Racelle POV "Baby girl," sabay pitik niya sa noo ko. "Ba't ka naman namimitik?" inis kong singhal sa kaniya. Hinilot ko ang aking noo, pataas baba. Ang bigat ng kamay niya e. "Your not paying attention to me." malamig ngunit nakanguso niyang sabi sa akin. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya, inalis ko ang ulo niya doon dahil hindi ko mapigilang matawa. "Ano ba kasi 'yon?" natatawa kong tanong sa kaniya. "Nanonood tayo at kinakausap kita habang commercial pa, pero wala sa akin ang atensyon mo." "Ano ba kasi 'yong sinasabi mo?" ulit ko nang ipukol ko sa kaniya ang aking tingin na kanina ay nasa center table lang. Napakamot siya sa batok niya saka umiling-iling. "Nakalimutan ko na. Ano bang bumabagabag sa isip mo? Kanina pa kita kinakausap." sabi

