Ang sarap mo

1793 Words
Sa isang malaking bahay sa probinsya ng Zambales kung saan nagtatrabaho ang tiyahin ni Simon, makikita ang isang lalaki na nasa katanghaliang-gulang na nakaupo sa sofa, suot ang kaniyang salamin sa pagbabasa at inuusisa ang report card na hawak niya. "Maganda ang mga grades mo, puwede kitang ipadala sa New Jersey at makapag-aral sa Princeton University," sabi ng matandang amo ng tita ni Simon habang tinitingnan ang mga marka ni Simon sa card. "Talaga po?!" masayang sabi ni Simon. Nakita ng matanda na tuwang-tuwa si Simon. "Ano ang dahilan mo kaya gusto mong mag-aral sa ibang bansa?" tanong niya. Ikinuyom ni Simon ang kaniyang kamao. "Gusto ko pong maghiganti!" matigas niyang sabi. Nagulat ang matanda; ngayon lamang siya nakatagpo ng ganitong klaseng rason. "Maghiganti?" pag-uusisa niyang tanong. Tumango nang matatag si Simon. "Opo, gusto ko pong maghiganti sa mga taong minamaliit kami dahil lang sa mababa ang aming katayuan. Gusto kong maghiganti sa mga taong tinapakan ang aming dangal at dignidad, sa mga taong tinanggalan kami ng karapatan dahil kami ay lumaki sa kahirapan. Kung ako po ay papalarin makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad, gagamitin ko po ang pagkakataong ito para baguhin ang aking kapalaran!" Tumawa ang matanda. "Magaling, binata. Kitang-kita ko ang matatag mong saloobin, kitang-kita ko ang apoy sa iyong mga mata na maging matagumpay na tao ka. Naniniwala akong malayo ang mararating mo," nakangiting sabi ng matanda bago tumingin sa tita ni Simon. "Jennifer, ayusin kaagad ang mga kinakailangan para makaalis kaagad ang pamangkin mo sa lalong madaling panahon." Tuwang-tuwa si Jennifer. "Amo, salamat po, salamat po, maraming salamat po." "Makapag-aral po ako sa abroad?!" gulat na tanong ni Simon. Tumango ang matanda. "Pagbutihin mo, binata. Maraming naghihintay sa'yo sa ibang bansa," nakangiti niyang sabi. "Maraming salamat po! Thank you, thank you po sa binigay ninyong pagkakataong ito. Hindi ko po kayo bibiguin," masayang tugon ni Simon. .... ... .. Sinagot ni Simon ang tawag. "Tita Jennifer, napatawag po kayo. May problema po ba riyan sa probinsya?" "Simon, alam kong abala ka riyan sa Manila. Gusto ko lang sabihin na dumalaw sa akin ang dating amo ko. Ipinagbilin niya na sabihin ko sa iyo na maraming salamat sa bagong set ng herbal na gamot na ipinadala mo. Nakakatulong daw sa kanya ang mga ito at pakiramdam daw niya ay bumata siya ng dalawampung taon," paliwanag ng tita ni Simon mula sa kabilang linya ng telepono. Ngumiti si Simon. "Tita, pakisabi po sa matanda na maliit na bagay lamang ang ginagawa ko para sa kanya. Hindi niya kailangang laging magpasalamat. Kung hindi niya ako ipinadala sa ibang bansa, hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon." "Sige, sige, ipararating ko sa matandang amo. Ikaw, kailan ka ba mag-aasawa? Tumatanda na kami ng tito mo, hindi pa namin nakikita ang magiging apo namin," sabi ni Jennifer. Napatigil si Simon at hindi nagsalita. Napa-buntong-hininga si Jennifer matapos mapansin ang katahimikan ni Simon. "Hindi mo pa rin ba nao-overcome iyang philophobia mo? Tatanda kang mag-isa niyan kapag hindi ka magmamahal," walang magawa niyang sabi. "Ahm, Tita, sige po pala. May meeting pa po ako, kailangan ko na po munang pumunta," sagot ni Simon, iniiwasang pag-usapan ang bagay. Alam ni Jennifer na ayaw pag-usapan ni Simon ang bagay na ito. Walang magawa siyang napa-buntong-hininga. "Oh, sige. Mag-ingat ka diyan," nasabi na lamang niya bago ibinaba ang tawag. Matapos ang tawag, ibinalik ni Simon ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa bago bumalik kung nasaan ang kaniyang sekretarya at si Enrique. Pagbalik niya, nakita niyang kumakain na ng barbecue ang dalawa. "Oi, Simon, masarap 'yong barbecue nila rito. 'Yong pinaluto mo, naluto na. Sinabi ko na ibabad sa maanghang na suka," sabi ni Enrique habang ngumunguya nang makitang bumalik si Simon. "Masarap talaga ang barbecue nila rito. Madalas kaming kumain dito ng chairman. Palibhasa kasi puro babae ang inaatupag mo," sabi ng sekretarya ni Simon. "Hoy, Jayvee, bakit kay Simon ka lang gumagalang, ha? Nakakalimutan mo yatang ako ang presidente ng kumpanya," kunyaring nagtatampong sabi ni Enrique. "Si Chairman ay si Chairman, ikaw si Enrique," sagot ng sekretarya ni Simon. "Paanong igagalang ka ni Jayvee? Hindi ka mukhang presidente. Para kang matandang nag-aalaga ng mga babae sa circus. Kahit ang sekretarya ko, mukha pang mas presidenteng tingnan kaysa sa'yo," mapagbirong sabi ni Simon habang kumakagat sa barbecue. "Ah, ganun? Pinagkakaisahan ninyo ako," tumango-tango si Enrique. "Ay, hindi sa ganoon. Nagsasabi lang kami ng totoo," sarkastikong sabi ni Jayvee. Tinapon ni Enrique ang stick ng barbecue sa basurahan na kunwari ay nagagalit bago nag-handa na tila may gagawin kay Jayvee. Nang makita ni Jayvee ang kinikilos ni Enrique, kinain niya ang huling laman ng stick ng barbecue bago itinapon sa basurahan. Nagpalitan ng matalim na tingin ang dalawa, at bigla na lang tumakbo si Jayvee paikot-ikot sa food court at hinabol siya ni Enrique. Para silang bata sa kanilang pinag-gagawa. Napatawa na lang si Simon nang makita ang eksena, habang nasasarapan siya sa inihaw na kaniyang kinakain, bago naalala ang nakaraan kung paano nila sinimulan ang pagbuo ng Rivera Innovations. Nakilala ni Simon si Enrique noong bumalik siya mula sa ibang bansa. Una silang nagkita sa paliparan bago muli silang nagkita nang bumalik si Simon sa kaniyang probinsya. Nag-usap ang dalawa sa isang inuman nang muli silang nagkita sa isang maliit na kainan. Nalaman ni Enrique ang nakaraan ni Simon at mga plano nito sa buhay. Matapos marinig ang kwento ni Simon, nagdesisyon siyang samahan si Simon na lumuwas ng Manila at simulan ang kanilang matinding pakikipagsapalaran. Sa pagtutulungan ng dalawa, naitatag ang Rivera Innovations. Bagama't hindi halata, matalino si Enrique at madiskarte pagdating sa negosyo at pagbuo ng koneksyon. Sa loob ng dalawang taon, naging matatag ang kumpanya, at sa patuloy na paglaki nito, ipinakilala ni Enrique si Jayvee na isa niyang kaibigan. Nakapagtapos ng Finance si Jayvee sa Ateneo, siya ay matalino at maaasahan sa mga maliliit o kritikal na bagay kaya mas lalong naging matagumpay ang kumpanya hanggang sa kasalukuyan. "Hoy, tama na 'yan," sigaw ni Simon sa dalawa. Kaagad namang tumigil ang dalawa bago lumapit kay Simon. "Tayo na. Bumalik na muna tayo sa kumpanya bago makipagkita sa lalaking taga-Davao," sabi ni Simon. Tumango ang dalawa bago sumunod kay Simon pabalik sa kumpanya. .... Mabilis na lumipas ang oras at nagtungo ang grupo sa The B Hotel. Nakaupo ang tatlo sa isang bar sa ikalawang palapag ng hotel habang hinihintay ang lalaking taga-Davao. "Punta lang ako ng CR," sabi ni Simon bago tumayo at nagtungo sa CR. Paglabas ni Simon, naaninag niya ang isang pamilyar na pigura na naglalakad kasama ang isang matandang lalaki. Tiningnan mabuti ni Simon ang babae at nakilala. "Ito ba 'yong kasama ni Enrique kanina? Lexi ba pangalan nito?" bulong niya, bago nakita niyang pumasok ang dalawa sa CR ng babae. Naglakad si Simon patungo sa CR ng lalaki para umihi at maghugas. Paglabas niya, naririnig niya ang ungol ng babae. "Fck, baby, ahhh, ang sarap mo." Saglit na natigilan si Simon nang dumaan siya, bago umiling-iling at naglakad pabalik kung nasaan sila Enrique. Pagbalik ni Simon, naupo siya sa upuan bago tumingin siya kay Enrique. Napansin ni Enrique ang kakaibang tingin ni Simon. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya bago nagsalamin gamit ang screen ng kaniyang cellphone. Bumuntong-hininga si Simon. "Alam mo ba 'yong babaeng kasama mo kanina?" "Sino? Si Lexi?" tanong ni Enrique. Tumango si Simon. "Oo, 'yong sinasabi mong seksi na chubby." "Ah, oo, bakit? Anong meron sa kaniya? Gusto mo ba siyang tikman?" sabi ni Enrique bago nagpakita ng kakaibang ngiti at inilabas ang kaniyang cellphone, handang tawagan si Lexi. "Hindi, hindi," sabi ni Simon, pinigilan si Enrique. Tila naguguluhan si Enrique. "Eh, ano pala? Bakit mo siya nabanggit?" Napakamot siya ng ulo. "'Di ba sinabi mo wala pa siyang naging boyfriend?" "O...o?" may pag-uusisang sagot niya. "Ngayon lang, nakita ko siya sa CR ng babae may kasama siyang matanda. Sa tingin ko, may ginagawa silang kababalaghan sa CR. Ang lakas niyang umungol, rinig na rinig sa labas ng CR," paliwanag ni Simon. Tumawa si Enrique. "Ayan, hindi ka kasi naglalalabas. Pagkatapos sa kumpanya, uwi ka sa bahay. Bahay at kumpanya lang halos araw-araw umiikot ang mundo mo e. Alam mo, sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagtalik kahit hindi nila jowa. Ang malupit pa n'un, wala silang pinipiling lugar." "Alam na alam mo, ha? Kaya ka laging nabubugbog ng asawa mo e," umiling-iling si Simon. "Hoy, hindi ah. Hindi ako ganun nu. Madalas ko lang ma-encounter 'yan kapag nagpupunta ako sa mga lugar kagaya nito," depensa ni Enrique. "Talaga lang, ha?" sabi ni Simon, nakangisi. "Oo," sabi ni Enrique. "Pero ang weird. Tinatawag niyang 'baby' 'yong matanda?" sabi ni Simon. Tumawa na parang nakakaloko si Enrique. "Tawag lang iyon, para mas ganahan 'yong lalaki." "Ang dami mo talagang alam," sabi ni Simon. Sa sandaling ito, kumaway si Enrique sa isang lalaki. "Clinton, hey, narito kami!" sigaw niya. Lumingon ang lalaki at nakita si Enrique. Naglakad siya papalapit sa kanila bago naupo sa parehong lamesa. "Mr. Enrique, pasensya, medyo nahuli ako." "Ah, okay lang. Ito ang chairman, si Simon. Ito si Jayvee, sekretarya niya," pakilala ni Enrique. Tumayo si Clinton bago magalang na nagpakilala. "Kumusta, Sir? Ako si Clinton Guzman, 31 years old. Tawagin mo na lang akong Clint. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong makilala ka. Pinapunta kasi ako rito ng ama, umaasang makipagtulungan ka sa amin," nagbabakasakaling sabi niya bago inabot ang kamay para makipagkamay. Inunat ni Simon ang kaniyang kamay para makipagkamay. "Simon Rivera. Mr. Guzman, papaanong pakikipagtulungan ba ang nais mo? Saang kumpanya ka galing?" tanong ni Simon. Naupo si Clint. "Ah, oo. Ako ang CEO ng The Guzman Tech, isang kumpanya ng teknolohiya sa Davao. Naparito ako dahil gusto naming maging supplier ang Rivera Innovations sa aming lugar. Nagkataon, sinabi ni Mr. Enrique na balak ninyong magpalawak sa ibang lugar at magtayo ng iba pang sangay." "Naisip ko, bakit hindi na lang tayo magkaroon ng Joint Distribution? Sa ganitong paraan, mabilis na lalawak ang inyong kumpanya sa Davao sa pamamagitan ng aming network, at sa parehong oras kikita tayong pareho, parehong may benepisyo sa magkabilang partido," paliwanag ni Clint. Tumango si Simon. Masasabi niyang may katuturan ang sinabi ni Clint. "Kung ganun, I'm looking forward to this Joint Distribution na darating. Oo nga pala, tulungan mo akong makahanap ng magiging branch office sa Davao para maisagawa natin ang pagtutulungan sa lalong madaling panahon." "Aasikasuhin ko kaagad ang kontrata. Tatawagan na lang kita kapag naihanda na," nakangiting sabi ni Simon bago tumayo at iniabot ang kaniyang kamay. Tumayo rin si Clint sa kaniyang kinauupuan at nakipagkamay. "Thank you, Mr. Rivera. Huwag kang mag-alala, pagkatapos kong makuha ang kontrata, uuwi kaagad ako sa Davao para hanapan ka ng angkop na gusali para gawing sangay ng iyong kumpanya," masaya niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD