~•~
Racelle's POV
Hinila ako ni Kitian at niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin pero hinigpitan niya ito.
"Don't move." sabi niya buti na lang nakaalis na sina Tristan, Mike, Justin at William kung hindi, sigurado ako manga-asar na naman ang mga 'yun.
Pero 'di ko siya pinakinggan may don't move, don't move pa siyang nalalaman. Kaya inalis ko yung kamay niya at lumayo ng kaunti sa kaniya. Hinila niya ulit ako. Problema nitong lalaking ito? Hindi naman ako pinapansin tas hihila hila pa.
"What!" naiinis kong sabi. Halata namang naiinis na din siya tapos bakit niya kailangang yakapin pa ako? "Tsinasantsingan mo ba ako?" walang utal-utal kong tanong sa kaniya ng diretso. Napakunot ang maganda niyang noo at bigla bigla na lang ngumisi.
"Tsantsing! Me, will do that to you? Psh, assuming lang." at nginiwian pa niya ako. "And what are you doing to me?"
"You just had a red stain in your back." diretso niyang sabi pero namumula siya. Ang cute niyang tingnan, parang kinikilig siyang makita ako kahit hindi naman pala. Assuming na naman ako.
"Oy 'di nga? Sinungaling ka yata eh? Gusto mo lang tsumansing." sabi ko pa sa kaniya. Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin.
"Tsk, stupid. Do I look inventing? If you want to confirm it. Check your panty in front of me." namula namna ang pisngi ko. Ano daw? I-check ko panty ko sa harap niya-weyt!
Processing...
Aba! Ang bastos naman nito oh! Teka anong sabi niya check my panty? Ano't alam niya ang bagay na 'yon? Malamang lahat naman ang alam ang bagay na panty.
"Hindi ako maniac." tipid niyang sabi na tila nabasa niya ang nasa isip ko. Napayuko naman ako ng dahan-dahan. Naaalala ko meron pala ako. Baby blue skirts and white polo with blue laces, at napaupo pa ako kanin kaya panigurado natagusan talaga ako.
"Oy teka. Wala akong sinabing ganon ha! Defensive mo naman." sabi ko. Shet, chill ka lang Race. Masungit 'yang kausap mo at huwag mong bad trip-in.
"Your too obvious para basahin ang iniisip mo. The way you look at me parang sinasabi mo na isa akong maniac. And I'm not like that, I'm just telling what I had seen." sabi niya na nakatingin sa akin pero ako na ang nag-iwas ng tingin. Para akong natutunaw.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung tatakbo ba ako papunta sa banyo pero malayo o tatayo na lang ako dito. Namumula na ako sa kahihiyan. Pero hindi ko pinahalata sa kaniya na nahihiya ako. "O-okay." sabi ko sa kaniya na nauutal. Ano ba naman 'yan sabing huwag magpahalata. Aalis na sana ako ng tinawag niya ako.
"Racelle wait!" sigaw niya kaya napaharap ulit ako. Nakataas ang kilay ko na lumingon sa kaniya. "Here, take this." sabi niya sabay abot ng jacket niya. Wow concern siya, totoo ba yan o panaginip ko lang? Imagination sumagot ka.
"Totoo ka ba o multo lang?" hindi makapaniwalang sabi ko sabay turo ko sa kaniya at akmang hahawakan ko pa ang ilong niya ng lumayo ito sa akin.
Inalog ko ang ulo ko. Pero 'di umaalis ang taong nasa harapan ko na inaabot sa akin ang jacket. Totoo nga, hindi hallucination. Kailan pa siya natutong tulungan ako? Ano kaya ang nakain nito baka itlog na may magic sarap?
Anong nakain mo?
Magiclog.
Baka magic sarap nga. ^ • ^
"Nakakain ka ba ng pagkain na may magic sa-"
"Ano ba! Kukunin mo ba to para takpan ang red stain mo sa palda o huwag na lang?" Kukunin ko na sana yung jacket niya pero bigla na lang niyang inihagis sa mukha ko. Siguro nangalay na siya kaya ibinato na niya sa akin ang sama niya eh'no? Itinali ko ito sa may bandang waist.
"Thank you." sabi ko pero ang bastos umalis na hindi man lang nagwelcome, hindi man lang nag-antay. Sa bagay ano pa bang aasahan ko diyan minsan lang yan mabait sa'kin. Dumiretso na lang ako sa banyo para magpalit. Hay! Hindi na ako nakapasok sa two subjects ko. Ano ba namang araw ito ang malas.
Kontrabida talaga ang Yvonne na 'yon. Kung hindi niya ako binangga hindi ako matatagusan at hindi ako mapapahiya sa harap ng haring iyon.
Paglabas ko sa comfort room. Naglalakad na ako papuntang classroom. Buti na lang at break time kaya 'di nila ako mapapansin na ngayon lang ako pumasok.
Pagdating ko sa classroom ay agad akong sinalubong nina Jerome at Estella.
"Baklush, ba't 'di ka pumasok sa two subjects?" sabi ni Jerome. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dumiretso na lang ako sa natipuhan kong upuan. Pero alam kong nakasunod pa rin sila sa akin.
"Bakla ba't di you pumasok?" sabi naman ni Estella. "First day of class pa naman din." dugtong naman ni Jerome. Bagsak ang balikat kong umupo at bumuntong hininga.
"Nakatulog ako sa canteen kaya, di ako nakapasok." pagdadahilan ko. Pero nahalata namam nila na nagdadahilan lang ako. Hindi kasi ako marunong magdahilan e. Mapag-aralan nga para next time hindi na sila mag usisa pa.
"Bakla don't deny. Alam namin kung anong nangyari." sabi ni Jerome habang tinuturo niya ako at pailing-iling pa. Nagulat ako sa sinabi niya, paano niya nalaman? May source siya? Sino naman kaya?
"Oo nga bakla, magsabi ka ng totoo kung hindi wala lang siomai." Sabi ni Estella.
"Saka may sinabi si fafa Kitian kanina." sabi ni Jerome. Aish, landi to the level up! Pero ano 'yong sinabi niya? Imposible namang magsalita iyon dahil ayaw niyang kausapin ang sinuman, except sa apat na KINGS.
Big deal talaga sa'kin ang ginawa niya kanina. Lagi na lang niya akong iniirapan o sinusungitan tuwing magkasama kami ng mga KINGS niya eh, pero 'yong kanina. Aish, big deal talaga! Ginusto ba niya akong tulungan?
"Sinabi niya? Paanong nasabi niya sa inyo. Hindi rin kayo non pinapansin eh."
"Bakla ganito 'yong pagkakasabi niya. Saglit lang ide-demo ko." tumayo si Jerome sa harapan namin ni Estella.
Nag-blank expression ang mukha ni bakla at saka nakapamulsang nakatayo siya sa harapan namin. Tumaas pa ang isang kilay niya. Gusto kong matawa. Ganon pala siya magsalita sa kanila. Haha.
"Hoy dalawang engot. Yong kaibigan niyo, na-na-natagusan." pinilit pang gayahin ni Jerome ang boses ni Kitian. Paano kaya pag nandito ako? Ang cute niya. Inaamin ko may 20% akong gusto sa kaniya. Hindi naman kasi malabong magkakagusto ako sa kaniya kahit ganoon siya.
"Ganon 'yong pagkakasabi niya. Pati natagusan hindi niya mabanggit ng diretso. Nauutal siya bakla saka aalis na dapat siya 'non 'nong bigla na lang nagtanong si Estella."
"Nagtanong ako kaso sabi niya 'Aba malay ko!' tapos umalis na ang haring yelo." nakangusong sabi ni Estella.
"O ano ba talagang nangyari sa'yo? Kuwento mo na dali! Para may siomai ka." atat na atat na sabi ni Jerome at umupo siya sa tabi ko.
"Dali na! Para may siomai." excited na sabi ni Estella na parang bata. Sayang ang siomai kaya ikuwe-kuwento ko na nga. So ayun nag story telling na ako tungkol sa nangyari sa akin kanina.
"Oh my gosh! Ba't hindi mo kami tinawag ni Jerome para tuluyan ng makalbo yung babaeng 'yan." nangigigil na sabi ni Estella. May itinatago din palang ka-warfreak-an ang babaeng 'to.
"Oo nga, dapat tumawag ka kaagad para may back up ka. Isang tawag lang tatalsik na ang Yvonne na 'yun." ani Jerome na talagang gigil na gigil. Lagi na lang kasi akong inaaway ni Yvonne sa hindi malamang dahilan. Pero ang alam ko kaya pinagiinitan niya ako ng ulo dahil lagi akong kasama ng mga Heartthrob Kings. Ang babaw naman ng dahilan niya para ganun na lamang siya magalit sa akin at saktan pa.
"Yvonne na may maitim na pakpak. Ay wala pa lang pakpak." natawa naman ako sa sinabi ni Estella.
"Kayo talaga. Hayaan niyo na siya, wala lang magawa 'yon sa buhay niya kaya lagi niya akong ginugulo." sabi ko. Umirap si Jerome at nagkibit balikat sa akin. "Ipinagtatanggol mo na naman ang Yvonne na 'yan sa amin." sabi ni Estella.
"Mga best, hindi naman sa ganon. Ayaw ko lang siyang patulan dahil hindi pa niya naubos pasensiya ko. Hayaan niyo kapag naubos na niya, saka niya matitikman ang kasamaan." sabi ko naman at ngumisi sa kanila. Pero joke lang 'yon. Hindi naman ako ganon kasamang tao para gantihan agad siya. Saka ko lang ipagtatanggol ang sarili ko kung masakit na talaga sa pagkatao ko.
Kahit ganon naman si Yvonne alam kong may pinagdadaanan ang isang 'yon kaya siya bully Queen. She used to call her b***h princess dahil sa madami na siyang binu-bully at kinakaaway dito.
"Tandaan mo kasi 'yong sinabi namin sa'yo na, huwag kang magpapaapi. Ayaw lang naman naming maranasan mo ulit 'yong mga pambu-bully nila sa'yo dati. Hindi ka sana third year kung hindi ka tumigil sa pag-aaral mo." paguungkat ni Jerome sa nakaraan ko.
"Eh bakit kayo? Dapat pare-parehas din tayong fourth year na rin ngayon." sabi ko. Naulit sila ng pag-aaral dahil sa may inaway silang student na laging nambubully sa kanila. Pinalayas sila sa dati dito at isang taon na walang tumanggap sa kanilang schools. Paano ba naman, anak ng mayor ang nakaalitan nila.
"Eh 'di parehas lang tayong tatlo. Hindi naman namin kasalanan na ma-reapeater ulit kami eh. Kasi 'yong babaeng bwisita na 'yon ang may pakana. Pasalamat na lang siya at may nakakakita sa mga pinaggagawa niya kaya ayon. Wala na siya dito. Buti naman sa kaniya." umuusok na ilong na sabi ni Estella. At ayon nga, nabigyan sila ng HUSTISYA at tinanggap silang muli dito.
"Hindi naman masamang ipagtanggol mo ang sarili mo sa mga nang aapi sa'yo bakla. Kung hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo mas lalo ka nilang aapihin dahil hindi ka lumalaban." sabi ni Jerome at saka niya ako niyakap ng napakahigpit. Sweet na bakla pero pasakit.
"O siya tama na ang ka-emotan. Amoy malansa ka best." malakas na sabi ni Estella at napatakip pa ito ng ilong niya. Ang sama naman niya oh.
"Best, huwag mo namang ipangalandakan na amoy sardinas ako. Kung naamoy mo, huwag mo ng isigaw. Nakakahiya eh." sabi ko at sinamaan ng tingin si Estella.
"Aba pasensiya na best!" paghingi niyang paunmahin sa akin. Maya-maya dumating na si ma'am Escosio kaya nagsibalikan na lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang upuan, nagsibalikan na rin kami sa upuan namin. English time na!
Nanlaki din ang mata ko 'nong pumasok ang kima sa classroom namin. Kaklase ko sila ulit? Kumaway naman sa akin si Justin, William, Mike at Tristan samantalang si Kitian ay tinignan lang niya ako at napatingin sa jacket na nakabalabal sa bewang ko. Umupo sila sa kabilang row at nasa pinakadulo silang lima.
Nakinig akong mabuti sa discussions kasi may activity daw kaming gagawin mamaya. Kailangan daw kasi naming gumawa ng isang report.
Pagkatapos ng discussions dinectate na ni ma'am kung ano ang gagawin. Pagkatapos 'nun pinagpartner partner na niya kami.
"Estella Dizi and Jerome Solis"
"William Reid and Janine Dominguez" oh partner niya yung current gf niya ah. Napailing na lang ako ng narinig ko yun. Sabihin konkya sa girlfriend niyang nasa ibang bansa? Nakasimangot naman na lumingon sa gawi ko si Estella.
"Mike Zarate and Daniella Santos" partners din sila ng girlfriend niya ngayon. Tapos mamaya hindi na si Daniella ang kasama niya.
"Justin Diaz and Tristan Padilla" at nagbanggit pa siya ng mga magkapartners. Hinihintay ko 'yong pangalan ko. Sino kaya ang magiging partner ko? Sana naman 'yong kasundo ko at 'yong parehas kaming gumagawa.
"And the last pair ... is, Kitian Bentley and Racelle Cruz."
What! Ako partner ni sungit? 'Di nga? Ano ba 'yan. Ayaw ko 'yang maging partner dahil wala ni isa sa amin ang magsasalita at hindi naman kami close 'no. Itinaas ko naman ang kamay ko para magrequest na palitan na lang ang partner ko kaso hindi ako pinansin. Pinapunta na kami sa mga partner namin para gumawa na kami ng article about LOVE at ire-report namin ito bukas.
Paano yan wala akong alam sa LOVE? E, kahit ni isa niyan wala ako hindi ko nga naramdaman sa papa ko 'yang love na 'yan eh. Hayy, wag ko ngang isipin yan. Maglabas na lang ako ng papel at ballpen para makapagsulat naman kahit kunti lang.
Bago ako magsimula, inilibot ko na muna ang paningin ko sa buong klase. Lahat ng magkakapartner ay nag-uusap, pero kami? wala pa kaming napag-uusapan, paano ko ba siya kakausapin?
"Ehem!" tumikhim ako para maagaw ko ang atensiyon niya pero hindi niya ako pinansin. Masakit ang hindi mapansin.
"Ehem!" tumikhim ako ng ikalawang beses para maagaw muli ang atensiyon niya kaso wala pa ring nangyari. Ano ba kasing meron diyan sa cellphone niya? At kanina pa siya pindot ng pindot.
"Kitian, puwedeng itigil mo na muna ang pagce-cellphone?"
Hindi pa rin siya tumitigil kaya hinablot ko yung cellphone niya saka ko sinigawan. "Hoy! Anong gagawin natin?" hindi na ako nakapagtimpi. Pindot kasi ng pindot. Parang wala siyang naririnig.
Ang sama ng tingin niya. Hala! Anong ginawa mo Racelle, ginalit mo si sungit. Hala ka diyan. Yelo! Kailangan ko bumili ng yelo at ibuhos sa kaniya sakaling mahimasmasan siya. Tatayo na ako...
"What the hell!" galit niyang sabi kaya napaayos ako ng upo dahil sa sobrang galit at gulat.
"Uhmm... Sorry," sabi ko sabay peace sign. Napalingon ako sa mga classmates namin na kaninang maingay ngayon ay tumahimik. All of their attention are on us, even Ma'am Escosio.
"Give it back to me!" galit niya pa rin niyang sabi. Ano ibabalik ko para maglaro lang at magpindot pindot ulit at ako ang mag-isang gagawa? No way.
"No, I won't." pagmamatigas ko saka ako tumayo at tinaas ang cellphone niya.
"Give it to me!" sigaw niya. Bleh! Ayoko nga tulungan mo muna ako sa article natin saka ko ibibigay sayo.
Itinaas ko ang cellphone niya saka umiling at binelatan pa na parang bata. Lakas ko ngayon mang-insulto, kaya maasar ka na lang diyan sa tabi.
Hanggang sa tumayo siya at hinablot niya yung cellphone niya sa akin. Nakalimutan ko matangkad pala siya kesa sa'kin, kaya agad niyang nahablot pero hindi ko pa rin pinakawalan. Nakipag-agawan ako sa kaniya, sa sobrang lakas ng pagkakahablot niya ng cellphone niya sa akin ay pati ako napasama. Hindi ko sinasadyang pumaibabaw ako sa kaniya at higit sa lahat hindi ko sinasadyang. . .