Sariwang Kolehiyala

1682 Words
"Simon, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa inyo ni Angela? Kanina ang saya-saya mong umalis ah?" tanong ng tito ni Simon nang makitang umuwi si Simon na umiiyak at nag-eempake. Tumigil si Simon sa ginagawa pero patuloy pa rin na tumutulo ang luha, "Tito Ricky, gusto kong umalis sa probinsiya." "At bakit nga? Ano ba kasing nangyari? Huminahon ka nga muna, sabihin mo, may hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Angela?" pag-uusisa ni Ricky. "Hindi lang ito hindi pagkakaunawaan, Tito, niloko niya ako," masakit na sabi ni Simon, iniisip ang dalawang taong pagsasama nila ni Angela. "Bakit? Ano bang nangyari sa pagitan ninyo ni Angela?" tanong ni Ricky, sinusubukang alamin ang sanhi, baka may tsansa pang maayos. "Tito, buntis si Angela. Ang masaklap pa, si Mark ang tatay ng dinadala niya," umiiyak si Simon habang sinasabi, nabubulunan siyang magsalita. Natigilan si Ricky sa narinig, hindi niya inaasahan na may ganitong rebelasyon. Bumuntong-hininga siya, "Sigurado ka bang buntis siya? Hindi ka ba nila pinaprank lang?" Umiling-iling si Simon, "May pregnancy test, Tito, at may dalawang guhit. Pinagsusuntok ko si Mark pero hindi siya lumaban, patunay lang na nagsasabi sila ng totoo," paliwanag ni Simon bago pinunasan ang luha. Walang magawa si Ricky kundi bumuntong-hininga, "Ano ang plano mo ngayon?" "Gusto kong umalis, Tito, magpakalayu-layo. Ayaw ko silang makita, naaalala ko lang ang ginawa ng Inay sa Itay. Ngayon alam ko na kung bakit piniling lumayas ng Tatay," kinuyom ni Simon ang kaniyang kamao. Tinapik ni Ricky ang balikat ni Simon, "May amo ang tita mo, nagbibigay siya ng pagkakataong makapag-aral sa abroad ang mga batang may mataas na marka. Ipakita mo lang ang huling grado mo sa kaniya. Kapag pumayag siya, baguhin mo ang buhay mo pag nasa ibang bansa ka. Malay mo, makakilala ka doon ng babaeng hindi ka lolokohin." "Ayaw ko nang magmahal ulit, Tito. Kung papalarin akong makapag-abroad at mag-aral, magsusumikap ako para maging matagumpay na tao. At pagdating ng oras, babalikan ko sila at ipapakita ko sa kanila ang aking tagumpay," matatag na sabi ni Simon habang ikinuyom ang kamao. "Gusto kong pabagsakin ang mga taong pinaglaruan ang puso ko dahil sa mahirap ako. Hintayin ninyong bumalik akong malakas, Angela at Mark! Tatapakan ko kayo sa mga paa ko pagdating ng araw!" pangako ni Simon sa kaniyang sarili. .... ... .. Nang makalapit ang lalaking nasa katanghaliang gulang, pinakilala niya ang babaeng kasama niya, "Simon, ito si Lexi, isang kolehiyala na kumukuha ng tourism," itinuro niya ang mukha ng babae, "maganda," sumunod ang katawan bago sinabihan ang babae na gumawa ng pag-ikot, "at sexy," nakangiti siya. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ni Simon, tumango-tango siya, "Maganda?" "Siyempre," proud na tumango ang lalaki. "Sexy?" "Uhuh-uhuh." "Batang-bata?" Nakangiti si Simon. "Oo, sariwang kolehiyala," bago tumawa siya. Tumango si Simon bago sinipa ang lalaki, "Puro ka kalokohan, Enrique. Pauwiin mo na 'yan, baka may klase pa 'yan." Umiwas si Enrique sa sipa, "Bakit? Ayaw mo ba ng isang batang kolehiyala?" Sinamaan siya ng tingin ni Simon bago tumingin sa babae, "Hoy babae, umalis ka na. 'Wag ka nang ulit sasama sa matandang ito, puro kalokohan ang alam niyan." Hindi sumagot ang babae ngunit tumingin kay Enrique, "Akin na ang bayad. Ayaw sa akin ng taong ito," bago sumulyap siya kay Simon, "Pogi ka pa naman at mukhang bata. Tatanda kang mag-isa niyan pag mapili ka. Hump!" masungit na sabi niya. Hindi inaasahan ni Simon na sasabihin ng dalaga ang mga ganoong kataga. Tumawa si Enrique bago naglabas ng isang libo at iniabot sa dalaga, "Kita mo na, tatanda ka talagang binata pag di ka kikilos." Kinuha ng dalaga ang pera bago lumapit kay Simon. Hinawakan niya ang dibdib ni Simon at malanding pinadulas ang kamay, "Kung magbago isip mo, tawagan mo lang ako," bago umalis at nag-handsign ng 'call me'. Kinilabutan si Simon matapos ang ginawa ng dalaga, "Kakaiba talaga mga kabataan ngayon." Tumawa ulit si Enrique, "Simon, kung gusto mong maikama siya, sabihan mo lang ako. Sa tingin ko wala pa siyang karanasan. Ayon sa kaniya, hindi pa siya nagkaka-boyfriend." Binatukan ni Simon si Enrique, "Puro ka kalokohan. Sabihin mo, ano bang kailangan mo?" Ngumiti si Enrique, "Ganito na nga, may nakilala akong lalaki na taga-Davao. Alam kong matagal ka nang nag-iisip na palawakin ang kumpanya. Maraming koneksyon ang lalaking ito sa Davao City. Kung makikipagtulungan tayo sa kaniya, mapapalawak natin kaagad ang kumpanya sa lalong madaling panahon." Nag-isip saglit si Simon. Matagal na niyang iniisip ang pagpapalawak ng kumpanya. Ngayong narinig niya ang balita kay Enrique, naisip niyang interesante ang balita, "Gusto kong makilala ang lalaking sinasabi mo. Gusto kong pag-usapan kung anong negosyo ang maaari nating buuin kasama siya." "Sige, tatawagan ko kaagad siya upang makipagkita," sabi ni Enrique bago inilabas ang kaniyang selpon at tinawagan ang lalaki. Matapos ang ilang palitan ng salita, bumalik si Enrique kay Simon, "Naayos na, mamayang alas-syete sa The B Hotel." Tumingin si Simon sa kaniyang relo bago tumango, "May dalawang oras pa. Maglalakad-lakad muna ako. Kita tayo mamaya," sabi ni Simon bago naglakad papalayo kasama ang kaniyang sekretarya. "Sasama ako," sabi ni Enrique bago sumunod sa paglalakad kasama si Simon. "Chairman, pag naging matagumpay ang pagtutulungang ito, tataas sa hindi maipaliwanag na antas ang ating kumpanya," sabi ng kaniyang sekretarya. Tumango si Simon, "Panigurado 'yan. Sa malamang, gagawa ng parehong hakbang ang Tele Link," ngumisi siya. Tumawa si Enrique, "Ano ang Tele Link? Isang pumapangalawang tech company sa Quezon? Kahit na pangalawa sila, bilyon-bilyon pa rin ang agwat pagdating sa lakas ng asset ng Rivera Innovations. Malayo pa sila sa katotohanan na maabutan ang ating kumpanya." "Tama si President Enrique, pero sana sa susunod 'wag mo na idadahilan na naghahanap ka ng babae para sa Chairman. Alam naman natin na naghahanap ka lang ng sarili mong aliw," sabi ng sekretarya ni Simon. Tumawa si Enrique, "Hoy, pag nasa labas ako, kumikilala ako ng iba't ibang tao na maaaring makatulong sa kumpanya. Isa pa, hindi naman masamang sumama sa mga batang babae paminsan-minsan." "Oo na, sige na, gawin mo ang gusto mo, basta huwag mong kakalimutang presidente ka ng kumpanya. Kapag talaga ikaw nadale ng mga kaaway, tatanggalin talaga kita sa posisyon mo," nagbabala si Simon pero nakangiti. "Nakikipaglaro lang ako sa kanila, hindi ko naman sila kinakama. Maingat ako pag nasa labas ako. Pag nahuli ako ng asawa ko, bugbog na naman ang abot ko," bago tumawa siya nang malakas. Tumingin si Simon kay Enrique nang kakaibang tingin, iniisip kung paano ba niya naging kaibigan ang taong ito, ngunit wala siyang sinabi. Patuloy silang naglakad hanggang nakarating sila sa isang food court. Nakakita si Simon ng nag-iihaw ng barbeque. Lumapit siya at kaswal na pumili. Pumili rin ng barbeque ang dalawa pa niyang kasama. Lumingon si Simon at naghanap ng mauupuan. Pagtalikod niya, nabunggo siya ng isang babae. Tumama ang babae sa kaniyang dibdib at muntik nang matumba. Inalalayan siya ni Simon at nagkadikit ang kanilang katawan. "Isabella, hoy, hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. 'Yan ang sinasabi ko sa'yo, puro ka kasi selpon habang naglalakad," lumapit ang isa pang babae at pinagsabihan ang babaeng nabunggo kay Simon. Napahawak si Isabella kay Simon. Naramdaman niya ang matikas na paghawak ni Simon sa kaniyang bewang. Sa pag-hila ni Simon, napahawak siya sa matigas nitong dibdib. Tumingin siya at nakita ang gwapong itsura ni Simon. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya. Napatitig siya nang matagal at hindi naririnig ang boses ng kaibigan niya. Unti-unti siyang napangiti at nagsimulang magpantasiya. "Miss, okay ka lang?" tanong ni Simon nang mapansing nakatitig sa kaniya ang dalaga. Nang mapansin ng babae na tulala si Isabella, pinisil niya ang pisngi ni Isabella, "Hoy babaita, ano pa at nakatulala ka riyan." "Ahhh, aray," sabi ni Isabella bago natauhan. Pinulot ng sekretarya ni Simon ang selpon ni Isabella bago tiningnan, "Hmm, mukhang interesado ka sa teknolohiya, Miss," sabi niya nang makitang naka-browse ang selpon ni Isabella sa isang technology page bago inabot kay Isabella. Nang bumalik sa katinuan si Isabella, hinawakan niya ang masakit niyang pisngi bago kinuha ang selpon sa sekretarya ni Simon, "I'm sorry kung nabangga kita," sabi niya kay Simon. Natigilan si Simon nang makita ang itsura ni Isabella, 'Bakit parang meron siyang kamukha?' naisip niya pero hindi maalala kung sino. Tiningnan ni Simon si Isabella at naka-uniform ito, masasabi niyang nag-aaral ang babae sa UP Diliman, "Makinig ka sa kaibigan mo, huwag kang nagseselpon habang naglalakad. Kung hindi, babangga ka ulit sa iba katulad ngayon," payo ni Simon. "Okay lang mabangga kung sa'yo ulit," mahinang sabi ni Isabella, napakagat-labi. "Anong sabi mo?" tanong ni Simon, hindi narinig ang binubulong ni Isabella. "Ah, wala po. Opo, hindi na po mauulit. By the way, ako po pala si Isabella, kumukuha ako ng kursong Business Management sa UP Diliman, labingwalong taong gulang," nakangiting pakilala ni Isabella. Tumingin nang may pagtataka si Simon, "Hindi ako narito para makipagkilala, pero tawagin mo na lang akong Simon," nonchalant niyang sabi. Tumango si Isabella bago hinila ang kasama niya, "Ito si Lara, matalik kong kaibigan," pakilala niya. Hindi alam ni Lara kung anong nakain ni Isabella at umaakto siya ng ganito. Alam niya na napakalamig ng ugali ni Isabella ngunit madaldal talaga siya sa harapan ng lalaking ito, "Pasensya na po sa abala, aalis na po kami," sabi ni Lara bago hinila si Isabella. Nag-aalangan si Isabella ngunit napilitang umalis dahil hinila na siya ni Lara. Pagkaalis ng dalawa, ngumiti si Enrique bago pumunta sa gilid ni Simon, "Nakita ko 'yong kakaibang titig mo sa babaeng nagngangalang Isabella. Aba-aba, mukhang gusto rin pala ng bata at sariwa ng ating Chairman," pabiro niyang sabi. Pumunta rin sa kabilang gilid ang sekretarya ni Simon bago tumango, "President, agree ako sa sinabi mo. Pansin ko rin ang titig ng Chairman na parang may pagmamahal nang nakaraan nang makita niya ang dalaga." Binatukan ni Simon ang dalawa, "Puro kayo kalokohan," bago naglakad sa bench para maupo, iniisip niya kung saan niya nakita ang dalaga dahil tila pamilyar ang itsura nito. Sa sandaling ito, tumunog ang selpon ni Simon sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang kaniyang selpon at tiningnan. Napangiti siya nang makita ang caller ID ng tumatawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD