“Anong ginagawa mo rito?” iritang tanong ko sa kanya.
Imbes na sumagot, nagtaka ako nang bigla niyang hubarin ang kanyang jacket. Salubong ang kilay ko nang maglakad siya papunta sa kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napa-atras no’ng makalapit na siya.
“A-Anong b-binabalak m-mo?” tanong ko pa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang ipulupot niya ang jacket sa baywang ko at itinali iyon.
Muli na namang nanuot sa ilong ko ang pabango niya pati na rin ang kanyang gel.
Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking ‘to? Hindi naman kami magkakilala.
What is his motive for doing this? Puwede naman niya akong hayaan na lang. Guilty ba siya dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina? O baka dahil nagka-atraso ako kasi natagusan ko ang pantalon niya?
Sinundan ko siya ng tingin habang inaayos niya ang damit ko. Kung siguro sa ibang babae niya ‘to ginagawa, baka naghahalumpasay na sa kilig pero ako kasi hindi, naweweirduhan ako sa ikinikilos niya.
Umatras ako na ikinatigil niya. Kinunotan ko siya ng noo nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Mabigat ang paninitig niya, malamig at hindi ko mawari kung anong meron doon.
Gusto kong tanggalin ang mask niya para kahit papaano ay makilala ko naman pero nakakabastos kung bigla kong hablutin iyon. Sa totoo lang nagsisimula na akong makaramdaman ng kakaiba—iyong tipong parang kilala niya ako pero hindi ko siya kilala.
“Why?” he asked. “Your blood smells good.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Baliw kana ba talaga?” bulalas ko, hindi makapaniwala.
“Almost,” seryosong sagot pa niya. Nababaliw na talaga ang isang ‘to. Akala ko pa naman magso-sorry na siya sa nangyari kanina, hindi pala. “I’m here to smell your blood.”
Natawa lang siya nang ihampas ko sa kanya ang dala kong bag. “Bwesit ka! Eh ‘di sana inamoy mo na lang iyong natagusan kong pantalon mo. Hindi iyong namb-bwesit ka pa rito!” galit kong sabi pero pinilig lang niya ang ulo na para bang pinagmamasdan ako.
“Yeah, I have already done it, and I have no intention of washing it just to smell your blood.” Dere-deretsong sabi pa niya na ikinanganga ko.
Inikutan ko lang siya ng mata. Lalampasan ko na sana siya nang hatakin niya ako pabalik, paharap sa kanya. Binawi ko ang kamay. “Kapag hindi ka tumigil, magsisigaw ako rito.”
Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Ang sama mo naman. Tinulungan na nga kita eh.”
Sandaling umawang ang bibig ko. “Epal ka nga eh. Magpapalit na nga ako, dumating ka pa.” Inismiran ko siya at saka siya nilampasan.
Mabuti na lang at hindi ako hinatak pabalik kasi talagang magsusumigaw ako rito pero alam kong susundan niya ako katulad ngayon.
“Ihahatid na kita sa inyo.”
Sandali akong natigilan. Hinarap ko siya habang nakakunot pa rin ang noo. Hindi ba niya ako tatantanan? Saka may kotse naman pala siya, bakit nakipagsiksikan pa siya sa jeep kanina? May ubo ba ang utak niya? Bwesit!
“At ano ang kapalit?”
Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Imposibleng walang kapalit ang offer niya plus wala rin akong tiwala sa kanya. Isa pa, hindi ko siya kilala. So, why would I go with him? What if dalhin niya ako sa ibang lugar? What if—ugh, nag-o-overthink na naman ako pero posibleng mangyari iyon sa panahon ngayon.
“I don’t like the way you speak to me, Avi.”
Kinilabutan ako sa tono ng boses niya pero mas hindi ko inaasahan iyong pagbanggit niya sa pangalan ko. All this time, kilala pala niya ako?
“W-who are you? B-bakit kilala mo ako?”
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya kumibo nang lapitan ko siya. He just let me do whatever I want. Pinaglandas ko ang kamay sa tenga niya upang tanggalin ang kanyang mask.
He’s sideview, hindi ko maitatanggi na ang gwapo niya sa anggolong iyon.
“Anong kailangan mo sa akin?” buong kuryusidad na tanong ko.
Matatanggal ko na sana ang pagkakakapit ng mask sa tenga niya nang bigla siyang lumayo kasabay ng busena ng kotse sa hindi kalayuan.
“Hindi pa sa ngayon,” rinig kong sabi niya. “Tita Nadia is waiting for you kaya sumama kana sa amin.” Seryosong dagdag niya.
Tumabi ang isang Chevrolet na kulay itim sa tapat ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sandali akong napatingin sa kanya. “Get in, Avi.” Sambit niya sa malamig na boses.
Since kilala naman niya si Tita Nadia, sumakay na lang din ako. Wala rin naman akong pamasahe kung magta-taxi ako at kung mananatili rin ako rito, baka mapahamak pa ako.
Tahimik lang kami buong biyahe. Hindi ko na kinilala pa kung sino iyong nagd-drive. Baka isa lang din sa mga pinsan ko sa side father at siguro siya rin.
Pinandilatan ko ng mata si adik sa dug0 nang mahuli ko siyang panakaw na tumitingin sa akin.
“Ano?” I mouthed to him and he just shrugged. Kanina palong-palo mang-asar, ngayon acting wala ng pakealam.
“Tahimik niyo naman,” basag ng lalaki sa katahimikan na nasa driver seat. “I’m Paul, close friend nitong si—” hindi niya natuloy ang sasabihin nang tapikin siya ng kumag.
Bakit ba nagpapaka-misteryoso ang lalaking ‘to? Ano naman kung nalaman ko ang pangalan niya? Duh! Oh, well, hindi naman ako interesado.
“Hindi ako interesado malaman.” Sabi ko at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
“Oh, sakit no’n pre ah. Hindi ka naman pala kilala.” Pang-aasar pa ng kasama niya.
“Just shut up, Paul.” Bakas sa boses niya ang iritasyon. Tumawa lang si Paul at nagpatuloy sa pagd-drive.
“Kung ako iyan, binakuran ko na.” Paul added and I just rolled my eyes.
Tiisin kong hindi matuloy sa biyahe at baka kung saan pa nila ako dalhin at no’ng matanaw ko na ang subdivision nila tita ay itinuro ko sa kanila.
“You don’t have to, alam namin.” Paul said and winked at me at the vanity mirror.
Naubo siya nang ihampas ni mister adik sa dug0 ang likod ng kamay niya sa leeg nito. Ayan, deserve. May pakindat-kindat pa kasing nalalaman. Dukutin ko ang mata niya eh.
“Ito naman parang kumindat lang. Hindi naman halatang ma-a-under ka. Possessive ang powtek.” Asar pa ni Paul.
Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Magkaibigan nga sila, parehong ewan.
No’ng tumapat na kami sa harap ng bahay ni tita, binuksan ko agad ang pinto ng kotse. Pababa na sana ako nang matigilan ako. Napahawak ako sa aking puson nang humilab.
“What’s wrong? Masakit ba puson mo?” alalang tanong pa ni epal.
“I’m fine,” pero napangiwi ako sa sakit. “Really…” si Paul nakingiwi rin sa akin, bwesit.
“Are you sure? Magpabuhat kana lang kaya dito sa kasama ko papasok sa buhay niya—I mean bahay.” Inirapan ko na lang si Paul. Lakas ng tama eh.
“Hindi na kailangan, kaya ko…” pinilit kong lumakad kahit masakit na.
Hindi ko na sila nilingon pa. Pagkatapat ko ng gate, nagulat ako dahil naka-abang si Tita Nadia. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
“Meron ka?” nakahalukipkip niyang tanong at sumilip sa labas. “Paul and N pasok kayo at magmiryenda bago umalis,” binaling niya ulit ang tingin sa akin. “Ikaw, pumasok kana sa loob at ipaghanda mo sila ng miryenda.”
Hindi ko inasahan ang sinabi niya pero tumango na lamang ako. Pumasok kaagad ako sa loob ng bahay.
“Sa second floor, sa unang kwarto, doon ka.” Pahabol pa ni tita na mukhang makikipag-chikahan pa doon sa dalawa.
Huwag sana sabihin no’ng N na iyon ang nangyari sa amin. Ayoko pang masermonan sa unang araw ko rito, idagdag pa ‘tong iniinda kong sakit.
Tinungo ko ang ikalawang palapag ng bahay at deretsong pumasok sa unang kwartong nakita ko. Naglinis ako ng katawan at nagpalit agad ng damit bago lumabas ulit. Tiniis ko nalang ang pananakit ng puson ko.
Sandali akong natigilan mula sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ni N na kinakausap si tita.
“Pag-iisipan ko, N.” Sabi ni tita at saka lang ako nagpatuloy sa pagbaba.
Pareho-pareho silang napatingin sa akin. “Ah, eh, hindi ko pa po alam kung anong available na puwedeng i-meryenda?” ako na walang kasiguraduhan sa buhay.
Kararating ko nga lang dito, malamang wala pa akong alam.
“Bumili ka ng turon sa labas,” utos ni tita. Pinaka-ayaw ko pa naman ay iyong lumabas habang nire-regla pero anong magagawa ko kung iyon ang gusto? Dapat sana pinagpahinga ako kaso gawa ata sa bato ang puso ni tita. “Bili ka rin ng 1.5 na coke.”
“Iyon lang po ba?” paninigurado ko nang makalapit sa kanila.
Hindi ko magawang tingnan ang dalawa kahit ipinaglalandakan nilang nakatingin sila sa akin.
“Oo, kayo boys baka may gusto kayong ipabili sa kanya.” Sige tita, isagad niyo na.
Napatingin kami kay N nang bigla siyang tumayo. “Ako na lang, Ate Nadia. Bibili rin naman ako ng sigarilyo.”
Walang umimik sa amin. Nailang ako bigla nang tumitig siya sa akin. Wala ba siyang balak tanggalin ang mask niya?
“Anong brand? Whisper? Sister? O modess?”
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Baka nakakalimutan niyang nandito si tita.
“Hey, what’s the brand of your sanitary napkin?”
Talagang inulit pa niya, bwesit.