Kinagabihan makikita si Isabella sa kaniyang silid na nakaupo sa kaniyang study table hawak ang isang libro, nakasimangot, iniisip pa rin niya ang mga taong sumira ng kaniyang araw kanina, "Argh!!!" Naiirita siya kaya ibinaba niya ang librong hawak niya bago inilabas ang kaniyang selpon sa kaniyang bulsa. Nakita niya ang oras alas otso pa lang ng gabi at wala siyang magawa medyo boring ang kaniyang pakiramdam, na-unlock niya ang kaniyang selpon at kaagad na napangiti nang makita ang larawan nila ni Simon sa kaniyang wallpaper, nag-scroll siya sa kaniyang mga apps at nakita ang isang application na kung saan pwede siyang mag live stream, inayos niya ang kaniyang sarili, ilaw pati na rin in-set up niya ang kaniyang camera at siniguradong makukuhanan siya nang maganda. Nag simula siyang mag

