Racelle POV "Baby boy." tawag ko sa kaniya ng ilang beses kahit nasa loob na kami ng jollibee. Hiyang hiya na nga ako dito e, para na akong timang na tinatawag pa rin siya kahit hindi niya ako pinapansin. "Kitian Bentley," tawag ko pangalan niya. Pinalo ko siya sa braso subalit wala lang sa kaniya. Pinagtitinginan na ako ng tao dito, maski ang apat na 'to may kaniya-kaniya ng buhay. Si Tristan nakikipag kuwentuhan kay Mike na sobra nilang ingay kaya bukod sa amin nakadagdag silang dalawa ng center of attention. Samantalang ang dalawa, ayon naka headset ang dalawa ngunit si William pindot ng pindot sa cellphone niya, si Justin naman tatawa na lang bigla. Isinandal niya ang ulo niya sa salamin. "Kitian," tawag kong muli sa kaniya at kinalabit ko pa siya sa braso. Hindi pa rin niya a

