Mahina ko siyang hinampas nang humagikhik siya. Kung bakit ba naman kasi iyon pa ang nasabi ko. “I didn’t know na ganyan ka pala ka-advance mag-isip.” Aniya habang nagpipigil ng tawa. Lumayo ako sa kanya at marahang sinabutan ang kanyang buhok. “Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi mong bwesit ka.” Inis kong sabi na ikinatawa niya lalo. “Chill, baby. Tayo lang naman ang nandito kaya walang nakarinig.” Pilyong dagdag niya. Parang wala siyang iniindang sakit sa ginagawang kong pagsabunot sa kanya. Napatingin siya sa hawak kong baso na may lamang tubig. “Baby, wag mong itatapon iyan sa akin. Huwag mong uulitin iyong kanina at baka makalimutan kong may regla ka ngayon.” Isasaboy ko sana iyon sa kanya para mahimasmasan siya sa pinagsasabi nang mapigilan niya ako. “Para mahimasmasan ka.” Iritan

