My sister and I grew up in a broken family. Hindi ko itatanggi na minsan hinahanap-hanap ko rin, namin ng kapatid ko ang alaga at pagmamahal ng isang tatay. At times, it always brings tears to my eyes as I wonder why my father treated our mother that way.
Masakit at alam kong nasasaktan din si nanay sa nangyari sa kanila ni tatay, magaling lang talaga siya magtago. Hindi ko alam kung paano nalampasan iyon ni nanay, the attachment, love and the relationship, iyong pamilyang nabuo nila, napakabigat no'n sa pakiramdam pero kinaya niya lahat. Iginipang niya kaming dalawa ng kapatid ko.
Mahirap maging panganay sa pamilya lalo na kapag hiwalay ang mga magulang. Iyong tipong kailangan kong magsakripisyo hindi lang para sa mga pangarap ko sa buhay kundi pati na rin sa kanila. I have to take a lot of consideration for the betterment of our life katulad na lang nang pagtira ko sa aking tita upang maipagpatuloy ko ang pag-aaral.
Mahirap para sa akin na mahiwalay kay nanay at sa bunso kong kapatid pero wala akong magagawa. Walang mangyayari sa amin kung tatambay ako sa probinsiya at titigil sa pag-aaral kaya naman lumuwas ako.
Sabi nga nila, mahirap ang pakikitira lalo na kapag alam mong mata-pobre ang titirahan mo. May ilan na gagawin kang katulong, aalipustahin, ipapahiya at kung anu-ano pang kaya nilang gawin sa’yo pero para sa akin, kaya kong tiisin lahat basta makapagtapos lang ako ng pag-aaral.
Maganda naman ang takbo ng buhay namin noon no’ng kasama pa namin si tatay pero no’ng maghiwalay sila ni nanay at bumalik sa nauna nitong asawa, tumagilid na sa amin ang lahat. Hindi namin siya masisi kasi si nanay ang unang umalis, siguro dahil huli na no’ng malaman niya na may unang asawa pala si tatay at nasaktan din siya.
Bukod doon, kaya siguro kami minamaliit ng pamilya nila tatay dahil si nanay ay walang natapos habang si tatay ay kilala bilang isang financial director sa Cotabato City. Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay. Kumbaga, langit ang tatay namin habang ang nanay namin ay lupa.
Minsan naiisip ko, does status in life really matters? Bakit kaya may mga gano’ng tao? Bakit hindi na lang tanggapin ang kagustuhan ng anak nila?
Pero minsan sinisisi ko rin ang tatay namin. It felt like he manipulates everything. Hinayaan lang niya kami malagay sa ganitong sitwasyon. Kitang-kita ko kay nanay na naghihirap siya pero kinakaya lang niya para sa amin. Alam kong nahihirapan din siya naging desisyon ko pero mam4tay kami sa gutom kung wala akong gagawin.
Habang nag-iimpake, hindi ko matapunan ng tingin si nanay. Naririnig ko ang mahihinang hikbi niya. Ayaw talaga niya akong umalis pero nagpumilit ako. I assured her na kaya ko kahit alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako.
“Tatawag ka palagi sa amin ha?” pumiyok ang boses niya at tumango na lamang ako.
Nagsisimula nang manggilid ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan na huwag humikbi. Ang hirap umalis kapag ganito.
“Oo naman, nay. Palagi iyan.” Paninigurado ko sa kanya.
“Bibisitahin ka namin doon ng kapatid mo kapag may pera na pamasahe.” Dagdag pa niya na siyang tinanguan ko ulit.
Ang sakit marinig ang iyak ng isang ina. Ang bigat sa pakiramdam na parang tinataga ng patalim ang dibdib ko. Ito ang kauna-unahang marinig ko ang pag-iyak niya.
She was brave especially when we left our father. Wala kaming narinig mula sa kanya. Hindi siya umiyak o nagwala. Tumahimik lang siya sa mga oras na iyon. Sa mga nagdaang araw, buwan at taon, nagfocus siya sa amin, sa pag-aalaga at sa pagmamahal. Binuhos niya lahat sa amin. Hindi naging hadlang sa kanya ang hirap para hindi niya kami mahalin.
“Huwag na ho kayong umiyak ‘nay. Bibisita rin po ako kapag may oras.” Sabi ko nang lingunin ko siya.
Katatapos lang nila mag-usap ni Tita Nadia sa tawag at sinabi nito kay nanay na siya na ang bahala sa gagastusin ko sa pag-aaral. Aware naman kami na may kapalit iyon kaya ito nababahala siya.
Kahit hirap kami sa buhay, masasabi kong spoiled kami in terms sa pag-aalalaga to the point na all around si nanay sa bahay. Hindi niya kami hinahayaan gumawa ng gawaing bahay at magpokus na lang daw kami sa pag-aaral.
Kaya ko naman aralin ang gawaing bahay dahil nakikita ko naman lahat ng iyon kay nanay. Kailangan ko lang i-apply o ‘di kaya praktisin pagkarating ko ro’n.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong mag-impake. Actually, handa na akong umalis since bihis naman na ako.
Pinakatitigan ko si nanay na ngayon ay nakayuko. Tinungo ko ang kinaroroonan niya saka siya niyakap.
“Magiging maayos din ang lahat ‘nay. Kakayanin ko lahat mabigyan ko lang kayo ng magandang buhay ni bunso. Huwag na po kayong mag-aalala sa akin.” Hinagod ko ang kanyang likod, rinig ang hikbi niya.
Napangiti ako nang yumakap din sa amin si bunso. Pareho kaming natawa ni nanay nang bigla siyang ngumawa.
“Ang laki mo na Ace, ngumangawa ka pa rin.” Sita ko sa kapatid ko pero hinampas lang ako sa may hita.
“Eh aalis kana eh. Tumawag ka palagi ha?” nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako tumango.
“Oo, tatawag ako palagi.” Sabi ko na may ngiti sa labi.
May keypad naman ako na puwedeng panawag sa kanila. Manghihingi na lang ako kay tita kung may extra touchscreen siyang phone para sa pag-aaral ko. Hirap din kasi kung pupunta pa ako comp shop para lang mag-research.
“Avi, nandito na ang pinsan mong si Leo at ihahatid ka raw sa sakayan ng jeep.” Tawag sa akin ni Lolo.
Kumalas ako ng yakap kay nanay at hinalikan siya sa magkabilang pisngi at isinunod si bunso na nag-uunahan ang luha.
“Mamimiss ka namin ate,” untag pa niya. Pinunas ko ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. “Tatawag ka ha?” pag-uulit pa niya sa sinabi kanina.
I nodded once again with a smile. “Oo, palagi iyan.” I assured them for the last time as I looked at my mother with teary eyed.
Tumayo na ako at dinampot ang hindi kalakihang bag na pinaglagyan ko ng mga gamit. Nakasunod lang si nanay at Ace pagkalabas ko ng bahay.
Bago ako sumampa sa motorsiklo ni Leo, tiningnan ko muna ang kabuo-an ng bahay namin sa huling pagkakataon. Mamimiss ko ang lugar na ‘to dahil nasisiguro kong matagal bago ako makabalik dito.
Pagkasakay ko, pinilit kong ngumiti habang nakatingin kina nanay at Ace kung saan bakas sa mukha nila ang lungkot. Gusto kong hindi tumuloy pero naiisip ko na agad ang mangyayari sa amin. Hindi puwede.
“Aalis na po ako. Mag-iingat po kayo.” Pagpapaalam ko sa kanila. “Susubukan ko po tumawag araw-araw.” Paninigurado ko sa kanila.
Lumapad ang ngiti ko nang sabay silang tumango. “Ingat ka ro’n, anak.” Si nanay na mukhang iiyak na naman.
“Bye, Ace. Alagaan mo si nanay ha? Huwag magiging pabaya sa pag-aaral, okay?” baling ko sa aking bunsong kapatid na siyang tinanguan naman niya.
Huminga ako ng malalim. Baka hindi ako matuloy kung magtatagal pa ako rito. Itinuon ko na ang pansin sa harap at tinapik ang braso ni Leo pahiwatig na umalis na kami.
“Tara na, Leo.” Mahinang sabi ko saka naman siya tumango.
Walang lingon nang magsimulang magpatakbo ng motor ang pinsan ko patungong sakayan ng jeep. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na huwag lumingon kasi pakiramdam ko ay hindi ko kayang umalis. Sobrang hirap para sa akin at alam kong sila rin.
Pagkarating namin doon, pinauwi ko agad siya dahil may pasok pa sa school.
As usual, punuan na naman sa jeep kaya wala akong magawa kundi ang makipag-singitan. Hindi ko rin maintidihan kung bakit palaging ino-overload ng mga konduktor ang pasahero, ang sikip tuloy.
Papaupo na sana ako nang maunahan ako ng isang lalaking naka-hoodie na may suot pang mask. Nagsalubong ang kilay ko sa inis kasi naantala ako eh. Nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga pasahero. Pagkamalas-malas nga naman.
Saan ako uupo nito? Sa gulong? Nagbayad naman ako ng buo ah. Bakit kasalanan ko pang hindi ako makaupo ngayon?
Pinakatitigan ko ang lalaki habang nakataas ang kanang kilay. “Hoy, ako ang uupo—”
Napasinghap ako nang hatakin niya ang kamay ko at pinaupo sa kandungan niya. “Sit while I’m still kind.”
Lumukot ang mukha ko. Sino ba ang lalaking ‘to? At ang kapal ng mukha ha?