang biglang bumagal ang takbo ng mundo ko nang nakita ko siyang nakangiti habang pinagmamasdan ang mga kuha namin. Mabagal na nilipad ng hangin ang kanyang buhok at tumama ang liwanag sa kanyang mukha.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit biglang naging maaliwalas ang kanyang mukha na para bang I am under a spell or may mahikang biglang dumaan. Ito siguro ang rason kung bakit ako humanga sa kanya noon.
Naramdaman kong unti-unting bumalik ang mga alaala noong mga panahong siya pa ang sanhi ng aking pagngiti. Mga alaalang kahit sa malayo ko lang siya napapagmasdan sa mga mall shows ay masaya na ako. Kasabay ng unti-unting pagbalik ng mga alaalang matagal ko nang ibinaon ay ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi, mali.
“Hindi maari,” bulong ko sa aking sarili.