FIVE

1281 Words
Michelle ISANG linggo ang nakalipas simula ng lumipat kami ni Mathew sa bahay na binili niya. At halos mag iisang linggo narin ang nakalipas simula ng pumunta siya sa kanyang business trip sa Singapore. Sa mga nakalipas na araw na nasa ibang bansa siya ay hindi siya pumapalya sa pagtawag o pagt-text sakin para iupdate ako sa mga bagay na ginagawa niya. Parang nagsisisi ako na hindi ako sumama sa kanya, bigla ko siya na mimiss. Inalok kasi niya ako na sumama sa kanya, ang kaso tumanggi ako dahil business ang pinunta niya doon at ayoko naman na isama niya ako sa meeting nila nang investor niya lalo't may pumalit muna sa akin bilang sekretarya niya. Baka hindi maging komportable yung investor mahirap na. Dahil umalis si Mathew para sa business trip niya ay mag iisa ako sa malaking bahay na 'to. Wala naman akong pwedeng ayain na mag sleep over dito dahil nasa probinsya si Laura at siya lang ang nag iisa kong kaibigan. I mean may mga kaibigan ako sa kompanya pero no'ng hindi na ako pumapasok sa opisina ay hindi ko na sila nakakausap. Patagal ng patagal mas lumalala ang boredom na nararamdaman ko dito sa bahay dahil wala naman akong ibang ginagawa kundi kain, tulog lang pero minsan naglilinis ako kapag may kalat akong nakikita. Lumalabas naman ako para gumala at uuwi kaagad kapag nakakaramdam na ako nang pagod. Malayo kasi ang mall dito dahil subdivision 'to kaya dalawang beses lang ako pumunta sa mall sa buong isang linggong na nakalipas. Para naman maging productive ako ay kada umaga ay nagjo-jogging ako. Hindi ko saulo 'tong subdivision kaya di ako nalayo kapag nagjo-jogging baka kasi maligaw ako. Palabas lang alam ko. Balak ko na sana pumasok ulit sa opisina kasi ayokong nandito lang sa bahay. Ang kaso ayaw na ulit akong pagtrabahuhin ni Mathew dahil kaya naman daw niyang suportahan ang mga kailangan namin. Nag usapan kami ni Mathew tungkol dito, gusto ko may sarili akong pera at hindi umaasa sa kanya. Kaya hindi ako pumayag ng sabihin niya na magresign daw ako bilang sekretarya niya, wala siyang magagawa dahil sarili kong desisyon ang manatiling maging sekretarya niya. Wala siyang choice kundi maghanap muna nang papalit sa akin dahil on leave ako simula ng umuwi ako nang pinas. Bumuntong hininga ako bago nilipat ang tingin sa tv. Naisipan kong kumuha ng makakain sa may kusina para maenjoy ko yung palabas. Tinignan ko ang wall clock at saktong alas sais na pala ng gabi. Tumigil ako sa harap ng salamin at tinignan ko ang itsura ko baka mamaya haggard na pala ako. Umikot ako sa harap ng salamin, Bumagay sa akin ang suot kong off shoulder dress. na binili ko online. Inayos ko rin yung kinulot kong buhok. Excited na akong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Mathew kapag nakita niya ako. Plano ko siyang ayain ng date pagkauwi niya mamaya. Sure ako matutuwa yon. Pagkakuha ko nang gusto kong chips sa pantry ay na pansin kong marami na pala ang kulang at kailangan nang bumili. Nawala ang atensyon ko sa pagtingin ng kulang sa pantry ng may nagdoorbell. Sino naman kaya yun? Imposibleng si Mathew iyon dahil ng sabi niya baka maya maya pa siya makakauwi. Habang naglalakad papunta sa may pinto ay may naramdaman akong kaba sa hindi ko malamang dahilan. Tila bang sinasabi na h'wag kong buksan ang pinto. Huminga muna ako ng malalim at Isinawalang bahala ko na lamang iyon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang dalawang babae yung isa ay nasa 40's na at yung isa ay tantsa ko ay mas matanda kami sa kanya ni Mathew ng tatlo o apat na taon. Halata sa kanila ang pagiging sopistikada dahil sa mga mamahaling nilang suot. "Sino ho sila?"malumanay kong tanong. Tinaasan ako nang kilay nung matandang babae at pagak na tumawa. "Are you Mathew's mistress?" kumunot ang noo ko sa tanong nito. Ano raw, Mathew's mistress? Baka ibang Mathew yung sinasabi nila. Ang dami daming Mathew sa pinas at yung Mathew pa sa bahay na 'to ang pinagdiskitahan. "Ho, mistress?" naguguluhan kong tanong. "Yes, ikaw ba ang kabit ng asawa ng anak ko?"singhal nito sakin. Kabit? wala sa vocabularyo ko ang maging kabit ng kung sino man. "Misis baka nagkakamali po kayo nang taong pinagtatanungan niyo" akmang tatalikod na ay hinawakan ako nito sa braso. Pilit kong kinakalma ang sarili ko kanina pa. "Dito ba nakatira si Mathew Dela Cruz?" tanong nito kahit meron akong agam-agam ay mas pinili kong humarap sakanila. "Oho, ano ho ba ang kailangan niyo sa fiance ko?" Binigyan kong diin ang salitang FIANCE. "Fiance huh?may balak pa siyang magpakasal sa iba kahit kasal na siya sa anak ko at magkakaanak na sila" sabi nito na tila hindi makapaniwala. Bumababa ang tingin ko sa tiyan ng katabi nitong babae at nagdadalang tao ito. Nagtama ang aming mga mata ngunit nag iwas ito nang tingin at yumuko. "Ikaw siguro ang dahilan kaya hindi niya inuuwian ang anak ko" dagdag nito. So noong nagproposed siya akin ay kasal na pala siya. Grabe niloko niya na nga ako, balak niya pa na gawin akong kabit. "Hindi ko po al-" naputol ang aking sasabihin ng may malakas na bumisina at lumabas sa sasakyan si Mathew. Mabilis akong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay para kunin ang bag ko. Dire-diretso ako sa palabas ng bahay habang nakasunod siya sakin. Hindi ko pinapansin ang pagmamakaawa nito. Gusto kong ilabas 'tong galit ko at sakit na nararamdaman ko kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Babe let me explai-" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita ng sampalin ko siya nang dalawang beses. "There's no wedding between us because I am breaking up with you." tinanggal ko ang engagement ring na binigay niya sa akin at sinalpak sa dibdib niya. Mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya. Siya ang pinaka pinagkakatiwalan kong tao tas ganto ang gagawin niya. Nagsimula ulit akong maglakad palayo sa bahay na yon pati narin kay Mathew na sumusunod parin sa akin. "Babe hindi ko naman ginustong makasal sa kaniya" rinig kong paliwanag nito, nagpatuloy lang ako sa paglalakad tila parang walang tao sa paligid. Kahit halos lahat ng taong napapadaan ay papatingin sa amin. "Babe" hindi ko ito pinansin at binilisan ang paglalakad. Saktong dumaan ang taxi kaya pinara ko ito at walang pagdadalawang isip na sumakay. Buti nalang may dumadaan na taxi dito para maghatid or maghanap ng pasahero. Pagkasakay ko ay doon na bumuhos ang inipon kong mga luha na gusto ng lumabas kanina pa. "Ma'am ayos lang po ba kayo?"tanong nito at inabutan ako nang tissue. Humihikbi akong umiling. Hindi ako okay at magiging okay lalo na sa mga nalaman ko ngayong araw. Akalain mo yun for 5 years naming relasyon ay magagawa niya akong lokohin. Ginawa niya pa talaga akong kabit. "Magkakaanak na pala sila, edi congrats sa kanila" isa pa sa ikinakagalit ko sa kanya ay magkakaanak na sila at halata sa tiyan nung babae na ilang buwan nalang manganganak na. Ang ibigsabihin non ay ilang buwan niya na ako niloloko o baka nga taon na eh. At balak niya pang hindi bigyan ng kompletong pamilya ang bata. Tarantado talaga siya. "Ma'am h'wag niyo pong sayangin ang mga luha niyo para sa walang kuwentang lalaki" tipid akong ngumiti kay Manong. Sana nga ganun lang kadali ang h'wag umiyak. "Manong pwede niyo po ba ako idiretso sa The Jack's Bar" tutal heartbroken ako ngayon, gusto kong uminom hanggang sa makalimutan ko ang sakit at galit na nararamdaman ko. Kilala ang bar na yon pero hindi pa ako nakakapasok gusto makita kung maganda ba talaga sa loob. "Sige po Ma'am" sabi ni Manong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD