Kabanata 1

1379 Words
Nanunuot sa ilong ko ang pabango ng lalaki. Hindi ko siya magawang tingnan dahil ang awkward ng posisyon namin. Nahihiya ako kasi nahuhuli ko minsan ang mga pasaherong sumusulyap sa amin. Akala siguro nila boyfriend ko. Sa dami ng jeep na puwede niyang masakyan, bakit dito pa siya nakipagsiksikan? Tapos ang sungit pa niya makapagsabi kanina ng sit while I’m still kind? Just wow, siya na nga ‘tong naningit, siya pa may may ganang umasta ng gano’n, ang kapal ng mukha. Hilaw na lang akong napapangiti sa isang babae’ng napapatingin sa akin madalas. Gusto ba niyang magpalit na lang kami? Siya rito? Doon ako sa kinauupuan niya? Napasinghap ako at napakapit bigla sa braso ng lalaki nang magsimulang lumarga ang jeep. Nagtama ang mata namin pero nag-iwas agad ako. Sobra akong nako-conscious ngayon at tensyonado rin. Iniiwasan ko na baka may masagi akong matigas na bagay sa kinauupuan ko. Sunod-sunod ang paglunok ko. Nararamdaman ko rin ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Bakit ba ako napunta sa ganitong posisyon? Bwesit! “Tensed?” narinig kong tanong ng lalaki dahilan upang lumipat ang tingin ko sa kanya. “Calm down, I won’t eat you.” Awtomatikong tumaas ang sulok ng labi ko. “Kung hindi ka sana nakisingit, eh ‘di sana hindi ako tensyonado rito.” Pagsusungit ko pa. Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. “There no turning back, baby. You’re already sitting on my lap.” Ano daw, baby? Nang-aasar ba ‘to? “Baby mo mukha mo.” Inis kong saad at itinuon na lang ang tingin sa harap. Marahas kong tinanggal ang pagkakakapit ko sa braso niya at baka iba pa ang maisip niya. Sabihin pang nag-e-enjoy ako. Sa tingin ko nag-gym ang isang ‘to kasi base sa nahawakan ko matigas. I heard his soft chuckled again. “Why did you remove your hand when you could freely hold on it?” pilyong sabi niya. “Hindi naman ako madamot pagdating sa paghawak sa akin lalo na sa magandang dalaga.” Napangiwi na lang ako. I didn’t bother to look at him. Ano kaya nalaklak ng lalaking ‘to? Sinasagad ba niya pasensiya ko? Kapag ako hindi nakapagpigil dito, susuntuk1n ko ‘to sa mukha. “Baliw kana.” Mahinang usal ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi na lang ako umimik buong biyahe kahit pa naririnig ko paminsan ang hagikhik niya. Nahahagip ng mata ko kung paano niya ako pukulin ng titig na para bang inaaral ang pisikal kong anyo. Mas lalo tuloy akong nate-tense. Hindi ko alam sa sarili ko kung maganda ba ako o hindi, importante may mukha ako. “Sheyt!” napasinghap ako nang biglang pumreno ang driver. “Pasensiya na, may dumaang aso.” Paghingi ng paumanhin ng driver. Malaki-laki ang mata kong tumingin sa lalaking kinauupuan ko nang mapagtanto kong nakapulupot ang kamay niya sa tyan ko. Napakurap ako ng ilang beses nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa pisngi ng pang-upo ko. Ano iyon? Tinitigasan siya sa akin? Para akong naumid. Nangangapa ako ng sasabihin. Sisigawan ko ba siya o ano? Self, do something! Natutusok kana nga ng alaga niya, kumibo ka naman! Hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Namumula rin ang kanyang tenga. Nakikita ko iyon since naka-sideview siya ngayon. Hindi ko alam kung napansin ng katapat namin nang ipulupot ng lalaki ‘to ang kamay sa tyan ko. Nakapatong din naman ang bag ko sa aking kandungan kaya walang nakapansin sa may unahan. Sa may tabi rin kami ng entrance ng jeep kaya wala talagang taong makakakita. “Bitaw.” I mustered the courage to say that word, feeling his shaft poking at me. Parang wala siyang narinig. Nagbibingihan ba ‘to? Nagpapatay-malisya? Gusto niya? Bwesit! Puwedeng tumalon na lang pababa sa jeep? “Hoy, ano ba…” pagkuha ko ulit sa atensyon niya pero gano’n pa rin. Nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana ng jeep. “Hoy lalaki.” What if ihambalos ko ‘tong bag sa mukha niya? Sandali siyang tumingin sa akin. “Alam mo miss kung magpapa-pansin ka, deretsuhin mo na lang ako.” Sambit niya na ikinalaki ng mata ko. Ang lakas ng pagkakasabi niya no’n kaya pinagtawanan tuloy ako ng mga pasahero. “Ang kapal din ng mukha mo, eh, no?” iritang sabi ko. “Bingi kaba? Sabi ko tanggalin mo—” hindi ko natuloy ang sasabihin nang takpan niya ang bibig ko. “Sssh, huwag kang mag-eskandalo rito, baby. Pag-usapan natin mamaya pagkababa.” Agap niya na ikinatanga ko. Ano bang sinasabi ng kumag na ‘to? Marahas kong ibinaba ang kamay niya. Ngiti-ngiti lang siya habang nakatitig sa akin. “Galing kabang mental? Pinagsasabi mong kupal ka?” Amusement plastered on his eyes. Hindi ko makita kabuo-an ng mukha niya. Tanggalin ko kaya ang mask niya? “Oo kasi nabaliw ako sa’yo.” Sagot niya na siyang tinawanan ng mga pasahero. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nag-e-enjoy siya sa pang-aasar sa akin puwes ako hindi. Susuntukin ko sana siya nang masangga niya iyon. “Not so fast, baby.” He said, teasingly. Binawi ko agad ang kamay mula sa kanya at umusod para hindi na tumusok iyong naninigas niyang pagkalal4ki sa akin. Naramdaman ko ang pagpasil niya sa bilbil ko na ikina-init ng pisngi ko. Bwesit na lalaking ‘to, pagt-trip-an pa ang pinaghirapan ko sa probinsiya. “Baliw kana nga talaga, para po!” sigaw ko dahil hindi ko na kinakaya ang kahihiyan na ginagawa namin. Bahala na kung maglakad man ako. Ewan ko pero siyang-siya ang mga pasaherong nanonood sa bangayan namin. Hinampas ko ang kamay niya sa tyan ko nang tumigil ang driver. “Bastos! I hope I will never see you again, bwesit ka!” singhal ko sa kanya bago bumaba ng jeep. Damang-dama kong nakasunod ang tingin nila sa akin pagkababa. Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon. For the last time, nilingon ko ang lalaki habang salubong ang kilay ngunit gano’n na lang ang paglaki ng mata ko nang may makita akong bahid na dug0 sa pantalon niya. Holy sheyt! Nakatitig siya ro’n at no’ng dahan-dahang lumipat ang tingin niya sa akin, doon na ako nataranta. Tumakbo ako ng wala sa oras, hindi alam kung saan pupunta. “Miss, may tagos ka!” pahabol na sigaw niya. O sige, ipasigawan mo pang hinayupak ka. Pinagtitinginan na tuloy ako rito. Saan ba ang public toilet dito nang makapag-palit agad ako? Jusmey, bakit ang malas ko sa araw na ‘to? Ni hindi ko alam kung saang lugar ako ngayon. Inang lalaki kasi na iyon, ang sarap bigwasan. Dumagdag pa ‘tong regla ko. “Excuse me, may public toilet po ba rito?” tanong ko sa bababe’ng nakasalubong ko. Tingin ko nasa isang palengke ako at hindi ako sigurado kung meron sila no’n dito. Tumigil sandali ang babae. “Hindi ko rin alam eh…” napatingin siya sa bag kong nasa likod. “Meron kaba? Tumagos?” Nahihiya akong tumango. “Opo, eh. Naghahanap po sana ako ng lugar kung saan puwedeng magpalit.” Hindi agad siya nagsalita na para bang may iniisip. Tumingin siya sa akin pagkatapos. “Malayo rin kasi ang sa amin, isang sakayan pa. Magtanong-tanong ka na lang siguro dyan.” Nilampasan niya ako na ikinanganga ko sandali. Ano pa bang ine-expect ko? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nagtanong-tanong pa kaso wala raw. Tumigil ako sandali sa isang tindahan, hindi na alam kung saan pupunta. Wala akong sapat na pera para mag-taxi. Wala rin akong makitang jeep. Ni hindi ko alam kung anong lugar ‘to? Napahilamos ako ng mukha. Gusto kong maiyak dahil sa totoo niya hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakahiya naman kay tita kung kung tatawagan ko siya at magpasundo. Paniguradong busy iyon. Saka isa pa wala rin akong load. Ang hirap maging mahirap. Ang higpit ng tadhana sa akin. “Ineng, may tagos ka.” Anang tindera sa tindahan. Bwesit! Nakalimutan kong takpan gamit bag ko. “May pamalit kaba? Pasok ka rito.” “Hindi na kailangan.” Napatingin ako sa lalaking kararating lang. Biglang kumulo ang dugo ko nang makilala ko ang lalaki. Anong ginagawa niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD