bc

Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

book_age18+
446
FOLLOW
2.5K
READ
fated
second chance
twisted
enimies to lovers
rebirth/reborn
naive
passionate
seductive
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Blurb

"Magaling anak— magiging malaya na din ang lahat mula sa mga lobo na walang ginawa kung hindi alilain lahat ng bampira. Tayo na ang mamumuno sa buong kaharian ng Castelliona," ani ng ama ni Valkyrie matapos itaas ang hawak nitong kopita na naglalaman ng dugo ng tao. 

Matapos marinig iyon ni Valkyrie isang half blood vampire. May bahagi sa kaniya ang hindi natuwa— hindi pa din nawala sa isip niya ang reyna ng mga lobo na kinulong siya ng ilang libong taon sa palasyo. 

Umalis si Valkyrie sa bulwagan at tinungo ang pinakamataas na bahagi ng palasyo. Mula doon nakikita niya ang buong lugar ng castelliona na sinasabing pinagkait ng mga lobo sa mga bampira. 

Pumasok sa isip niya ang reyna na namatay mismo sa mga kamay niya. Napaluhod ang binata at tiningnan ang mga kamay niya. 

"Bakit hinayaan ng mahal na reyna na gawin ko iyon? Kaya niyang protektahan ang sarili niya sa akin— bakit hindi na lang niya ako pinatay?" ani ng binata hanggang sa namalayan niya na lang ang mainit na bagay na tumutulo galing sa mga mata niya. 

Tumulo iyon sa mga palad niya na puno ng dugo ng reyna. Binaon niya iyon mismo sa katawan ng reyna at walang awa na dinukot ang puso ng reyna ng mga lobo. 

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na mamatay ka sa mga kamay ko?"

"Bakit mo ako niyakap at tinanggal ang marka mo bago ka mawala? Bakit mo ako niligtas?" basag na sambit ng kalahating bampira habang patuloy ito sa pagluha at nakatingin sa mga kamay niya na binabalutan ng dugo ng reyna. 

"Sagutin mo ako. Bakit hindi mo ako pinatay?"

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV Pawisan na napabangon ang half blood vampire na si Valkyrie matapos ito managinip ng sobrang sama. Napatingin siya sa mga kamay at nakita na walang dugo doon. Napatigil siya at napahawak sa leeg matapos may maramdaman na pamilyar na bagay na nakapulupot sa leeg niya. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto— sobrang pamilyar iyon. Lumakas ang t***k ng puso ni Valkyrie at agad na bumaba sa kama kahit wala itong kahit anong saplot. Kung panaginip man iyon o hindi— wala siyang pakialam. May tao siyang gustong unang makita. Sinubukan niyang tumakbo patungo sa pintuan ngunit nahila siya ng kadena. Napadapa siya sa sahig na sakto naman pagbukas ng pintuan. Nag-angat ng tingin si Valkyrie matapos may makita siyang pares ng heels sa harapan niya. Pag-angat niya ng tingin— nakita niya ang reyna. Buhok na kasing puti ng niyebe— kulay ng mga mata na kasing itim at kinang ng kalangitan sa gabi. Sa kabila ng taglay na ganda ng reyna kinatatakutan ito ng mga bampira at lobo. Hindi mapapantayan ang lakas nito at galing sa pakikipaglaban. Nanatiling nakaangat ang tingin ni Valkyrie habang nakayuko ang reyna at sobrang baba ang tingin sa half vampire. "Nauntog ba kagabi ang ulo mo sa head board ng kama? O nasama mo na ang dignidad mo as a vampire sa huling atake mo kagabi sa akin?" malamig na sambit ng reyna. Umakyat lahat ng dugo sa mukha ni Valkyrie matapos makita ang posisyon niya na nakadapa sa carpet. Then dahil sa lamig na-realize niya na hubad siya at walang saplot. Hindi siya makatayo— napa-pokerface ang reyna at gamit ang daliri— inangat nito ang isang comforter na nasa kama at itinapon kay Valkyrie na agad nabalutan ng comforter. Pumulupot doon si Valkyrie at bumangon. Nilabas niya ang ulo mula sa comforter at inangat ang tingin sa reyna. "Gusto ko malaman kung anong year ngayon," bulong ni Valkyrie. Kumunot ang noo ng reyna sa tanong ni Valkyrie. — Nalaman ni Valkyrie na year 1243 iyon. Iniisip ni Valkyrie kung lahat ba talaga ng nangyari katulad 'nong bumalik ang ama niya ay panaginip. Sa isip ni Valkyrie masyado iyon detelyado para maging panaginip. Kailangan ni Valkyrie kumpirmahin iyon. Inisip niyang mabuti kung anong meron sa year 1243. Nakaupo si Valkyrie sa ibaba ng kama habang nakapatong ang baba sa tuhod at nakatingin kung saan. Habang nag-iisip nakita niya ang isang bag na nasa gilid ng closet. Madumi iyon at mukhang may laman. Pamilyar iyon kay Valkyrie kaya tumayo si Valkyrie at tinungo ang gilid ng closet. Kinuha niya ang lumang bag at binuksan. Napatigil si Valkyrie matapos makita na puno iyon ng ginto at mga alahas na pagmamay-ari ng reyna. "Iyong pang-34th times attempt ko na tumakas," bulong ni Valkyrie. Binitawan niya iyon at umupo sa carper habang nakaupo sa closet. Napasapo si Valkyrie sa noo. Ngayon naalala niya na kung bakit siya hubad kanina— iyon 'yong unang pagkakataon na ginalaw siya ng reyna matapos ito magalit sa kaniya 'nong pumunta siya sa gubat mag-isa. Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ni Valkyrie matapos maalala ang kumpletong detalye na nangyari kagabi. Sinampal-sampal ni Valkyrie ang sarili at dinikit ang noo sa pintuan ng closet. "Ayusin mo ang sarili mo Valkyrie. Kung tutuusin hindi iyon ang unang beses na may nangyari sa inyo 'nong past life niyo," bulong ni Valkyrie. Nasa ganoon na posisyon si Valkyrie 'nong bumukas muli ang pinto. Napalingon si Valkyrie— nakita niya ang isa sa mga paboritong lalaki ng reyna. Ngumiti ito ng matamis sa kaniya at para siyang bata na nilapitan. "VK, nabalitaan ko ang nangyari kagabi. Sinaktan ka ba ng reyna?" natatawa na sambit ng lalaki habang nakayuko. Hindi na nagulat si Valkyrie matapos marinig iyon. Iyon din ang eksaktong sinabi ni Floran— nakatira ito sa pang-limang chamber sa palasyo na malaki ang galit kay Valkyrie. "Huwag kang pahalata masyado na ikaw ang may kasalanan kung bakit nalaman ng reyna na tatakas ako," sagot ni Valkyrie bago umikot at hinarap si Floran. Inangat ni Valkyrie ang paningin. "Ang laki talaga ng galit niyo sa akin ni Hakken noh? Biruin niyo nag-effort pa kayong dalawa na buksan ang gate ng palasyo para lang sa akin at palabasin ako," ani ni Valkyrie. Ngumiti ng matamis si Floran. "So? Alam mo na lahat? Kasalanan ba namin na uto-uto ka?" tanong ni Floran. Ngumisi si Valkyrie. "Yeah at alam ko din na sobra ang inggit niyo sa akin na dalawa. Sino ba ang hindi maiinggit kung this past few days laging nasa chamber ko ang reyna at pinaiinit ang gabi ko?" pang-aasar ni Valkyrie na hindi naman totoo. Kahapon ang unang gabi nila ng reyna pero totoong laging nasa chamber niya ang reyma in random reason. Bumakas sa mukha ng binata ang selos at sinakal si Valkyrie. Noong past life niya naasar din si Valkyrie at binugbog niya si Floran matapos malaman na set up lang ang lahat. Naparusahan siya ng mga tagasunod ng reyna dahil doon. Walang karapatan si Valkyrie na saktan o gasgasan ang kahit saang bahagi ng parte ng katawan ng isa sa mga lalaki ng reyna. Hindi pa siya opisyal na lalaki ng reyna 'nong mga time na iyon kaya ilang daang hagupit ang natamo niya 'non. Naiyukom ni Valkyrie ang kamao at babanatan niys si Floran nang maalala niya ang kadena na nakakabit sa kaniya. Hinila niya ang kadena na nakakabit sa leeg niya. Nag-act si Valkyrie na nasasaktan kahit ang totoo ay balewala lang iyon sa kaniya. Elf si Floran at kumpara sa katulad niya mahina ang kapangyarihan at lakas nito. Lamang lang talaga ito sa kaalaman sa mga panggagamot. Bumukas ang pinto at nagulat ang lahat matapos makita ang ginagawa sa kaniya ni Floran. Nakita din iyon ng reyna ngunit hindi inaasahan ni Valkyrie ang susunod na ginawa ng reyna. Gamit ang kapangyarihan nito hinagis niya si Floran papunta sa kabilang bahagi ng kwarto. Napaubo si Valkyrie habang hawak ang leeg. Napatakbo ang mga tagasunod ni Floran sa direksyon ni Floran. Lumapit ang reyna kay Valkyrie na kinabigla ng ilan sa mga kawal na nasa labas. "Tama na ang arte Valkyrie. Hindi ka nasaktan doon," asik ng reyna. Nagbago ang expression ni Valkyrie at inosenteng inangat ang tingin. "Pero mahal na reyna. Masakit ang pagkakahawak niya— look," ani ni Valkyrie at tinuro ang leeg niya na may bakas ng kamay ni Floran. "May batas sa lahi niyo diba? May parusa sa mga taong magtatangka sa buhay ng isa sa mga lalaki ng reyna." Nag-cross arm ang reyna at kumunot ang noo sa sinabi ni Valkyrie. "Ayaw mo maging isa sa mga lalaki ko diba? Bakit bigla yatang nagbago ang isip mo?" nagdududa na sambit ng reyna. Ngumisi si Valkyrie. "Naisip ko lang na useless kung susubukan ko pa ulit tumakas at ipipilit ang gusto ko, mahal na reyna," sagot ni Valkyrie habang nakatingin sa mga mata ng reyna. "Nakuha mo na din ako kagabi— hindi ba isa na iyon sa sign na pagmamay-ari mo na ako?" banat ni Valkyrie na kinasinghap ng mga taong nasa loob ng kwarto. Sa isip ni Valkyrie iyon ang isa sa ginamit ng reyna para kontrolin si Valkyrie at magamit ito paulit-ulit. Sinabi ng reyna na sasabihin niya sa lahat ang nangyari at mapipilitan si Valkyrie na mapabilang sa harem ng reyna. Ayaw ni Valkyrie na mangyari iyon kaya kahit labag sa loob ay pumayag siya sa set up ng reyna. Ngayon naiisip iyon ni Valkyrie hindi niya maiwasan mapaisip kung bakit ginagawa ng reyna iyon sa kaniya. Kahit sinong lalaki sa labas at loob ng kaharian nila ay makukuha ng reyna. Bakit pinagpipilitan ng reyna ang sarili niya sa half blood na si Valkyrie.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
78.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
112.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook