Michelle
"Babe, we're going to visit dad to inform him that we are already engaged." saad nito habang nagmamaneho. Nakasiklop ang aming mga palad kaya bahagya kong pinisil ang kaniyang kamay.
He proposed to me one week after kong makauwi ng pilipinas. Ang rason niya ay mas gusto niya ang makasal kami kaagad para raw walang makaagaw sakin mula sakaniya. How possessive! Tinanong ko siya bakit ngayon lang niya naisipan na ipaalam kay Tito Mateo eh isang linggo na ang nakalipas no'ng nagproposed siya, ang sagot niya ay "Gusto ko muna namnamin ang moment na tayong dalawa lang."
"Babe, why are you still nervous? You already saw him, right?" tumango ako sa tanong nito. Kahit naman nagkita at nagkausap kami ni Tito Mateo dati ay hindi ibig sabihin non ay hindi na dapat ako kabahan lalo't na hindi man lang ako nakapagpaalam nung umalis ako.
"But babe, it's been 3 and half years since the last time I saw your dad," she said, introducing me to his dad. After a few months, I answered him, and we even visited him when we had time, and we had conversations. Were pretty close. The last time I saw his dad was when we had dinner. That's the last time, because I need to go to Dubai. To take care of my auntie; she's my family that I have. My parents died in accidents when I was eighteen years old.
Nang mamatay ang parents ko ay si Auntie Susan ang gumastos sa pagpapalibing sa mga magulang ko. At si Auntie ang nag iisang kamag anak ko na nag susustento sakin habang nag aaral ako, siya rin nagbabayad ng renta ng bahay at iba pang expenses. Simula nung namatay ang mga magulang ko. Kinausap ko si Auntie kung pwede akong mag trabaho habang nag aaral ngunit hindi ito pumayag dahil kailangan daw magfocus ako sa pag aaral pero kahit ganun ay nadiskarte parin ako ng pera para may pangdagdag sa baon at makapag ipon din.
Bilang pangbawi ay I chose to stay in Dubai for two and half years to take care of my auntie, who has leukemia, and another year because I needed to take care of her hospital bills after she died.
Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Mathew. "Don't be nervous, okay?" After that, he held my hands tight and gave me some kisses. I smiled at him. He always makes me happy; that's why I love him, and of course he loves me too.
I always remember, Kung paano niya ako niligawan. He was my boss back then, and I was his just employee at the time. And now I'm not just his employee; I am his girlfriend. I smiled while thinking about it.
Hindi ko akalain nung oras nayun na ang boss ko which si Mathew ay nagkakagusto na pala siya sakin. Hindi na rin ako magtataka dahil lagi ako ang kasama niya noon dahil secretary niya ako pero still hindi naman kagandahan para magustuhan niya.
And at that time, I don't have any time for love kasi kailangan ko ng pera pangbayad ng renta sa tinitirahan kong apartment dito sa manila, Pinalayas ako sa bahay na dati naming tinitirahan ng mga magulang ko dahil daw may naibenta na ang titulo. Kaya naisipan kong magtrabaho sa manila para narin makapag-ipon kapag nag aral ako ulit at nang hindi na umasa ng umasa kay Auntie lalo't matanda na si Auntie para magtrabaho ng magtrabaho. At isa pa bente anyos na ako non.
Hirap ako makapaghanap ng trabaho lalo na kapag hindi college grad halos tumira na ako sa kalsada, ayoko naman na lagi akong hihingi ng tulong kay Auntie tuwing nagkakaproblema ako. Ilang beses ako nagtry maghanap ng pwedeng pasukang trabaho, pumasok sa isip kong nagtry mag apply at nagpasa ng mga requirements sa isang kilalang fastfood. Thank god dahil nakapagsimula ako sa trabaho. Until one day may naging customer kami na isang makisig na lalaki na nagngangalang Mathew. Lagi siyang nabalik sa pinagtratrabahuhan ko.
Nag offer siya sa akin nang trabaho sa sarili nitong kompanya bilang secretary. Medyo nagulat ako dahil isang CEO nang kompanya ang loyal customer namin. Malaki raw siya magpasahod kaya hindi raw ako lugi. Pinag isipan ko iyon nang mabuti at nagsearch din tungkol sa kompanya na sinasabi niya. Mukhang legit kaya ilang araw lang ay tinanggap ko ang alok niya.
Mahirap sa umpisa pero hindi nagtagal ay nasanay ako. Ilang buwan na ako nagtatrabaho sa kanya nang umamin ito sa akin at tinanong kung pwedeng manligaw. Noong una ay tumanggi ako pero hindi siya sumuko hanggang mag 21th birthday ako ay doon ko siya sinagot since nakikita kong pursigido siya at may feelings na rin ako sa kanya. Tutal nakakapagbayd narin ako nang mga utang at upa na ilang buwan ko hindi na bayaran no'ng nagtatrabaho ako sa fastfood, satingin ko ay this is my time para pagbigyan ko naman ang sarili ko.
Siya nalang ang meron ako ngayon kaya sana ay hindi siya mawala sakin.
"Babe, we're here." I look outside to see the beautiful view inside the hacienda de Mateo and to inhaled a fresh air from plants and tress. Wala paring pinagbago simula nung huling bumisita ako rito. Mukhang hindi pinabayaan ni Tito Mateo ang hacienda kahit may kompanya na siyang sinisimulan. Ang alam ko ay wine business at vegetable exportation ang sinisimulan ni Tito.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng mansion nila na nasa loob ng hacienda. Walang itong gate kaya nakapasok agad kami. At ang sabi rin kasi ni Tito Mateo ay lahat ay welcome sa hacienda niya kaya raw hindi ito nagpagawa ng gate at safe rin raw dito dahil mababait ang mga tao.
"Babe, let's go" nilahad nito ang kamay para alalayan ako palabas ng sasakyan kaya hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyun.
Pagkababa namin ay nakita namin si Tito Mateo at Nanang Ester na nag aabang sa pinto.
Pagkalapit namin sa kanila ay sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap galing kay Tito Mateo. Niyakap ko ito pabalik. Ramdam ko pa rin ang closeness na meron kami ni Tito Mateo noon dahil pagsalubong niya sa akin nang isang mainit na yakap. Kahit noon pa man nung pinakilala ako ni Mathew bilang girlfriend niya at sa tuwing pagdalaw namin sa hacienda kapag day off namin ay ganun ang laging salubong niya sakin. Wala namang isyu yon dahil para ko na rin siyang tatay.
"Dad ako yung anak niyo bakit yung girlfriend ko unang niyakap mo instead of me" pagmamaktol nito. Natawa naman kami parehas ni tito dahil sa pagiging isip bata nito.
Humiwalay ito sa pagkakayakap sakin at yumakap kay mathew. "Don't be jealous, son" biro nitong ani.
Nakangiti ako nakatitig sa kanila pero nabura iyun ng tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. They all look at me. I bit my lower lips out of embarrassment and bowed my head. Bakit kasi hindi ako nagtanghalian eh. Kasalanan ko rin kasi tinanggihan ko pa yung alok ni Mathew na burger, hindi pa naman kasi ako gutom non. Tinabi naman ni Mathew iyon para mamaya sa pag uwi namin.
"Oh, let's go to the dining, and it looks like someone was hungry," Tito said.
***
"How are both of you?" tanong ni Tito Mateo habang kumakain kami ng pananghalian. Tinanong ko si Nanang Ester kung bakit hapon na nanghalian si Tito kasi raw masyadong busy kung hindi pa raw niya ito pinuntahan para sabihin na patungo kami rito ay hindi pa daw uuwi.
"We're perfectly fine, dad, and actually, we are engaged." gulat ang rumehistro sa mukha ni Tito Mateo pagtapos niyang marinig ang sinabi ni Mathew.
Nawala rin kinalaunan at napalitan ng isang ngiti ngunit hindi abot sa mata. I furrowed; what does it mean? He wasn't happy because he doesn't really like me for his son. Pero nginitian niya ako kanina at niyakap pa nga eh. I don't want to conclude a conclusion baka mamaya maling akala at guni guni lang yon.
"Babe, are you okay?"
"Iha, are you okay?"
Natigil ang pag iisip ko nang sabay magtanong sila Tito at Mathew sakin. Tipid akong ngumiti sa kanila at tumango. Nagpatuloy ako sa pagkain ko hanggang sa matapos na kami.
Nang tapos na kami ay pinaayos ni Mathew ang pinagkainan namin.
"Iha, what happened to you?" tanong nito halata sa mukha ang pag aalala.
"Sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw dito ulit, Inalagaan ko po kasi yung tita kong may sakit at inayos yung mga kakailanganing papeles nung namatay po siya" aniya at nalulungkot parin siya kapag naaalala niya ang nangyari sa tita niya kahit maikling panahon lang sila nagkasama. Naging mabuti ito sa akin sa panahon na gipit na gipit ako at siya ang kauna unahang taong tumulong sa akin nang wala kapalit.
"Oh, Sorry to hear that." tipid na ngiti ang naging tugon niya dito.
"Babe gusto mo bang maglibot sa may farm ni dad" pag iiba ni Mathew ng usapan dahil alam nito na nalulungkot parin siya sa pagkawala ng kanyang Auntie.