Kabanata 2

4488 Words
“Kaya sana masuklian mo," punong-puno ng damdamin kong pag-awit sa aking bagong imbentong kanta ngunit napatigil ako sa sigaw ng kaibigan ko. "Selena!" nakakabinging tawag ng best friend ko habang ako ay nagco-concert sa kwarto. Padabog akong naglakad palabas ng pinto. Panira eh ang ganda na ng concert ko kahit kailan talaga itong si Samantha. "Bakit?" Patanong kong sagot sa kanya nang makita ko na siya. Nasa kusina siya ngayon at mukhang katatapos lang niya magbalot ng pagkain. "Dalhin mo ito bukas. Bigyan mo na rin yung mga katrabaho mo." Sabay turo niya sa mga kutsinta na nasa lamesa. "Salamat maganda kong best friend." Nakangiti at palambing kong sabi sa kanya at saka kinuha na ang mga kutsinta at nilagay sa ref. "Walang anuman maingay kong kaibigan." Mataray niyang bawi sakin kasabay nang paghawi niya nang malakas sa kanyang buhok. Natawa tuloy ako. "Ilang araw ka bang mawawala? Saka anong show ba ang hawak ng team niyo? Nagtataka niyang tanong. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na natanggal ako sa trabaho ngayong araw. Nahihiya kasi ako. Proud na proud pa naman ako nung ibinalita ko sa kanyang natanggap ako sa trabaho. Ayaw kong malungkot siya. Ayaw ko rin sabihin yung tungkol sa bago kong trabaho. Ayaw kong maintriga siya. Paniguradong kukulitin ako nun kakatanong lalo na't alam niyang patay na patay ako kay Matthew dati. Bumuntong hininga ako bago magsalita ulit. "Hindi ko pa alam eh. Baka matagalan kami. Hindi ko rin tanda yung name ng show ang haba kasi saka hindi pa yata final. Pinagpipilian pa kung kaninong team ang kukunin." Palusot ko sa kanya at tumatango-tango naman siya. Naisipan kong baka magtanong pa siya kaya nagpaalam na ako at bumalik na ulit sa aking kwarto. Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko ngayon. Sabi kasi ni Ms. Bea kakailanganin ko raw talaga mag-stay sa bahay ni sir Matthew dahil mahihirapan ako sa oras kung pipilitin kong mag-uwian dito sa bahay na tinutuluyan namin ng best friend ko. Pagkatapos akong kausapin ni Matthew kanina ay lumapit na ako kay Ms. Bea para magtanong ng mga dapat kong gawin. Nang makausap ko na si Ms. Bea saka ko lang nalaman na siya pala ang kasalukuyang PA ni Matthew at isang linggo na lamang siya rito sa Pilipinas. Mabuti na lamang hiniling ni Matthew sa kanya na bago siya umalis patungong Singapore ay turuan niya muna kahit isang linggo ang papalit sa kanya. Maagap ang alis ko bukas dahil kailangan ko pang dalhin at ayusin ang mga gamit ko sa bahay ni Matthew. Mabuti na lamang at may sasakyang susundo sakin dahil madami-dami rin itong gamit ko. Isi-net ko na ang aking alarm ng alasdos. Nakita ko sa orasan na alasonse na pala. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras dahil sa pag-iimapke ko kanina. Mukhang kailangan ko nang matulog para kahit papaano ay may energy ako bukas. Napagdesisyunan kong maligo na muna bago matulog para di ko na kailanganing maligo mamayang madaling-araw. Mag-aalasdose na nang matapos akong maligo. Pagkatapos patuyuin ang aking buhok ay humiga na ako sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko pa nararamdaman ang antok pero ipinikit ko na ang aking mga mata. Naalimpungatan ako nang maingay na tumunog ang aking alarm. Saktong alasdos na ng madaling araw ngayon. Medyo mabigat pa ang aking mata dahil wala pang dalawang oras ang aking tulog. Tumayo na ako naglakad papunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Medyo nabawasan ang aking antok nang ako ay makapaghilamos na. Kasalukuyan akong naghahanap ng damit na isusuot nang biglang pumasok si Samantha sa aking kwarto. "Ngayon ka palang mamimili ng damit?" Pagulat niyang tanong sa akin. Halata naman niyang nagulat ako sa pagpasok niya. "Gumising talaga ako ng maaga para ipagluto ka ng umagahan mahal na prinsesa." Sabay kuha niya ng damit na nakapatong sa higaan ko. "Anong nakain mo? Parang sobrang bait mo yata kahapon at ngayon?" Pang-aasar ko na lamang sa kanya. "Mamimiss mo ako nuh?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Kahit magdeny pa siya alam ko namang mamimiss niya ako para ng kapatid turing namin sa isa't isa at simula high school ay magkasama na kami sa dorm. "Ito isuot mo. Dalian mo na." Sabay abot niya sa akin ng Vintage trouser pants ko at plain white shirt. Patulak niya akong pinapasok sa banyo at isinara ito nang mabilis. "Dalian mo Selena. Mahuhuli ka na naman sa bagal mong kumilos." Pahabol niya sa akin. Habang nagpapalit ako ng damit ay ngawngaw pa rin nang ngawngaw si Samantha sa labas. Pinapangaralan niya ako ngayon. Siguro kaya sinikap niyang gumising nang maagap dahil alam niyang mabagal akong kumilos na siyang dahilan kung bakit lagi akong late nung nag-aaral pa kami. Dali-dali akong lumabas pagkatapos kong magbihis para matahimik na si Samantha. Nasa may harap na siya ng salamin ko ngayon at mabilis siyang humarap sa direksiyon ko nang makita niya ako. Winagayway niya ang plantsa sa buhok at nakita kong nakalabas na rin ang mga pangkolorete sa mukha. "Bakit may hawak kang plantsa?" Tanong ko sa kanya nang makaupo na ako na sa harap ng salamin. Nagsimula na akong maglagay ng kaunting make up sa aking mukha. Kung nagtataka kayo kung bakit nagme-make up pa ako syempre ayaw ko namang magmukhang pangit sa mata ni Matthew. Kailangan kong magmukhang tao man lang. Kaunti lang naman ang ilalagay at ayaw kong ma-overdo baka iba na ang isipin nila. Nakatingin pa rin sa repleksiyon ko sa salamin si Samantha na parang nag-iisip. "Ah alam ko na!" Excited niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. "I-curl natin ang hair mo bagay sa suot mo." Masaya niyang sabi. "Wag na Samantha baka mahuli pa ako. Sige ka." Banta ko sa kanya. Pero dahil makulit siya ay tinuloy niya pa rin ang kanyang gusto. Saktong alstres nang matapos kami sa aming katarayan. Saktong sakto lang kasi alastres din ang napag-usapang oras na susunduin ako. Tinulungan ako ni Sam na buhatin amg aking mga gamit papunta sa labas ng bahay. Pinabaunan niya rin ako ng pang-umagahan dahil naubos ang oras namin sa pag-aayos nang buhok ko kaya hindi na rin ako nakakain. Pero dahil girls scout ata itong best friend ko may inihanda na siyang breakfast na babaunin ko sakaling wala na akong oras para kumain sa bahay. Sampung minuto lamang akong naghintay bago dumating ang susundo sakin. Hindi naman gaanong mahaba ang biyahe mula sa amin papunta sa bahay ni Matthew inabot lamang kami ng 35 minutes. Nang makarating na kami ay tinulungan ako ni kuyang driver na ipasok lahat ng gamit ko sa bahay ni Matthew. Naghintay muna ako sa salas. Habang naghihintay ako ay inilibot ko ang aking mata. Napansin kong white at brown ang theme ng bahay ni Matthew. Pagpasok mo sa pinto ay salas agad ang sasalubong sayo. Sobrang lawak nang salas. Tumingin ako sa itaas at namangha ako sa ganda ng chandelier. Napatingin naman ako sa aking paligid. Mayroon din siyang malaking wooden table na nasa gitna nitong mga sofa. Hindi gaanong madami ang gamit niya kaya sobrang linis at aliwalas tingnan ng kanyang bahay. Maya-maya ay nakita ko na si ate Bea na bumaba. Katulad nang una naming kita ay tiningnan niya muli ako mula ulo hanggang paa. "Saan ang fashion show?" Tanong niya sa akin at lumapit. Hinawakan niya ang buhok kong curl ngayon at inusisa ito. "Ay iba rin. Nakapagikot-ikot pa ng buhok." At inikot ikot din niya ang buhok ko. "Good luck sa suot mo talaga namang nakaboots ka pa. May camping? Eenjoy mo na rin itong curl ng buhok mo. Mamaya straight na yan." Malachismosa niyang sabi. "Ah. Hindi po ba appropriate ang suot ko?" Naiilang kong tanong. Imbis na sumagot ay nagkibit balikat lang siya na parang niloloko ako dahil sa suot ko. "Halika na. Maglipat na tayo ng gamit. Nang makarating na kami sa second floor ay inilibot ko ang ulit ang aking mata. Mayroong tatlong pinto rito. Nasa ikalawang pinto kami mula sa kanan. Napalingon ako sa aking kaliwa at namataan ko naman sa dulo ang terrace. Tinulungan ako ni ate Bea ayusin ang aking mga gamit. Magkasama kami ngayon sa kwarto. Ayon sa kanya si Manang Alice at Lolita ang naka-ukopa sa katabi naming kwarto. Sila ang taga-luto at tagalinis ng bahay. Sa kabila naman namin ay ang kwarto ni Matthew. Nalaman ko na dito lang din sa subdivision na ito nakatira ang ibang kamag-anak ni Matthew. Marami-rami kaming napagkuwentuhan tungkol kay Matthew habang inaayos namin ang aking mga gamit. Mamayang 5:30 am ang alis namin papunta sa shooting place kaya nang matapos namin ang pag-aayos ay napagdesisyunan na naming kumain ng umagahan. Lumabas na kami ng kwarto at dahil 4:20 na ay ibinilin sa akin ni ate Bea na gisingin si Matthew. Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto ng kwarto niya. Nagdalawang-isip pa ako kung ano ang sasabihin ko o pano ko gigisingin si Matthew bago nagsalita. "Sir Matthew? Gising na po ba kayo?" Pagkatapos ay idiniin ko ang aking tainga sa pinto. Wala akong narinig na kung ano man kaya kumatok ulit ako. "Sir Matthew? Kailangan niyo na pong gumising. Sir?" Sabay katok ko ulit sa pinto. Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko wala namang ibiniling instruction sa akin si ate Bea kung paano siya gisingin. Wala pa ring umimik kaya tumawag ulit ako. "Sir Matthew kailangan niyo na pong gumising. Sir Matthew?" Sabay diin ko ulit ng aking tainga sa pinto. "Thanks for waking me up." Nagtaka ako nang marinig ko iyon. Hindi naman galing sa loob ang boses. Dahan-dahan akong lumingon. At tama nga ako dahil tumambad sa harap ko si sir Matthew. Nakapantulog pa siya na damit pero mukhang kanina pa siya gising. "Good morning sir. Pasensya na akala ko kasi tulog pa kayo." Sabi ko habang nahihiya. "It's okay that's why I said thanks for waking me up dahil nagising ako sa lakas ng boses mo." Shocks! Napalakas ba boses ko? Myghaddd! "Sorry sir. May megaphone talaga tong bunganga ko. Pasenysa na." Pabiro ko namang sagot sa kanya. "You can go down now. Kumakain na si Ate Bea. Kumain ka na rin." Habilin niya at pumasok na sa kwarto. Nakita kong natawa siya bago niya ako sabihang bumaba na. Mas mabuti yun at least kampante ako na hindi naman ako mahihirapang pakisamahan siya. Nasa sasakyan na kami ngayon. Isa-isang tinuturo ni ate Bea sa akin ngayon ang mga susuotin ni Matthew mamaya. Pumasok na kami ni ate Bea sa sasakyan. Naupo siya sa tabi ng driver at ako naman ay sa likuran niya. Malawak ang loob ng sasakyan ni Matthew. Mayroong apat na upuan. Dalawa sa unahan at dalawa sa likuran kung saan ako nakapuwesto ngayon. Nas-stretch din ang upuan para kung sakaling gusto mong matulog nang komportable. Malawak ang pagitan nang bawat upuan, mga apat na dangkal nang kamay ko. Sa likod naman ay may dining table, couch, at sa pinakalikod ng sasakyan ay ang mga gamit ni sir Matthew. May hawak din akong bag na naglalaman nang mahahalagang gamit ni Matthew. May mga laman itong pagkain, tubig, damit, alcohol, personal hygiene kit, perfume, accesories, towel, charger, at payong. Napatingin ako sa aking tabi nang bumukas na ang pinto at tumambad si Matthew. Nakapolong stripe siya ngayon na kulay white at blue. Light na pantalon na maong naman ang kanyang suot pang-ibaba. Nakatuck-in ang kanyang polo at may suot din siyang belt. Mayroon din siyang suot na relo, ang tanging alahas na suot niya ngayon. Iniwas ko na ang aking tingin sa kanya ngunit nakita ko ulit ang repleksiyon niya sa salamin na nasa harap. Ilang minuto lang ang lumipas pero hindi ako mapakali. Para akong nasu-suffocate. Feeling ko ang lapit lang niya sa akin. Damang-dama ko ang presensiya niya. Kumuha ako ng tubig at ininom ito dahil hindi ko na kaya. Kinalma ko ang aking sarili. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Tumalab naman siya dahil naramdaman kong unti-unti nang naglaho ang aking kaba. Tumingin nalang ako nang diretso sa daan. May mga pagkakataon na sinisilip ko siya sa aking peripheral vision. Nakita kong nagbabasa siya ng script. Hindi ba siya nahihilo? Siguro sanay na rin siya. "Ms. Bea did you bring water?" Tanong niya habang nakatingin kay Ms. Bea. Tumingin din sa kanya si Ms. Bea gamit ang salamin na nakakabit sa itaas ng sasakyan. "Oo Matt." Mabilis niyang sagot at sabay na lumingon sa akin. "Yung tubig." Senyas niya. Agad kong binuksan ang bag na dala ko at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong WALA PALA AKONG DALANG TUBIG PERO MAY ININOM AKO KANINA. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nanginginig kong binuksan ang bag at inilibas ang water bottle na may kaunting bawas. Hindi ko alam kung napansin nila na uminom ako rito kanina. Sana hindi! Kinakabahan akong iniabot ang tubig kay Matthew. "Sir t-tu-tubig." Hindi ako nakatingin sa kanya nang sabihin ko yun. Kinakabahan akong tunay sa katangahan ko. Nakalimutan kong hindi nga pala akin ang mga gamit na dala ko. "Thanks" sagot niya kasabay ng pag-abot sa water bottle. Nakita kong binuksan na niya iyon. Gusto ko siyang pigilang inumin iyon pero baka mapagalitan ako ni Ms. Bea. Parang bumagal ang takbo nang mundo ko nang itapat na niya iyon sa kanyang bibig at ininom. Gusto kong mag-sorry sa kanya. Napansin niya kaya? Alam niya kaya? Naku. Bakit ko kasi ininuman? Ah ang tanga mo Selena! Pagkapos niya uminom ay isinara na niya ito at iniabot sa akin nang hindi tumitingin. Nakatingin na ulit siya ngayon sa script na kanina pa niya binabasa. Dali-dali ko itong inabot at chineck kung mahigpit na ang pagkakasarado ng takip at saka ibinalik sa bag. --------- Tanghali na nang makarating kami sa shooting place. Ang tindi rin kasi ng traffic kanina. Wala na rin naman akong katangahang nagawa pa kanina. Mabuti na lamang. Buong biyahe nagbasa ng script si Matthew kaya tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Pagkarating na pagkarating namin ay umalis agad kami ni ate Bea para bumili ng tanghalian. Magkasama kami ni Ms. Bea na naghanap ng restaurant. "Ate Bea wala bang inihabilin si sir Matthew sa kung ano ang bibilhin natin?" Pagbasag ko sa katahimikan. "Wala. Hindi maarte sa pagkain si Matthew." Sagot sa akin ni ate Bea habang nakahawak siya sa braso ko. Alam kong hindi maarte sa pagkain si Matthew pero hindi ko alam na totoo pala talaga. Nabasa ko lang kasi yun sa isang post ng fan sa f*******:. Hindi kami pamilyar sa lugar na ito. Sabi ni ate Bea nasa Laguna raw kami. Para hindi kami mahirapan maghanap ay nagtanong tanong kami kung saan may restaurant na malapit. Mabuti na lamang at meron. Isang barbecue restaurant ang pinasukan namin. Hindi na namin pinahirapan ni ate Bea ang aming sarili. Pare-parehong pagkain na lamang ang aming inorder. "Maswerte ka at si Matthew ang naging amo mo Selena." Wika ni ate Bea habang naglalakad na kami pabalik. "Bakit naman ate?” Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi ka mahihirapan kay Matthew. Tamo hindi siya maarte sa pagkain. Alam mo bang yung ibang PA na nakasama ko na dati hirap na hirap humanap ng pagkaing magugustuhan ng alaga nila." Kwento niya sa akin. "May ganun po?" Medyo gulat kong tanong sa kanya. "Oo pero iilan lang naman. Pero maswerte ka pa rin. Maswerte tayo. San ka pa pogi na hindi pa maarte." Masayang wika ni ate Bea. Natawa naman ako sa kanya mukhang tuwang-tuwa siya na si Matthew ang naging alaga niya. Well, ako rin naman. "Oo nga ate Bea ang swerte natin. Sang-ayon ako sa sinabi mo" natatawa kong sagot sa kanya. "San ka sang-ayon? Sa sinabi ko bang pogi si Matthew o dahil hindi siya maarte?" At binigyan niya ako nang nakakapanglokong tingin. "Ha eh... pareho?" At nagtawanan kami. "Okay lang yan hinahangaan ko rin naman si Matthew" parang dalagang kinikilig na wika ni ate Bea. Nagulat ako sa sinabi niya pero tumawa nalang din ako. "Huwag ka mag-alala ate Bea secret lang natin yun." At siniko ko siya. "Hindi ko rin ipagkakalat na nagagwapuhan ka sa kanya." Buwelta naman niya at nagtawanan ulit kami. Puro biro at tawanan kami hanggang sa makabalik na kami. Feeling ko tuloy ang close na namin. Madaldal si ate Bea at mahilig din siyang mag-joke at ako naman ay mahilig tumawa. Aliw na aliw rin ako sa kanya habang nagkukuwento ng paghanga niya kay Matthew nilang isang artista at bilang mabait na amo. --- Magkasabay kaming pumunta ni ate Bea sa tent kung nasaan si Matthew. Hindi pa sila nagsisimulang mag-shoot dahil may mga inaayos pa at ang iba naman ay kumakain pa. Dahil pasado alasdose na nagmadali na kami ni ate Bea dahil baka nagugutom na si Matthew. Naunang pumasok si ate Bea sa tent at sumunod naman ako. Nakita kong nakaupo si Matthew habang nagbabasa pa rin ng script. Napatingin siya sa amin nang pumasok kami. "Matthew kumain kana." Sabi ni ate Bea habang nilalapag ang mga pagkain sa lamesa na nasa loob din ng tent. Sumunod din ako kay ate Bea at nilapag ang aming inumin. Tumayo na rin si Matthew at umupo na. "Ay ibibigay ko lang ito kay Manuel." Wika ni ate Bea. Si Manuel ay ang driver ni Matthew. Mahilig siyang makipagkuwentuhan sa mga kapwa niya driver kung kaya't hindi namin siya makakasabay ngayon. Nahiya akong maiwan nang kaming dalawa lang ni Matthew kaya pinigilan ko si ate Bea. "Ate Bea ako nalang po ang maghahatid." Sabay hawak ko sa kanyang braso. "Hindi ako na. Kumain kana." At sinensyasan niya ako na okay lang. Wala na akong nagawa nang tuluyan na siyang lumabas ng tent. Nagdadalawang-isip akong umupo sa silyang nasa gilid ni Matthew. Hindi kami magkatabi kasi maliit lamang ang lamesa na hugis kwadrado kaya nasa bandang kaliwang gilid niya ako nakapuwesto. Dahil malapit na kami at isa't isa ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Bigla tuloy akong napasinghot sa aking sarili dahil galing kami ni ate Bea sa arawan. Mabuti na lamang at hindi naman ako nag-amoy araw. Umupo na ako nang maayos at inilabas ang mga pinamili namin. Inabot ko sa kanya ang isang lalagyan na may lamang kanin at ulam. "Thanks”, sagot niya habang busy siya sa pagce-cellphone. Hindi na ako nag-atubiling sagutin siya ng welcome dahil mukhang hindi naman kailangan. Ipinuwesto ko na rin ang kay ate Bea pati ang aming inumin. Halata kong medyo naiilang din si Matthew sa akin. Siguro kasi hindi pa kami close at ilang beses pa lamang kami nagkakausap. Maya-maya ay inilagay na niya ang kanyang cellphone sa lamesa. Humarap na siya sa akin at nagtaka ako ng itinapat niya ang kanyang kamay sa akin na parang may hinihingi. "Sir kailangan mo ng barya?" At napakapa ako sa aking bulsa. Kumunot naman ang kanyang noo sa sinabi ko. "Why would I need coins?" Diretsa niyang tanong. "Ah e-ewan ko sir." Hindi ko rin siguradong sagot. "I'm actually asking for alcohol not for coins. We need to clean our hands first before we start eating. Don't we?" Kalmado niya pa ring sagot. Saka ko lang narealize. Bakit ba kasi hindi niya nalang sabihin agad? May paabot-abot pa siya ng kamay. Akala ko tuloy nanghihingi siya ng barya. "Ahhhhh wait lang sir kukunin ko." At tumayo na ako. Tumango nalang siya sa akin. Naglakad na ako at kinuha ang alcohol sa bag at iniabot sa kanya iyon. Sakto rin naman na dumating na si ate Bea . Mabuti nalang. Nakita kong ini-spray na niya iyon sa kanyang kamay at pagkatapos ay ibinalik niya sa akin. Tahimik lamang kami ng kami ay kumakain. Maganang kumain si Matthew pero kahit pagkain niya ay para siyang nagmomodel ng barbecue. Para tuloy akong nanonood ng komersiyal. Hindi ko tuloy maiwasang kumain nang mahinhin. Kahit na gustong-gusto ko na kagatin ng isang nguyaan tong ulam ay hindi ko magawa. Para akong galing sa sinaunang panahon sa liit ng kagat st subo ko. Bakit ba ako naco-conscious? Nang matapos na kaming kumain ay saka lang umimik si Matthew. "Selena right?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Can you tell us something about you? I think you haven't introduced yourself properly yet." Nakatingin siya sa akin ng sinabi niya iyan. “About what sir?" Tanong ko sa kanya para hindi ako mahirapang mag-isip kung ano ang gusto niyang malaman. "Your family, studies, your previous work, are you married. Things like that." Nanatili siyang nakatingin sa akin. Dahil naiilang akong tumingin sa kanya ay ibinaling ko nalang ang aking tingin sa ibang direksiyon habang sumasagot. "First of all, I am single." Mukha na ba akong may asawa? 23 palang ako jusko. Second, I have a degree in communication. I graduated this year actually and I haven't had any work experience in the past except that I was an intern and a one-day employee at ST entertainement. Third, my father is an architect and my mother is an accountant. Fourth, I have one sibling. Fifth, I actually wanted to become a writer but fate brought me here so now I'm your PA." Sabay tingin ko sa kanya. "Why did you become my PA when what you wanted is to become a writer?" Seryoso niyang tanong sa akin. Mukhang pinakinggan niyang mabuti ang mga sinabi ko. Nakatingin lang si Ate Bea sa amin habang tinatanong ako ni Matthew. "Long story short sir. I was fired on my first day and my boss introduced me to this job. So tinanggap ko nalang din." At ngumiti ako sa kanya. Para nag-iba ang kanyang aura. Kung kanina ay maaliwalas ang kanyang itsura ay parang dumilim. Hindi ko maexplain. Nasamaan ba siya sa sinabi ko? Tumango nalang siya sa akin at tumayo na. Tumingin muna siya sa kanyang relo saka nagsalita ulit. "I'll go now. When you're done here follow me I'll be just outside. Baka mag-start na." Tiningnan niya muna kami ni ate Bea at saka lumabas na. Dali-dali kong niligpit ang pinagkainan namin. Pagkatapos namin magligpit ay lumabas na kami. Nakita naming nagsho-shoot na sila ng isang scene. Sinabihan ako ni ate Bea na ihanda ang payong, pamaypay at towel. Mabuti na lamang hindi kainitan ngayon. Nang matapos nang ishoot ang isang scene ay dali-dali kaming lumapit ni ate Bea kay Matthew pinaypayan ko siya at sinukuban ng payong habang si ate Bea naman ang nagpunas sa pawis at nagretouch kay Matthew. Sinamahan namin siyang bumalik sa tent dahil mamaya pa raw ulit ang scene niya. Siya nga pala lead actor sa teleserye. Lavender Rose ang pamagat ng teleseryeng pinagbibidahan niya. Hindi ko pa alam kung ano ang istorya. Nakita kong lumalapit siya akin kaya nagtanong ako. "Bakit sir?" nagtataka kong tanong. "Can you hand me my personal hygiene kit?" Magalang niyang tanong. Nasa harap ko lang siya ngayon at nakasakbit lang sa balikat ko ang bag kaya dali dali ko itong binuksan at iniabot sa ito sa kanya. Dahil kasalukuyang wala si sir Matthew naisipan namin ni Ms. Bea na pumunta sa palikuran upang maghilamos at magsipilyo na rin. Nang makabalik kami ay nasa loob na ulit ng tent si Matthew at may kakuwentuhan na siya ngayon. Nakita kong nasa lamesa na ang hygiene kit niya kaya kinuha iyon at ibinalik sa bag. Naisipan naming lumabas ni ate Bea para magpahangin. Hindi naman kami lumayo dahil baka biglang may kailanganin si Matthew. Nagpaalam kami sa kanya at tumango lang siya sa amin. Hindi pa sila nagsisimulang magshoot ng second. Nakiusyuso kami ni ate Bea sa kanila. Kasalukuyan silang nagpa-pacing ngayon. Nakita kong may artista roon, si Angel. Isa siya sa mga casts. Hindi ko alam kung ano ang ganap niya. Tahimik lang kami ni ate Bea habang nanonood sa kanila nang biglang may lumapit sa akin. "Hi, miss. Uhmm baka gusto mong umextra. Tatawa ka lang naman. Ano?" Tanong sa akin ng isa sa mga staff. Napatingin naman ako kay ate Bea at tiningnan niya rin ako nang hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "By the way I'm Rina nga pala." Nakangiti niyang pakilala sa amin. "Pasensya na po. Ah may trabaho po kasi ako baka bigla akong hanapin." Nahihiya kong sagot sa kanya. "PA ka?" Tanong niya habang nakaturo sa akin. Tumango ako sa kanya at nagsalita ulit siya. "Sinong amo mo ako ang magpapaalam. Ikaw (turo niya kay ate Bea) sumama ka na rin." Magiliw niyang sabi sa amin. "Si sir Matthew po." Mahinhin kong sagot. Lumaki naman ang kanyang mata at parang tuwang-tuwa siya. "Really?? Oh sige dito lang kayo." At pumasok na siya sa tent. Naiwan naman nakabukas ang tent kaya kita namin siya ni ate Bea na pumasok doon at masayang kinausap si Matthew. Nakaupo si Matthew habang nakaharap sa kausap niyang lalaki na artista rin ata. Lumingon siya kay Rina habang kinakausap siya nito. "Matthew pahiram naman ng mga PA mo kulang kasi kami sa tao." At nagpacute pa siya rito. Lumingon sa direksiyon namin si Matthew bago kinausap ulit si Rina. Masayang lumabas si Rina sa tent at lumapit sa amin. "Gurls, approved na. Let's go. Sayang yang outfit mo kung walang exposure." At hinigit na niya ako. Sumunod naman si ate Bea sa amin. Clueless pa rin kami ni ate Bea sa aming gagawin ang sabi lang sa amin ay makikitawa lang daw kami sa oras na madulas si Angel. So, mean girls ganap namin ni ate Bea. Nagsimula nang itake ang second scene. Nakita kong lumabas si Matthew sa tent para siguro panoorin kami. Ngumiti siya sa akin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Mas lalo akong nahiya. Agad akong tumalikod na sa kanya at pumuwesto na. "1,2,3... Action!" Nagsimula ng maglakad si Angel habang kaming mga extra naman ay nakatingin lamang sa kanya. Medyo awkward kasi hindi namin alam ni ate Bea kung tama ba ang expression namin. May isa pang artista sa kabilang dulo na nakakibit balikat feeling ko siya yung kontra bida. Hindi ko siya mamukhaan parang bago ang mukha niya, bagong artista siguro. Nagkunwaring busy ang iba sa mga extra. May naglalakad, nagseselpon, nagkukuwentuhan at kami naman ay nakatayo lamang sa gilid at nakatingin kay Angel. Nang madapa na si Angel nagtawanan na ang ibang extra. Nagsimula na rin kaming tumawa ni ate Bea na parang mga sira. Napatingin kami sa isa't isa at tumawa ulit kami ng parang mga tanga. Ang awkward ng tawa namin ni ate Bea kaya mas lalo kaming natawa nang pinapanood na namin yung scene ng take kanina. Habang naglalakad na kami pabalik sa dati naming puwesto. Hindi pa rin namin mapigilan matawa sa katangahan namin. "Hindi pala tayo pwedeng maging artista imbis na magmukha tayong mean girls mas mukha tayong sira." At tumawa ulit si ate Bea. Hindi ko rin mapigilan mapahalakhak dahil naalala ko ulit ang itsura namin ni ate Bea sa screen kanina. Maya-maya pa ay nag-akit na si ate Bea na bumalik kami sa tent ngunit bago kami umalis ay lumingon muna ako kay Matthew na kasalukuyang umaarte na ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD