“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Labas na!” sige tita, lakasan mo pa ang pagkakasabi. Nilampasan niya ako at nagpatiunang maglakad. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako or ano but knowing tita na bumubuga ng apoy kapag hindi nasusunod, wala rin akong pagpipilian. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang marinig ko tawanan ng mga lalaki sa labas. Hindi ko maatim na makihalo sa kanila sa labas para lang manggamot ng sugat no’ng engot na iyon. Bakit ba kasi naging kasalanan ko na nagkasugat siya? Ako ba ang nakipag-away? Bwesit naman kasi si tita, kinonsensiya pa ako. “Avi,” Tita Nadia looked at me with her sharp eyes plus warning tone kaya bago pa man niya ako bugahan ng apoy, mabilis kong tinungo ang kinaroroonan niya. “Nahihiya ka? You will get used to it…” May point naman siya and

