Michelle
MABILIS kaming nakarating ni Manong sa harap ng bar dahil hindi masyadong traffic ang dinaanan namin. Bago ako bumaba ay nagbayad muna ako at nagpasalamat. Pagkababa ko ay hindi ko mapigilan na mapangiwi ng may nakitang akong mga tao na nag mamake out sa gilid.
May pila bago ka makapasok kaya matiyaga akong pumila kahit gustong gusto ko nang magpakalasing. Sa wakas at nakapasok din, may inabot muna yung bouncer na dilaw na tela na kailangan itali sa pulso para makapasok sa loob. Pagkapasok ko sa bar ay bumungad sakin ang maingay na tugtog,usok,mga taong naghahalikan, nainom at nagsasayawan. Hindi ito ang unang beses kong pumasok sa bar pero sa mga cheap na bar pumunta dahil wala kami budget para sa gantong mamahaling bar.
Mahigpit ang kapit ko sa sling bag ko nang magsimula ako sumiksik sa mga tao na nasa gitna. Dumiretso ako sa bar counter at umupo sa bar stool nila. Umorder ako nang hard drinks kahit alam ko sa sarili na mababa ang tolerance ko pagdating sa alak.
May lumalapit sa aking mga lalaki para magtanong kung anong pangalan ko pero hindi ko sila pinapansin dahil wala ako sa mood para makipagsabayan sa level nila. Kahit marami na akong nainom ay hindi parin naging sapat sakin iyon para makalimutan ko yung ginawa ni Mathew sakin.
"Isa pa" utos ko sa bartender. Nahilo na ako at naging dalawa na sa paningin ko yung bartender pero wala akong paki.
"Ma'am lasing na po kayo" tinawanan ko ito. Ayun nga ang purpose kaya ako pumunta dito eh, para magpakalasing.
"Bigyan mo ko, bilis!"nagdadalawang isip pa ito pero end up binigyan niya pa rin ako.
Tinanggap ko ang binigay nitong shot glass at iinumin ko sana yung laman ay may biglang umagaw sakin non. Nilingon ko ito at si Tito Mateo pala. May halong inis itong nakatingin sa akin. Napahagikgik ako dahil mas lalo siyang tatanda niyan kapag lagi ganyan ang mukha niya, salubong ang kilay at nakakunot ang noo.
"Tito Mateo akin na yung alak, iinom ko pa yan" hindi ako nito pinakinggan bagkos ay nilagok niya ito at umupo sa tabi ko.
"What are you doing here?"madilim ang mukha nito at umiigting ang kanyang panga. Pagak akong natawa. Bakit ba ako nandito?
Imbes na sagutin ang kanyang tanong ay tinanong ko ito pabalik. "Tito Mateo alam niyo bang kasal na ang anak niyo sa iba?" nagngingilid ang aking mga luha. Kanina galit yung nararamdaman ko ngayon ay hindi, sobrang sakit kasi pakiramdam ko may kulang at mali sa akin kaya ayun ang naging rason ni Mathew para lokohin ako.
Gulat ang ekspresyon nito tila wala ring alam. Akala ko ay alam niya at tinotolerate niya ang gawain nang anak niya eh. Siguro naging judgmental lang ako sa part na yon, na inisip ko na ganun si Tito Mateo.
"Imagine Tito for five years naming magkarelasyon, hindi man lang pumasok sa isip kong kaya niya akong lokohin." kasabay non ang pagbagsak ng aking mga luha. Naramdaman ko ang mga palad na nakalapat sa aking pisingi.
"Stop crying" sabi ni Tito Mateo habang pinupunasan ang aking mga luha. Nakatitig ako sa kanya habang abala sa pagpupunas ng aking mga luha. Nagtama ang aming mga mata at ni-isa sa aming dalawa ay walang gusto umiwas.
May kung anong hipnotismo sa kanyang mga mata na nakakapanghina at nagpapagulo ng sistema ko ngayon. Hindi ganto yung feeling kapag nag uusap kami nang casual.
Paunti unti ay lumapit ang kanyang mukha hanggang sa isang dangkal nalang ang layo at isang maling galaw ay maglalapat ang aming mga labi. Halos magkakasalubong na ang aming mga ilong sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Bumaba ang aking tingin sa mapupulang labi nito na siyang nang aakit sa akin para halikan siya.
I can't do this anymore, tinagilid ko ang aking ulo at binigyan siya nang isang mabilis na halik. Pagkatapos ko siyang halikan ay umayos ako nang upo. Halata sa mukha nito ang hindi makapaniwala. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang ex girlfriend ng anak mo ay hinalikan ka.
Nagulat ako nang hilahin ako nito gamit ang batok ko kaya mariin naglapat ang mga labi namin at nagsimula ang paggalaw ng kanyang mga labi na siyang mabagal kong sinabayan. Napaungol ako nang maramdaman ko ang paglikot ng dila nito sa loob ng bibig ko.
Pinutol nito ang halikan namin dahil alam nitong nauubusan na ako ng hininga. At bahagya akong napadila sa aking labi nang maramdaman ko ang pangangapal dahil sa agresibong pagsipsip ni Tito Mateo sa labi ko.
Nang nakahinga na ako ng maayos ay siniil niya ako ulit ng agresibo ngunit isang malalim na halik. Sinabayan ko paano ito humalik, sinipsip ang labi nito at nilikot ang aking dila sa loob ng bibig nito.
Akala ko magtatagal ang aming halikan ngunit pinutol niya na naman ulit."Let's go, Mrs Dela Cruz" hinalikan niya muna ako sa noo bago tumayo at buhatin na parang bata. Mrs Dela Cruz mukhang bagay sa akin.
Mahigpit ang pagkakayakap ng braso at hita ko sa kanya para maiwasan ko na mahulog. Tuloy tuloy ito sa paglalakad at hindi binigyan ng atensyon ang mga taong nakatingin samin. Paglabas namin ay kinuha nito ang susi nang sasakyan sa bulsa. Sinubsob ko ang mukha sa leeg niya at pasimple sinisinghot ang amoy nito. Mabuti at yung dati niyang pabango ang gamit niya.
****
NAGSIMULA na ito magmaneho, habang ako nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Dinadama ang moment, pakiramdam ko ngayon nalang ako nakalabas nang ganto. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin kung gaano kasarap ang labi ni Tito Mateo at paraan nito kung paano humalik na siyang gustong gusto kong ulit ulitin. Feeling ko ang sama ko dahil pinagnanasahan ko ang tatay ng ex boyfriend, I mean ex fiance ko.
Hininto niya ang sasakyan sa isang mamahaling condominium building. Ngayon ko lang nalaman na may condo si Tito Mateo dito sa manila. Kailan pa siya nagkaroon?
Namalayan ko nalang na buhat buhat niya ako palabas ng sasakyan. Binuhat ako niya nang pangkasal at buti nalang nilagyan niya nang coat ang hita ko para hindi ako masilipan kung sino.
Habang nasa elevator kami ay hinahalik-halikan nito ang tutok ng ulo ko at inaamoy-amoy ang buhok ko. Hindi ko ito pinansin at sinandal nalamang ang ulo sa kanyang dibdib.