Racelle's POV
*SUNDAY*
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Matapos kong maligo, nagbihis at saka bumaba na ako. Naabutan ko naman si papa na nasa sala at nanonood ng TV, si mama lamang nasa kusina.
"Good morning!" masigla kong bati kay papa na bahgayang ikinagulat pa niya, tinawanan ko na lang siya at pumunta sa kusina. Lumapit ako sa mesa at tinignan ang mga nakahandang pagkain. "Pancit Canton, itlog, hotdog tapos... kanin."
"Naghahanap ka pa ba ng iba Racelle?" tanong sa akin ni mama. "Ah, hindi po. Pero sana next time umangat din ahaha!"
"Tawagin mo na lang papa mo sa sala para makakain na tayo't makapagsimba na." sabi ni mama. Lumabas naman ako sa kusina at pasigaw na tinawag si papa, "Papa, kain na tayooooo!"
"Hyper ka ngayon." dinig kong sabi ni papa bago ako umupo sa dining table. Nauna na akong nagsandok ng pagkain ko. Habang kumakain kami, nagkuwetuhan lang kami tungkol sa magandang lugar na balak nilang puntahan nina mama.
"What do you think?" tanong ni papa kay mama, samantalang ako nakabusangot lang. Paano ba naman, sila lang ang lalabas tapos ako, hindi nila isasama. It's so unfair! "Mukhang maganda nga doon, pero mas maganda kung family outing." suhestyon ni mama.
"Hindi ba puwedeng tayong dalawa lang hon.? Gusto kita kasing masolo sa magandang lugar na iyon." napangiwi na lang ako habang kumakain. Cheesy ni papa, kulang na lang maging taong keso na siya. "Err, tapos na po akong kumain. Hintayin ko na lang po kayo sa sala." agad akong tumayo at nagtungo sa sala. Inilipat ko sa ibang channel at saktong may nagustuhan akong palabas.
Dora ang palabas, wala lang na-miss ko lang si Dora kaya siya muna papanoorin ko sa ngayon. "Tsitsiritsit si Dora, umihi si Dora, nakita ni boots~" kanta ko sa kawalan sabay tawa ko na parang tanga.
Nagvibrate sabay ring ng phone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag ng kagandahan niya.
"Morning!" bungad ko.
"I'm the map, I'm the map, I'm the map!" kanta 'nong nasa TV.
("Morning bata. Ang tanda tanda mo na Dora pa rin pinapanood mo? Ba't hindi na lang documentary ang panoorin mo o 'di naman kaya'y mga blockbuster movies na ipinapalabas nila sa ibang channel.") sabi niya sa akin aba! Ang hilig kumontra ng baklang 'to eh, hindi naman siya ang nanonood. Umirap na lang ako sa kawalan.
"Pakabitan mo kami ng cable para masaya ako. Wala na nga akong mapanood eh, saka na-miss ko lang si Dora."
("Hay nako! Marami kayong pera at hanggang ngayon nagtitipid ka pa din Racelle? Request mo sa papa mo na magpakabit kayo, wala akong budget ngayon sa request mo saka hanggang pagkain lang ang keri ko sa'yo. By the way, classmates tayo.")
"Talaga? Classmates tayo? Si Estella? Yong mga Heartthrob Kings, classmates din ba natin ulit sila?" excited kong tanong sa kabilang linya. Sana mag-classmate kaming lahat ulit except kay Kitian at Yvonne. Ayaw ko maging classmates ang dalawang 'yon!
("Tignan mo na lang bukas basta sa room 54, third year section three. Ituloy mo na 'yong pinapanood mo baka ikaw pala hinahanap ni Dora. Char! Babuush na bakla!")
May sasabihin pa sana ako sa kaniya ng pinatayan na niya ako ng linya. Walang hiyang baklita 'yon. Sakto namang lumabas na si mama at papa mula sa kusina. "Halika na,"
Sabay sabay kaming lumabas at sumakay sa kotse. Mabilis kaming nakarating sa simbahan. Pagpasok namin, hindi pa puno ang simbahan at kakaumpisa pa lang pala ng misa kaya naupo kami sa bandang gitna. Isang oras ang nakalipas at sa wakas tapos na ang misa!
Nagtungo kami sa isang restaurant na katabi lang ng simbahan. Kumain, namasyal, at umuwi na ng bahay pagkatapos naming mamasyal sa plaza, mall, at sa sightseeing tour sa taas ng bundok.
Pagpasok namin sa bahay, nandoon si Estella at Jerome na nakaabang sa loob ng bahay. "Hi tita, Tito! Pumasok na kami kasi ang init init po sa labas." nakangiting sabi ni Estella. Umiling na lang ako, wala talaga silang hiya!
"Ahh... Sige, maiwan na lang namin kayo dyan." sabi ni papa at dumiretso sila ni mama sa kuwarto nila. Gagawa pa yata sila ng kababalaghan. Err, ano 'yong naisip ko. Hindi naman nila gagawin siguro 'yon.
"Labas tayo?" aya nila. Pabagsak akong umupo sa sofa dahil sa sobrang pagod ako ngayong umaga. "Eh? Pagod ako eh."
"Tsk, paano kung sabihin naming ililibre ka namin ng pagkain pag sakaling nagutom tayo sa pinuntahan natin." alok ni Jerome. Nagningning naman ang mata ko kahit pagod na pagod na ako. "Ta-talaga?" nagtawanan ang dalawa.
"Hahaha! Basta talaga libreng pagkain, hindi ka aayaw 'no? Haha!" natatawang sabi ni Estella. Umirap na lang ako sa kanilang dalawa. "Heh! Na-realize kong hindi pa pala ako pagod, kaya sasama ako." paiwas kong sinalubong ang tingin at ngisi nila.
"Haha! Whatever miss addict sa libre. Halika na at baka itapon pa 'yong mga pagkain na nakahanda sa bahay nila William." ngiting abot langit ang rumehistro sa mukha ni Estella at hinila niya ako patayo. Sumakay kami sa dalang kotse ni Jerome.
Napanganga ako nang makarating kami sa bahay nila William. Ang ganda ganda naman ng bahay nila, nasa labas pa lang kami pero may garden na at may kasambahay silang nagdidilig sa ganitong oras? Kinikilig na lumabas at kumapit sa braso ko si Estella.
"Dream come true." biro ko sa kaniya. Matagal na kasi niyang pangarap na makapunta sa bahay ni William, at ngayon nandito na kami. Si William pala ang nag-aya na pumunta kami sa bahay nila, tumawag siya kay Jerome dahil hindi niya alam ang phone number ko. Sa katunayan nga ay kami lang dapat dalawa ang pumunta ni Jerome sa bahay nila William. Because we're very very kind, isinama na lang ni Jerome si Estella para masulyapan niya ang taong gustong gusto niya.
"Ehhh! Haha! Dream come true talaga! Tara pasok na tayo!" tuwang-tuwa niyang sabi at agad na lumapit sa door bell at pinindot ito ng dalawang beses na magkakasunod. "Oy, huwag sunod-sunod ang magdo-door bell." suway ni Jerome ngunit tila walang narinig si Estella, sinundan pa niya ito ng pagdo-door bell at ilang sandali lang ay may lumabas na isang lalaki, na gulo-gulo ang buhok niya at parang inis na inis ang aura niya na palapit sa amin.
Naka red t-shirt ito at pinagbuksan niya kami ng pintuan, doon ko napagtantong kilala ko pala ito. "Sino 'yong door bell ng door bell? Parang sira naman ang isang 'yon!" inis na inis na salubong sa amin ni Justin.
"Ako! Bakit?" matapang na sabi ni Estella at pinandilatan niya ito ng mata. "Tss, para kang tanga. Alam mo namang may taong lalabas at ilang ulit mo pa pinagpipindot ang door bell, hindi kami bingi. Porket nandito ka lang sa bahay ni William, nagpapapansin ka na naman sa kaniya." pabalang na sabi ni Justin sa kaniya at tinalikuran ito, naglakad na siya papasok sa bahay nila William. Naiwan namang masama ang tingin ni Estella kay Justin kahit nakapasok na ito.
"Epal na naman 'yon!" sigaw niya. Pumasok na din kaming dalawa ni Jerome at agad na sumunod si Estella na panay ang singhal niya kay Justin. "Bwiset talaga siya kahit kailan! Hindi ko siya pinapansin pero siya nga itong laging papansin sa akin! Kapal ng mukha!"
"Oh ba't parang galit na galit ang isang kasama niyo?" bungad ni William na nagkasalubungan kami sa sala nila. Si Justin naman ay nakahiga sa mayabang sofa at may nakapatong na mangkok sa tiyan niya habang nanonood ng the avengers.
"Eh kasi 'yang sumalubong sa amin masyadong epal!" singhal ni Estella at itinuro pa si Justin na buti na lang hindi niya na pinansin ang sinabi ng kaibigan ko. "Jusme! Umayos ka nga bakla, nakaka-kalerkee ka." pailing-iling na sabi ni Jerome at umupo din siya sa single sofa at nakinuod.
"Ba't yan ang palabas? Palitan mo fafa, hindi ko bet yan." pangiistorbo niya kay Justin. "Tsk, ayaw ko nga! Ako ang nanonood dito!"
"Sige naman na fafa, hindi ko bet yang ganyang palabas. I want some kilig moments." maarteng sabi niya. Napabangon si Justin at ibinigay ang remote kay bakla. "Yehey! Mabait ka din pala fafa Justin kooooo." patili niyang sabi.
"Tsk, huwag kang tumili. Nakakarindi!"
"Masyadong epal!" sigaw ni Estella habang nakatagilid siya. "Ah? Haha! Yaan mo na 'yan Estella. Kain na lang tayo." nakangiting sabi ni William at inilahad ang isang balot ng Piatos sa kaniya. Nahihiya namang kinuha ni Estella at ngumiti ito ng matamis. Tumawa naman ako ng mahina sa inaasal niya. Pagdating talaga kay William, haha.
"Bakit mo pala kami pinapapunta dito? Anong meron? Party?" tanong ko.
"Wala naman. Tumawag sa akin si Jerome at sabi niya gusto mo daw makapunta sa bahay, kaya pumayag na ako." sagot niya. Napakunot naman ang noo ko, sabi niya si William daw ang tumawag. Na-hokage ako doon ah. "Sinungaling."
"Hindi ako sinungaling Race, tinawagan talaga nila ako." sabi niya at nakita ko naman kung paano ngumisi si Estella sa tabi niya at nakakainsulto pa itong kumindat sa akin. "Wala akong sinasabing ganon." sabi ko naman.
"Sinabi mo kayang sinungaling ako, pero yaan na. Tara maupo na lang tayo doon. Nag-eenjoy na ang dalawa sa panonood." lumapit kami sa TV at nag Indian sit na lang kaming tatlo sa sahig.
"Anong palabas yan bakla?" tanong ko kay Jerome na kasalukuyang nakatutok ang atensyon niya sa pinapanood at naka cross legs pa. Bakla nga talaga, wala ng pag-asa. "Ewan ko."
"Nanonood ka hindi mo al-"
"Romeo and Juliet." bored na sabi ni Justin sa likuran ko. Napatango na lang ako. "Anong ginagawa dito ni Justin?" tanong ni Estella. Nasa gitna namin si William, ako 'yong nasa kanan niya at sa kaliwa naman si babaeng in love.
"Nanonood." sagot ni Justin.
"Huwag ka ngang epal!"
"Kalma." suway ko.
"Dito siya matutulog ng isang linggo. Nabo-bore daw siya sa bahay nila kaya makiki-sleep over siya." sagot ni William. So ganito pala sila? Libre matulog sa bahay ng kanilang kapwa hari. Buti na lang at hindi sila sinisita ng mga parents nila.
"Buti hindi nagagalit mama at papa mo sakaling nakikituloy siya dito ng ilang araw at buti na lang din hindi umaayaw ang parents niya sa pagpapatuloy sa kaniya dito." sabi ko.
"Walang pakialam sa amin ang mga parents namin. Si mama at papa, gabi na sila halos dumadating and his parents ay parehong nasa iisang bansa." hindi na lang ulit ako nagtanong dahil labas na ako doon. Tahimik lang naming pinatapos ang palabas at saka nagkuwetuhan na naman kami ng kung ano-ano. Nagpatawa si William na medyo nakakatawa naman at pag hindi nakakatawa, sinasabuyan ni Justin ng tubig si William at si Estella naman ay napapansin ko ang pagtalim ng kaniyang tingin kay Justin sa tuwing ginagawa niya iyon. Tapos pupunasan ni Estella si William.
Panay ang tinginan namin sa isa't isa ni Jerome saka titili na lang kami bigla. Natatawa kasi kami kay Estella. Ang mukha niyang inis na inis pag si Justin ay nakikisawsaw at ngiting abot langit naman ang ipinapakita niya kay William.
Matapos ang ilang oras naming nag-aasaran sa bahay nila William ay nakauwi na din kami. Exact 7 PM ako nakarating sa bahay. Hinihintay lang pala ako nina mama na dumating bago kumain. Pagkatapos naming kumain, pinagpahinga na nila ako dahil pasukan na naman bukas.
"Hell days is coming again." bulong ko at tuluyan na akong nakatulog.
*MONDAY*
Hay nako may pasok na naman. Minsan nakakapagod na din pumasok sa school.
Yung bang papasok ka tapos makikita mo pa ang inspiration mo na may kasamang iba o di naman kaya'y...
Puro masasamang tingin na naman ang makikita ko. Dahil sigurado ako lalapitan na naman ako nina William, Justin, Tristan at Mike ang mga heartthrob kings, at siyempre ang leader nilang si Kitian na ubod ng sungit sa akin. Ewan ko ba don.
Hindi ko naman siya inaano. Sa tuwing kasama ko mga kaibigan niya at sa tuwing nakikita niya ako ay para siyang napagsakluban ng langit at lupa.
Lagi na lang siyang, galit o naiinis sa'kin. Wala naman akong records na naging kasalanan ko sa kaniya. Parang lagi na lang ang init ng ulo. Mukha ngang hindi siya yelo eh.
Hot dapat siya.
Lagi na lang kasi akong nasa hot seat sa tuwing nagkakalapit kami.
"Ang guwapo!"
"Mike! Pansinin mo naman ako!"
"William, the joker!"
"Tristan, I love you!"
"Justin, smile for us!"
"Ang mga HEARTTHROB KINGS!"
Ganiyan palagi ang eksena sa loob ng Campus. Mukha silang abnoy na nakakakita ng aliens. Ayoko ngang maging kaibigan ang mga 'yan dahil sa oras na napalapit sila sa akin ako ang susugurin ng mga abnoy fans nila. Ang lupet ng life eh 'no?
Kung sino pa 'yong ayaw maging center of attention siya pa 'yong laging nalalapitan ng mga famous. Bagay lang sa pinapasukan kong paaralan. FAMOUS ACADEMY. Paaralang may limang naguwa-guwapuhan na lalaki.
"Hey Racelle." masayang bati sa akin ni Tristan sabay apir. Ganon din ang ginawa nila William, Mike at Justin.
Ang laki ng pagbabagong natamo ko simula nang nakilala ko sila. Ilang beses ko man sila itaboy dahil sa may issue na ako about sa friends ay hindi pa rin sila sumuko.
Hindi nila ako iniwan. Kahit anong ginawa ko nang pagtataboy sa kanila. Akala ko nga dati ay trip lang nila para may maging bully sila o pag diskitahan para pampalipas ng boredom, nagkamali ako. They are all kind and gentleman but they have individual flaws.
"Hey, san punta natin?" tanong ko. Late na kaya kami 7:40 na at siguradong naguumpisa na ang lahat klase at ang apat na 'to? Nagro-ronda na naman?
"Escape." sabi ni William. Tsk, itong lalaking ito puro escape ang alam. Minsan nga ipinagtataka ko kung bakit SlowMo? Minsan mabagal mag process sa utak niya ang mga sinabi namin, pero hindi naman siya ganon masyadong ka SLOW. Binansagan lang siyang ganon dahil mabagal siya, mabagal kumilos pero he's a joker, our mood maker. Pero matalino 'yan kahit minsan slow.
"Bawal yan, 'di ba may promise ka sa akin?" Sabi ko sa kaniya sabay batok ng malakas sa ulo niya. May promise siya sa akin na hindi na siya mag-e-escape. Kasi sa oras na nag escape siya, ibubunyag ko ang sekreto niya na two timer siya. Aba't hindi puwedeng mag two timer ang mga lalaki. Porket ba, malayo puwede ka ng maghanap ng bago mo?
Long distance ang tema ni William the SLOWMO KING. > • ^^///<
"Sinong mas makapal ang face. 'Di ba ikaw? Tignan mo nga yang face mo parang lampaso na punong-puno ng floor wax!" naiinis kong sabi ng nabawi ko na ang buhok ko mula sa kaniya.
Hindi siya nakasagot pero ang ginawa niya. Wow, ang sakit ha. Makakalbo na ata ako nito pero sana 'wag muna. Mas mauuna siyang makakalbo bago ako.
Kaya sinabunutan ko na rin siya pero agad siyang napatigil ng nakita namin na palapit sina Kitian o mas kilalang HEARTTHROB KINGS.
Siga silang maglakad. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Yvonne. Nge, anyare san nagpunta yun? Natakot yata kay Kitian kaya tumakbo na. Tch, ayaw magpahuli na masama siya sa crush niya. Si Yvonne nga naman oh.
Ang labas tuloy ng scene na 'to ay sinabunutan ko ang sarili ko. Nawala bigla 'yong kaaway ko eh. Nag teleport.
"Anyare sa'yo Racelle? Mukha kang witch." tumatawang sabi ni Justin, habang ang iba naman ay nagpipigil ng tawa. Hindi ko na sila pinansin pagtawanan daw ba ako?
"May nanabunot lang sa akin dito." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Ayan na naman siya. Ang sama-sama ng tingin niya sa akin.
"Sino?" curious na tanong ni Mike at lumapit sa akin.
"Si- ah wala." sabi ko na lang. Baka sugurin nila si Yvonne at baka mamaya tambangan ako 'non pag nagkita kami mamaya sa labas ng Campus.
"Weh 'yong totoo? Aayusin nga namin 'yang buhok mo." sabi ni William at saka lumapit din siya at inayos nilang dalawa ni Mike ang gusot gusot na buhok ko.
"Ayan, naayos na. Hindi na buhok mangkukulam. Haha." mapang-asar na sabi ni Mike.
Tch, ang bad nila. Mapang-asar talaga sila kahit kailan. Naglakad na lang ako pero may biglang humila sa akin.