THREE

1218 Words
Michelle NAGISING ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bumangon ako sa kama at inayos ang pinaghigaan bago ko naisipang mag ayos ng sarili. Pagkapasok ko sa banyo para naghilamos ay hindi ko parin mapigilan na di humanga sa ganda at lawak ng banyo na 'to. Toilet, shower at bathtub sa loob. Nang matapos maghilamos ay nagsipilyo ako gamit yung lagi kong dala dala na toothbrush at toothpaste. Habang nagsisipilyo ay napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Halata sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Buntong hininga nalang ang kaya kong gawin dahil wala na akong magagawa dahil nangyari na. Pero di ko mapigilang hindi makonsensya dahil pakiramdam ko niloko ko si Mathew kahit hindi ko naman ginusto yon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang lokohin si Mathew kaya kahit aksidente man yung nangyari o sinadya ay hindi ko maiwasan na hindi matakot lalo na kapag nalaman iyon ni Mathew. Even though Tito missed Mathew's mom, his action last night was never justified. At kahit na lasing pa siya. Dapat hindi niya ako hinalikan lalo't fiance ako nang anak niya. Madiin kong kinuskus ang labi ko gamit ang kamay ko. Ano ba Michelle, Huwag mo na nga isipin yon para hindi masira ang araw mo. Binilisan ko na ang pagsisipilyo at bumababa para mag almusal. Pagkarating ko sa dining area ay nakita ko si Nanang Ester na nag aayos ng kanyang niluto para ngayong almusal. "Good morning po Nanang Ester" bati ko rito. Bumati rin ito pabalik. Nagtanong ako kung ano pwede kong maitulong ang sabi sakin ni Nanang ay ayusin ko nalang daw ang mga plano at mga kubyertos. Habang nag aayos ay nagpaalam ito na tutungo muna sa may kusina para kunin ang natitirang pagkain na niluto nito na naiwan sa kusina. Nang matapos ay umupo ako sa isa mga silya. Nakarinig ako ng yabag galing sa sala papunta rito. "Good morning, everyone." napasimangot ako nang marinig ko kung sino ang nagsalita. E' di sino pa ba? si Mathew lang naman ang magaling kong fiance, akala niya ba mapapatawad ko siya sa pag iwan niya sakin. Hindi na nga siya uwi kagabi tapos di man lang naisip na tawagan ako o sagutin ang tawag ko. Nakangiti itong lumapit sakin pero inirapan ko lang ito. Naiinis ako sa kanya. "Babe I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo at hindi rin ako nakatawag sayo" hinawakan nito ang balikat ko at yumuko para silipin ang mukha ko. Nakasimangot parin ako dahil sa inis ko sa kanya pati hindi niya ako madadaan sa paganyan ganyan niya. Naramdaman ko nalang ang paghalik nito sa pisingi ko hanggang sa leeg at balikat habang mahinang binibigkas ang salitang 'Sorry'. Umirap ako sa hangin dahil ginamit na naman niya ang kahinaan ko para mapatawad siya. Napabuntong hininga na lamang ako "Forgiven, but please next time tumawag ka sakin o hindi kaya ay sagutin mo yung tawag ko para naman di ako nag aalala sayo" sambit ko at nilingon ito. Tumango ito at maingat na hinaplos ang pisingi ko. "I'm sorry, babe hindi na 'to mauulit pangako" ramdam ko ang pagiging sincere nito kaya ngumiti ako sa kanya. Sabay kami ni Mathew na napatingin ng marinig namin ang malakas na tikhim galing kay...Tito "Good morning dad" hinalikan muna nito ang tutok ng ulo ko atsaka umupo sa tabi ko. "Good morning, son ,and Michelle." bati nito samin. Binati namin ito pabalik. Kakalimutan ko nalang yung nangyari na yon alang alang kay Mathew. "Mathew bakit ka hindi umuwi kagabi? Nag aalala kami sayo lalo na ang fiance mo" tanong ni Tito Mateo habang kumakain kaming apat kasama namin kumain si Nanang. "Sorry dad may inasikaso lang na importanteng bagay sa opisina" sagot nito. Tumango lang ito. Hindi ko narin kukuwestiyon yon dahil pag opisina at importante ang ginamit ni Mathew na salita ibigsabihin ay urgent na talaga. "May mga plano na ba kayo sa kasal niyo?" tumango naman si Mathew bago sumagot. "Yes, dad, actually, I talked some hotel owners about being guests at our wedding, and I talked to a famous designer about designing my fiance's wedding gown." hindi ko maiwasan na di mapangiti, Mukhang pinaghahandaan niya talaga ang magiging kasal namin. "Hmm, that's good" Napatingin ako kay Tito, Ganun nalang ang gulat ko nang makitang nakatitig ito sakin. Nawala ang ngiti sa aking mga labi at mabilis na iniwas ang aking tingin. Bakit ganun si Tito Mateo kung makatingin? na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. **** MABILIS kaming natapos sa pagkain nagpresinta ako na ang maghugas ngunit ayaw ni Nanang dahil trabaho niya raw iyon, ayun nalang daw ang trabaho niya pati pagluluto at wala raw siya masyadong ginagawa lalo't nagbabayad daw nang taga linis linggo linggo si Tito para raw hindi na siya mahirapan maglinis. Wala akong nagawa kung hindi pumayag. Para mabawasan ang boredom na nararamdaman ko ay nagpaalam ako na magpapahangin sa hardin. Habang nagpapahangin ay bigla kong naramdaman na may parang nanonood sa mga bawat galaw ko. Wala naman si Mathew dito dahil nagpaalam na matutulog, si Tito umakyat sa taas tapos si Nanang ay nasa kusina. Umismid ako sa aking iniisip. Pagkatapos kong magpahangin ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Nanang pero wala siya. Habang umiinom ay may biglang pumulupot na braso sa aking beywang at sinisiksik ang kanyang ulo sa aking leeg. Medyo nagulat ako pero ginalaw ko ang aking ulo pagilid para mas bigyan siyang espasyo. Ramdam ko ang mainit niyang hininga saking leeg. "Mathew akala ko ba balak mong matulog?" malumanay kong sabi. Kumuha ako ulit nang tubig sa pitsel at uminom. Sinusuklay ko ang kanyang buhok habang hawak ang baso sa kabilang kamay. "Ayos kalang ba?"naramdaman ko pag iling nito. Nang matapos akong uminom ay dumiretso ako sa may sink para hugasan ang basong pinag inuman ko. Pagkatapos hugasan ay nilagay ko sa dish drainer ang baso. "May problema ba sa kompanya?" nag aalala kong sabi habang pinupunasan ang basa. "Gusto ko nang pumasok ulit para hindi ka na mahirapan mag isa sa mga kailangang gawin sa kompanya" na miss kong pumasok sa opisina, hindi narin kasi ako nakakapasok simula ng maospital si Tita sa kadahilanang kailangan may nagbabantay dito since may sakit ito at pag inuwi ko naman siya rito ay baka mas lalo siyang mahirapan kaya I chose to stay kahit mahirap samin ni Mathew dahil ako ang sekretarya niya pero he chose na wag akong tanggalin sa trabaho hindi dahil girlfriend niya ako dahil maayos akong magtrabaho. Pati nagagampanan ko naman nang maayos ang trabaho ko kahit nasa ibang bansa ako lalo na malawak na teknolohiya sa panahon ngayon. Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng braso nito ng matapos siya. Hinarap ko ito at nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang kanina pang nakayakap sakin. "Tito Mateo" hindi makapaniwala kong sabi. "Michelle" "Tito Mateo una na po ako" mabilis pa sa alas kwatro akong umalis sa kusina. Grabe bakit hindi ko napansin hindi pala si Mathew yung yumakap sa akin, Sa amoy palang nang pabango magkaiba na sila pero bakit ngayon magkapareho sila nang amoy ni Mathew, Nagpalit ba si Tito Mateo nang pabango? Ipagdadasal ko nalang na sana lang walang nakakita samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD