Walang kwentang makata

1449 Words

Mahigit sampung pormadong kalalakihan ang nag lalakad patungo sa Ice Princess. Animo'y isang action movie ang ginaganap dulot ng eksena, may intense na hanging namamagitan sa bawat lalaki, maaamoy ang pulbura sa paligid. Binibigyan nila nang matalim na tingin ang bawat isa sa kanila na iisipin mo ay sisiklab ang isang digmaan ano mang oras. Pakiramdam ng bawat isang lalaki ay sila ang bida sa sarili nilang pelikula, ang astig ng kanilang bawat hakbang at may mabagal na pag galaw sa kanilang sariling pananaw, pare-pareho ang kanilang iniisip na sila ang huling mag tatagumpay at ang makakahawak sa kamay at puso ng malamig na prinsesa. Ang saya ng kanilang pangarap, ngunit sa mata ng ibang nakakakita ay para silang mga tanga. Ang akala nilang astig sila ay akala lamang nila. Para kay Isabel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD