Kalabit
Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Avisha o kilala bilang Avi. Hindi niya alam kung anong puno't dulo ng hiwalayan ng mga ito pero nasisiguro niyang kasalanan ng kanyang tatay.
Base sa narinig niya, hindi pala alam ng kanyang nanay na kasal ang kanilang tatay sa ibang babae. Dahil dito, naisip nilang iwan ang lugar kung saan iniwan nila ang kanilang tatay at bumalik sa probinsiyang kinagisnan ng kanilang nanay kasama ang pamilya nito.
Sumustento naman ang tatay niya sa pag-aaral pero may mga panahon na hindi ito nakakapagpadala dahil sa higpit ng unang asawa nito.
Sa hirap ng buhay, kumayod ang kanyang nanay at nagbenta ng pancake sa tuwing umaga ngunit hindi pa rin sapat iyon para sa pang-araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipang makitira ni Avi sa tita niya sa side father para hindi siya matigil ang pag-aaral.
Hindi naging madali para kay Avi ang pakikitira nito sa kanyang Tita Nadia dahil pakiramdam niya wala siyang kalayaan. Maliban doon, kinakatulong pa siya nito pero alam naman niya na gano'n talaga, kailangan tumulong sa gawaing bahay ngunit may mga oras na sobra-sobra na kung minsan pa ay sinisigaw-sigawan pa siya sa harap ng mga bisita at ipinapahiya. Wala siyang magawa kundi ang manahimik na lang at tiisin ang lahat. Wala siyang karapatan magalit kasi nakikitira lang siya kahit na sobrang nakakasama ng loob ang ginagawa ng tita niya.
Isang araw, nagtaka siya nang bigla siyang pagbawalan ng kanyang tita na huwag maglinis o pumunta sa ikatlong palapag. Sa pagkakaalala niya, wala namang tao doon at walang mamahaling bagay na puwedeng nakawin.
Ilang araw niyang pinag-isipan kung pupunta ba siya ro'n o hindi. Sa huli, mas pinili niyang hindi pumunta at baka mapagalitan pa siya. Gustuhin man niya, ayaw niyang mapalayas.
Sa ilang taon pananatili niya ro'n, muli na namang nanumbalik ang kuryusidad niya sa ikatlong palapag nang may makita siyang pigura ng lalaki doon.
Sino kaya ang lalaking iyon? At bakit parang hubo't-hubad na naglalakad? Namamalikmata lang ba siya?
Bakit hindi niya alam na may kasama pa silang isa maliban sa kanilang dalawa ng kanyang tita?
ABANGAN! PLEASE SUPPORT ME AT HUWAG KALIMUTAN MAG-VOTE, COMMENT AND FOLLOW, MARAMING SALAMAT! ❤️