Racelle POV Napahawak ako ng mahigpit sa buhok ko sabay inuntog-untog sa puno. "Ang tanga tanga mo Racelle, ikaw ang may kasalanan ng lahat. Edi sana buo pa ang pamilya niyo!" paninisi ko sa aking sarili. Sa tuwing umuulan, naririnig ko ang buhos ng ulan, mas lalong bumabalik sa akin ang nakaraan ko. Ewan, ang babaw ng dahilan pero ang lakas naman ng epekto sa akin. Hindi ako nagkukunwari, talagang masakit sa puso, masakit lalo na't kasalanan ko. Ito din ang epekto nang hindi iniinom ang antidepressant na nireseta sa'yo. Bakit ba? Hindi ako mahilig sa mga gamot, gamot na 'yan. Hindi ko sukat akalaing siya ang sasalo sa dapat sa akin. Ang masakit pa, hindi ko naman ginusto na siya ang mabangga pero grabe ang galit sa akin ni papa. Siya kasi ang pinakapaborito niya, kahit kambal kami, mara

