TWO

1151 Words
Michelle MADALING ARAW na pero hindi parin ako nakakatulog dahil sa pag aalala kay Mathew kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sinasagot ang tawag ko na tila sinasadyang hindi sagutin ang tawag. Hindi naman siya ganun kahit may kasalanan ito ay ito na mismo ang tatawag para tanungin kung na saan ako para makapag usap kami. At mas lalong hindi rin ako makatulog dahil namamahay ako. Halos gabihin kami ni Tito Mateo sa paglilibot sa farm dahil sa lawak nito, siguro'y tantsa ko hindi sapat ang buong isang araw para malibot ito. Hindi nakasama ang nag aya sa akin na maglibot sa farm dahil daw may kailangan siya asikasuhing investor. Ang huli niyang sabi sakin kanina bago umalis ay kailangan niya raw makausap ang investor na yon para mapapayag na pumerma ng kontrata, ang pagkakatanda ko ay nakuwento niya na sakin yung investor na yon at nagkapermahan na raw sila nang kontrata bakit magkakaroon sila ulit nang permahan ng kontrata. Umiling nalamang ako sa aking iniisip. Wala naman akong masyadong alam sa business. Sure, ako na walang gagawing kalokohan si Mathew behind my back. Lalo't ikakasal na kami. Siguro kakapanood ko 'to nang teleserye kaya kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. Hindi mababago ang inis na nararamdaman ko sakanya dahil ito ang nag aya sa kanya na maglibot sila sa hacienda pero hindi naman pala siya nito masasamahan pero buti nalang hulog ng langit ang daddy niya na siyang sumama sakin para maglibot. Paikot-ikot ako sa buong kama para makahanap ng magandang pwesto para makatulog pero walang epekto. Ganun parin ang ginawa ko hanggang sa makaramdam ako nang pagod at uhaw kaya naisipan kong bumaba. Bago bumaba ay dinala ko ang phone at earpods ko. Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang madilim na sala, mukhang tulog na sila Nanang Ester. Ang sabi sakin ni Nanang kapag patay na raw ang ilaw sa sala ibigsabihin ay tulog na si Tito dahil ito raw ang nagpapatay lahat nang ilaw. Paano nagagawa ni Tito yon eh ang laki laki nitong hacienda. Maingat at marahan ang bawat hakbang ko patungo sa may kusina para uminom. Marahan akong kumuha ng baso at binuksan ang refrigerator upang kunin ang pitsel. Nang makainom na ako ay hinugasan ko ang basong pinag inuman ko. At mahinang sinabayan ang pinapakinggan kong kanta sa earpods na suot ko. Nang matapos sa paghuhugas ay nilip-sync ko yung kantang pinapakinggan ko baka mamaya may magising ako dahil pagkanta. Pinapakiramdaman ko ang paligid dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa bawat kilos ko. Bigla akong kinilabutan baka may multo dito, hindi naman bago sa gantong lugar pero sana nga walang multo dito kung hindi wala akong choice kung hindi tumakbo papunta sa kwarto na tinutuluyan. Kumuha muna ako nang lakas ng loob para pumunta kung saan ang light switch ng kusina at nang makumpirma na wala talagang multo dito. Pinindot ko ito. Sa pagkalat ng liwanag sa buong kusina ay ganun nalamang ang gulat ko ng makita ko si Tito Mateo na may hawak na isang basong may lamang whiskey sa may bar counter dito sa kusina. Matiim ito nakatitig sakin. Nakahinga ako nang maluwag dahil tao pala yung nararamdaman ko kanina at hindi multo iyon. "Tito Mateo" tawag ko rito ngunit mukhang malalim ang iniisip at nanatiling nakatitig sa akin. Kaya naglakad ako palapit sa kanya, baka kasi kailangan niya nang kausap o kaya may update na siya kung nasaan si Mathew. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay nagtanong ito kaya natigilan ako sa paglalakad. "Bakit gising ka pa?" tanong nito at hindi ko na maiwasang di makaramdam ng pagkailang sa paraan kung paano ito tumititig sa akin. Kakaiba ito parang may sinasabi ang mga mata nito na hindi ko matukoy kung ano. Mabilis kong iniwas ang aking mga mata, hindi ko kaya makipagtitigan sa kanya nang matagal hindi kagaya kanina. "Hindi po kasi ako makatulog" naiilang kong tugon habang inaabala ang sarili sa pagtingin sa buong kusina. "Hmm" Tumango tango ito at sumisimsim sa baso na may laman na whiskey. "Una na po ako, Tito" Lalakad na sana ako palabas ng kusina nang magsalita si Tito Mateo. "Michelle, can you help me go upstairs? I think I can't walk straight anymore because I'm too drunk. Naparami ata ako nang inom eh." mahina itong tumawa. Halata naman po Tito, gusto kong isagot kaso huwag na. Wala na akong nagawa kung hindi tumango since tulog na si Nanang ayokong istorbohin pa. Lumapit ako sa kanya. Nilagok muna nito ang laman ng baso niya bago inakbay ang kanyang braso sa aking balikat na nakalahad. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang beywang upang maalalayan ko siya ng maayos. Halos mabuwal na ako sa bigat nang braso nito kasama pa ang katawan. Kahit matanda na si Tito ay halatang hindi pinapabayan ang sarili lalo na ang pangangatawan nito. Siguro kakagym niya kaya ito kaya ang bigat niya at isa pa nasa lahi nila ang matatangkad kaya kailangan pa nitong yumuko para maalalayan ko. Nakahinga ako nang maluwag ng marating namin ang pangalawang palapag. At sa wakas narating na namin ang kwarto niya. Ang dami pa namang kwarto sa palapag na 'to. Pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa amin ang kadiliman. Pagkapasok namin ay kinapa ko kung nasaan ang light switch at nang makapa ko ay pinindot ko ito kaya nagkalat ang liwanag sa buong kwarto. Double ang lawak ng kwarto na 'to sa guest room siguro ito yung master bedroom. Hindi ko mapigilang di mamangha sa pagiging maaliwas ng kwarto na 'to. Bumalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang ulo ni Tito nakasiksik sa leeg ko. Umayos ako nang tayo at inayos ang pagkaalalay ko sa kanya bago naglakad patungo sa kama nito. Maingat ko ito na binaba sa kama at tinanggal ang suot nitong sapatos bago kinumutan ito. Mukhang ito parin yung suot niya kanina no'ng naglibot kami. Tatayo na sana ako pero bigla nito hinatak ang batok kaya nagkatapat ang aming mga mukha. "Tito bitiwan niyo po yung batok ko" pero ungol ang naging tugon nito. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa batok ko pero mas lalo niyang tinulak ang batok ko kaya mas lalo nagkalapit ang mukha namin. Bahagya itong inangat ang ulo kaya naglapat ang mga labi namin pagkatapos non ay binagsak nito ang ulo sa unan. Napakurap ako at pinoproseso ang nangyari. Nang mapagtanto ko ang nangyari ngayon-ngayon lang ay nanlaki ang aking mga mata, mabilis kong tinanggal ang kamay niya at umayos ng pagkakatayo. Mapupungay ang mga mata nitong nakatitig sakin, hindi siya gising kanina ah. "Matulog na ho kayo, Tito" magalang kong sabi at hindi pinansin ang paraan kung paano siya tumititig. Lumabas na ako nang kwarto niya, pagkapatay ko nang ilaw. Sa sobrang tulala ko ay hindi ko namalayang na nasa harap na pala ako nang kwartong tinutulugan ko. Doon lang ako nakahinga ako nang sobrang luwag ng makapasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD