Nasa higaan si Simon at handa nang matulog. Biglang pumasok sa kanyang isipan na gamitin ang live streaming platform ng kanilang kumpanya upang suriin kung may mga problema sa system na kailangang ayusin. Gumawa siya ng bagong account para subukan, nag fill-up siya ng kaniyang impormasyon. "Hmm... Username, ano kayang magandang username?" Bulong niya, nagiisip. Nagisip si Simon ng iba't ibang kombinasyon ng pangalan hanggang sa nakaisip siya ng simple. [System: Are you sure about your username?] [YES] [NO] "Yes," sabi ni Simon sabay pindot ng YES button. [System: Hello Uncle S!] [System: Welcome to FunLive, where the fun never stops! Join us for exciting live streaming experiences and endless entertainment. Let's make unforgettable memories together!] [OKAY] Ngumiti si Simon mata

