Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Haru. The situation is a little bit awkward. “Go ahead, Avi. Usap na lang tayo after ng work mo.” Nag-angat ako ng tingin kay Haru na ngayon ay nakangiti sa akin. Panira naman kasi si tita saka akala ko ba siya ang boss ko at taga bantay lang ako rito? Bakit biglang nagkaroon ng boss? Minsan talaga hindi ko maintindihan si Tita Nadia. Huminga ako ng malalim bago pa umiba ang timpla ng itsura ni tita na kung makalipat ng tingin sa aming dalawa ay parang ang laki ng kasalanan namin. “See you around, Haru.” Paalam ko saka hinarap ang lalaking tumawag sa akin. I looked at Nazzareth with a straight face. Wala rin akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. His aura screamed coldness. Namulsa siya pagkatapat ko sa kanya. “Enjoying your co-maj accompany

