CHAPTER 1: Ang Dalawang Unano.

2045 Words
CHAPTER 1: Ang Dalawang Unano. GUTOM, takot, at pagkapagod ang kasalukuyang nararamdaman ngayon ni Mabel habang tumatakbo siya bitbit ang kanyang sanggol na walang kamalay-malay sa mga nangyayari ngayon. Umiiyak siya habang tumatakbo para sa buhay niya at sa buhay ng sanggol na hawak niya ngayon. Gagawin niya ang lahat para lang mailigtas niya ang buhay ng anak niyang si Zoey. Hindi niya mapapayagan na mamatay ito katulad ng pagkamatay ng asawa niyang si Gido na sinakripisyo ang sarili para lamang mapatakas silang mag-ina. Nang maalala ang asawa ay mas lalo lamang lumakas ang paghikbi niya. Kitang-kita niya sa dalawang mata niya kung paanong patayin ng mga armadong lalaki ang asawa niya kanina. Ayaw niya itong iwan pero naisip niya ang kapakanan ng sanggol na alam niyang handa nitong pagbuwisan ng buhay. "Nasaan ang babaeng iyon? Hanapin ninyo, dali!" Narinig niyang sabi ng mga lalaki habang siya ay nagtatago sa damuhan. Nagpapasalamat na lamang siya at kahit na tumatakbo sila ay nanatiling mahimbing ang pagtulog ng kanyang baby. Nang makalagpas sa kanya ang mga kalalakihan ay naglakad pa siya ng kaunti hanggang sa may nakita siyang isang napakalaking kariton. Naisip niya na magtago roon pero nagulantang siya nang makita na may tao roon! "Ay, palaka!" Gulat na sigaw ng babaeng unano na ka- look-alike ng artistang si Mahal. "Sino ka? Bakit ka narito?!" tanong naman ng lalaking unano na ka-look-a-like naman ng artistang si Dagul. Napalingon siya sa paligid dahil baka marinig sila ng mga humahabol sa kanila. "Hindi ako masamang tao pero may mga humahabol sa akin ngayon para pagtangkaan ang buhay naming mag-ina. Nagmamakaawa ako sa inyo, maaari bang iwanan ko muna sa inyo ang aking sanggol? Handa na akong mamatay pero ang anak ko, may magandang kinabukasan pang naghihintay para sa kanya. Gusto ko na masilayan pa niya ang mundong ito." Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nagkatinginan ang dalawang unano saka muling bumaling sa kanya. "Sino ka ba? Bakit ka nila hinahabol?" nagtatakang tanong ulit ng lalaki. Hindi na niya nasagot ito dahil bigla na niyang narinig ang yabag ng mga lalaking humahabol sa kanila. "Wala ng panahon! Nakikiusap ako, itago ninyo sa kariton na ito ang sanggol at ililigaw ko sila! Kailangang mabuhay ng anak ko! Kailangan niyang mabuhay!" desperada nang sabi niya. Kahit natataranta na at kahit may pagdududa pa rin ay kinuha na ng mag-asawang unano ang anak niya. "Isuot ninyo kay Zoey ang kwintas na ito. Ito ang tanda na ako ang ina niya at kapag nakita ito ng lolo at lola niya ay siguradong makikilala nila ang apo nila. Nagmamakaawa ako sa inyo, sana ay huwag ninyong papabayaan ang aking anak!" desperada nang sabi niya. "Makakaasa ka!" Naramdaman na rin ng dalawang unano na mabuting tao ang nasa harapan nila ngayon kaya naman nagtago na sila sa kariton kasama ang sanggol. Tinakpan pa nila ang sarili nila nang malaking panakip ng sasakyan para lang magmukhang walang tao sa loob ng kariton na iyon. Pagkatapos niyon ay umalis na si Mabel. Kinuha ang atensyon ng mga armadong lalaki para mailayo sa lokasyon ng sanggol at ng dalawang unano... IYON na ang huling pagkakataon na nakita ng mag- asawang unano si Mabel. Natagpuan na lamang ang bangkay nito na palutang-lutang sa isang ilog at kahit na patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mga nangyari ay hindi sila lumapit sa mga ito. "Ano'ng gagawin natin sa batang ito, Amor?" Habang nakatingin sa sanggol ay tanong ni Raul sa kanyang asawa. Nasa kagubatan sila dahil hindi sila pwedeng magpunta sa isla, baka makita sila ng mga pulis at magduda sa hawak nilang baby. "Hindi ko rin alam, Raul, naguguluhan ako,‖ sabi ng babae habang nakatitig sa sanggol na hawak nito. "Hindi natin alam kung bakit pinatay ang babaeng iyon pero paano kung masamang tao pala siya o baka connected sa sindikato? Paano kung madamay tayo nang dahil sa babaeng iyon? Hindi kaya dapat ay ibalik na lang natin sa mga kamag- anak ng babaeng iyon ang sanggol?" muling sabi ni Raul. Tiningnan ng masama ni Amor ang asawa. "Ipinagkatiwala sa atin ng babaeng iyon ang anak niya. Hindi natin pwedeng isuko sa mga pulis ang sanggol. Paano kung isa pa pala sa mga pulis o kasabwat ng mga pulis ang mga pumatay sa ina ng batang ito? Hindi malabo na baka pati ang walang kamalay-malay na sanggol ay madamay pa sa g**o nila! Isa pa, kahit sa mismong mga kamag-anak niya ay hindi tayo nakakasiguro kung safe nga siya. Hindi natin maaaring ibalik sa kanila ang baby!" sabi ni Amor. "Kung hindi natin ibabalik sa kanila e, ano ang gagawin natin sa sanggol? Sabihin mo nga sa akin, Amor?!" "Sa tingin ko, mas makabubuti kung pumunta na lang tayo sa Manila at ampunin na lang natin siya, Raul," suhestiyon niya. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Kung mga sarili nga lang natin ay hindi natin alam kung saan tayo kukuha ng makakain, pagkatapos ay mag-aampon pa tayo? Mahirap lang tayo, Amor!" apela agad ni Raul. "Ano ngayon kung mahirap lang tayo? Hindi ibig sabihin no‘n na hindi natin kayang magkaroon ng anak! Hindi mo ba nakikita, hindi kaya ito na ang sagot ng Diyos sa matagal na nating hinihiling na magkaroon ng anak? Sampung taon na tayong mag-asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nabibiyayaan ng supling. Sa tingin ko, para sa atin ang sanggol na ito. Siya ang ating magiging prinsesa!" Biglang nangarap si Amor. Hindi na siya makapaghintay na maging isang ina. "Sa tingin mo ba talaga ay walang maghahanap sa kanya?" "Kaya nga tayo pupunta ng Maynila, e. Siguro naman ay malayo ang posibilidad na matunton pa tayo roon ng mga totoong kamag-anak ng batang ito. Kailangan nating protektahan ang sanggol, Raul. Hindi siya maaaring mapunta sa kamay ng masasamang taong iyon!" pagpipilit pa rin ni Amor. Kahit na tutol sa idea na parang nanakawin pa nila ang isang sanggol na hindi nila kaano-ano ay natukso na rin si Raul sa ideya na magkakaroon na nga sila ng anak ni Amor. Parehas silang unano ni Amor kaya naman ang possibility na magkaanak sila ay maliit lang. Kadalasan kasi, nasa sinapupunan pa lang iyon ni Amor ay nalalaglag na ang bata. Iyon ang sinabi ng doctor na posibleng dahilan noon kung bakit nakadalawang pagbubuntis na si Amor noon pero palagi lamang iyong nalalaglag. Dahil na rin sa takot niya na baka may mangyaring masama sa katawan ng asawa ay hindi na rin siya nagtangka pa na buntisin ito ulit. Isa pa, totoo ang sinabi ni Amor, nag-aalala rin siya para sa bata na hindi na nila malalaman kung ano ang kahihinatnan kung ipagkakatiwala nila ito sa pulisya. Atleast, kung nasa kanila ang bata ay sigurado sila na aalagaan at mamahalin nila ito kahit pa na mahirap lang sila. "Tama ka. Sige, pumapayag na ako. Dalhin natin sa Manila si Zoe." Naging pinal na ang desisyon na iyon ni Raul. Kahit na mahirap lang sila ay palalakihin nila si Zoe sa abot ng kanilang makakaya… --- SAMANTALA… NAPABAGSAK si Donya Catarina sa kinatatayuan nito nang malaman ang malagim na nangyari sa anak niyang si Mabel. Na natagpuan na lamang itong duguan at palutang-lutang sa dagat. "Hindi totoo ang balita na 'yan! Mga sinungaling kayo! Buhay pa si Mabel! Buhay pa ang anak ko!" Halos sugurin ni Donya Catarina ang mga pulis na nagpunta sa kanila at nagbalitang patay na ang anak nila. Mabuti na lamang at napigilan niya ito. Masakit din para Don Vertugo ang sinapit ng anak pero mas pinili niyang magpakatatag para sa asawa niya. Parehas sila ng asawa nila na sising-sisi sa nangyari. Nagpakasal kasi ang unica hija nila sa driver nilang si Gido nang hindi nila nalalaman at dahil mahirap lang ang huli ay hindi nila ito natanggap. Naisip nila na pera lamang ng anak nila ang habol ng lalaki kaya naman tinakot nila ang anak na hindi pamamanahan kung pipiliin nito ang lalaki. Pero sa gulat nila, imbes na matakot na mawalan ng kayamanan ay nakipagtanan pa si Mabel kasama si Gido. Alam niya na kilala sila ng anak nila kaya naman alam din nito na hindi sila susuko hanggang hindi ito naihihiwalay kay Gido. Kaya mas pinili nito na iwan na lang sila at makipagtanan sa lalaki para pumunta sa malayong isla. "Nabalitaan namin na nagkaanak si Mabel at ang asawa niyang si Gido, ano'ng nangyari sa bata? Nasaan ang apo namin?" malungkot na tanong ni Don Vertugo sa mga pulis. Nagkatinginan ang dalawang pulis. "Wala pong nakakaalam kung nasaan ang sanggol. No'ng makita ang bangkay ni Mabel ay wala siyang kasamang bata at maging sa bahay kung saan pinatay din ang asawa niya ay wala ring bangkay ng sanggol," ang sabi ng pulis. "Buhay pa ang apo ko! Gawin ninyo ang lahat para makita siya! Wala akong pakialam kahit magkano pa ang perang ilabas ko basta makita lang ninyo siya!" histerikal pa rin na sabi ng Donya Catarina. Doon na nagsialisan ang mga pulis at nagyakap na lamang ang mag-asawa na namatayan ng anak... --- NAKAGAT ni Cindy ang labi niya nang marinig ang sinabi ni Donya Catarina. Nasa likod lamang siya ng mga ito at nagtatago sa isang sulok. Napakatonta talaga ng mga lalaking inutusan niya. Mahigpit niyang pinagbilin na patayin din ang batang hawak ng mga ito para wala nang maging tagapagmana ang mga Recaforte, pero ang mga lalaking iyon ay natakasan pa ng kung sinumang tao na marahil ay nagligtas sa sanggol. Hindi na raw makita ng mga ito ang sanggol pero nagawa namang patayin sina Mabel at Gido. Oo, siya ang nagpapatay kay Mabel at Gido. Galit na galit siya rito dahil simula't-sapul, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makuha ang pabor ng mga taong nag-ampon sa kanya pero rito pa rin pala ipapamana ang lahat ng kayamanan ng mga Recaforte at walang ititira sa kanya. Hindi siya tunay na anak nina Don Vertugo at Donya Catarina. Inampon lamang siya ng mga ito noong 4 years old pa lang siya. Noong una ay mahal na mahal siya ng dalawa pero simula nang magkaanak ang dalawa ay itinuring na himala iyon ng mag-asawa dahil buong akala ng lahat ay baog si Donya Catarina. Simula ng lumabas sa mundong ito si Mabel ay dito na nabuhos ang lahat ng pagmamahal ng mga itinrato niyang mga magulang at napunta na lamang siya sa isang tabi. Sa paglipas ng panahon ay pinakita niya sa mag-asawa na kahit hindi siya tunay na anak ay mas deserving siyang maging tagapagmana kung ikukumpara kay Mabel. Nag-aral siyang mabuti at nagkaroon ng pinakamataas na marka sa kolehiyo, nagsilbi siya sa kumpanya at malaki ang kinikita no'n nang dahil sa kanya. Samantalang si Mabel na walang ibang ginawa kundi ang magbulakbol, to the point na hindi ito nakapagtapos ng pag- aaral at sumama pa sa isang hamak na driver lang, malalaman niya na at the end of the day ay dito lamang pala ipapamana ang lahat at ang matitira sa kanya ay barya-barya lang? Oo, nalaman niya na nagpagawa na ng last will and testament si Don Vertugo. Gusto lang nitong makasiguro na kung mamamatay itong bigla sa kung anumang sakit o aksidente ay sigurado na ito na may magmamana na ng mga ari-arian nito. ibinigay nito ang halos lahat ng kayamanan ng mga Recaforte kay Mabel at sa kanya ay puro barya lang. Nalaman niya ang lahat ng iyon dahil napilitan ang fiance niyang abogado ng mga Recaforte na sabihin sa kanya. Alam niyang kahit ito ay ayaw na makapangasawa ng babaeng walang pera kaya naman sinabihan siya nito na gawan ng paraan ang manang makukuha niya. Galit na galit siya ng malaman iyon dahil buong buhay niya ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang mapatunayan lang ang sarili sa mga Recaforte, ang mapagsilbihan ang mga ito para sa mas ikayayaman pa nila, ang makuha ang pagmamahal ng mga magulang nila pero sa bandang huli, lahat ng iyon ay balewala lang pala dahil ang tingin ng mga ito sa kanya sa umpisa pa lang ay isang outsider na hindi parte ng pamilya. Kaya tama lang ang ginawa niya. Tama lang na pinatay niya si Mabel at ang hampaslupa nitong asawa. At ang anak ng mga ito ay sisiguraduhin niya na isusunod din niya sa impyerno!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD