"Racelle, bakit?" isang malungkot na nagtatanong na mga mata ang bumungad sa'kin. Umiiyak na siya na punong-puno ng pagkamuhi ang tingin na ibinibigay niya sa'kin.
"Racelle, bakit mo hinayaan?!" sabi na naman niya. Sinisisi niya ako sa pagkawala niya at sa pagkawala ng papa namin. Kasalanan ko naman talaga at dapat ako 'yong nasa posisyon niya ngayon at sana buhay pa silang dalawa ni papa.
"Mamatay tao ka!" sigaw niya at palapit siya sa'kin na aambang sasakalin niya ako kaso tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napatid ako. Nandiyan na siya sa tapat ko. Naiiyak na ako, sa kasalanan ko ay papatayin na niya ako.
"Patawad, ate." naisambit ko, pero hindi niya 'yon narinig.
Dahan-dahan siyang lumuhod para pumantay siya sa'kin at unti-unti niyang inilagay ang kamay niya sa leeg ko at mas lalo niyang hinihigpitan. Hindi na ako makahinga.
"Kasalanan mo ang lahat!" paninisi niya. Hinigpitan niya lalo hanggang sa hindi na nga ako makahinga.
Napabangon agad ako sa isang malakas na ingay. Habol habol ko pa ang hininga ko. Pinatay ko 'yong alarm clock na nasa bed side table at napapunas na lang ako ng pawis na ang lamig-lamig.
"Panaginip na naman pala." sabi ko. Binabangungot na naman ako. Ngayon ko na naman siya napanaginipan, sa kakaisip ko siguro kagabi kung ano nga ba ang kasalanan ko kay Kitian at bakit siya ganon sa'kin ay na-stress na naman ako.
"Oo na, ako na ang may kasalanan sa lahat! Ako na ang salot, ako na ang malas sa pamilyang 'to." sabi ko sa sarili ko at inuntog ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Kung maibabalik ko lang, iwawasto ko ang lahat at ipapalit ko ang posisyon ko sa kambal ko.
"Race, anak. Mag-almusal na tayo." katok ni papa sa kuwarto ko. "Opo, pababa na po ako." sagot ko.
Bumangon naman na ako at ginawa na ang daily routine ko sa buhay. Inayos ang higaan at dumiretso saglit sa banyo para maligo.
Nagshampoo at nagsabon. Ano naman ang silbi ng pagligo mo kung hindi ka magsasabon at magsha-shampoo 'di ba? Kung hindi ka magsasabon, aba! Huwag ka ng maligo.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na din ako. Alangan namang rarampa ako sa baba na nakahubad?
Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina kahit nasa sala ang parents ko. Aba! Tinawag-tawag ako tapos hindi sila kakain? Tumungo ako sa kusina at tinignan 'yong mga nakahanda sa dining table.
"Ma, Pa! Nag-almusal na ba kayo?" pasigaw kong tanong. Maririnig nila 'yan, walang sound 'yong TV eh. Naka-mute eh, manonood ng TV walang sound? Anong trip na naman ng magulang ko?
"Hindi pa anak, hinihintay ka lang namin." sagot ni mama. Napatango na lang ako at naghila ng upuan. "Kain na tayo." aya ko at nagsiupuan naman na sila.
"Ay! Teka." biglang sabi ni papa. Napatingin naman kaming dalawa ni mama. "Oh, bakit hon.?" tanong ni mama. Sayang, at wala na si papa at kambal ko. Nakakalungkot naman.
"Yong TV hindi pa natin na-switch off." sabi niya. "TV lang naman pala papa eh, hindi naman tayo magtatagal dito sa kusina. Hayaan niyo na, wala namang sound." natatawa kong sagot. Napakamot na lang sa ulo si papa at bumalik sa pagkakaupo.
Nagkuwetuhan lang kami at tinatanong lang nila ako kung okay ba ang mga tao sa Famous Academy, para ilipat nila ulit ako sakaling may issues na naman ako doon. Sinabi ko namang ayos na ayos ako doon sa academy. As of now, wala naman na. Mukhang ang FAMOUS ACADEMY yata ang destined school para sa akin. Natapos kaming kumain at umalis ako ng bahay para pumunta sa mall.
Pagdating ko sa mall, gaya ng inaasahan ko madami na namang tao. Bilihan na naman kasi ng school supplies at oo nga pala, starting na naman ang classes sa susunod na araw. Aba't ang bilis naman ng araw. Wengya, hindi pa ako ready sa third year high school. Kumuha ako ng basket at nagsimulang ikutin ang buong school supplies na naka display dito.
Nakalahating oras na ako't papers lang at ballpen na red, black sign pens ang laman ng basket. Wala pa akong napipiling notebooks dahil puros barbie naman ang nakikita ko. At the age of 17, wala akong balak kumuha ng notebook na Barbie.
Sa wakas may napili na din akong notebooks, hindi siya strings pero okay na rin atleast may napili ako. Pumila agad ako sa counter area. Grabe ang haba ng pila! I waited for almost 30 minutes dahil sa usad pagong ang linyahan. Matapos kong mabayaran ang binili ko, dumiretso ako foot wears. Pagpasok ko nakita ko ang lima na namimili ng sapatos nila.
Aba, talaga bang ganito sila palagi? Pag lalabas 'yong isa lalabas din silang lahat. Lagi ba silang may group activities? Tss. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtingin-tingin na din ako ng school shoes ko.
"Guys, si Racelle yan 'di ba?" dinig kong tanong ni William na paniguradong itinuturo ako ni William. "Ah? Oo, teka anong ginagawa niya dito?" dinig kong takang tanong ni Mike. Napangisi na lang ako.
Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. "Hey, hanggang dito ba naman, sinusundan mo kami?" malamig na sabi ni Kitian. Ha? Ano daw? Tinanggal ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin.
"For your information, it's just coincidence. Hindi ko naman alam na sa iisang mall ko pala kayo ulit makikita. And please, don't be assuming Mr. Kitian." masungit kong sabi sa kaniya. Napangisi na lang siya at inirapan ako. "Ano? Ano sabi niya sa'yo Kitian?" pangungulit ni Justin sa kaniya.
"Wala. Sabi niya sinusundan daw niya tayo kaya nandito din siya." pinanlakihan ko siya ng mata. Iba 'yong sinabi, bwiset talaga siya kahit kailan. "Ah… so stalker ka pala namin. Hahaha!" tawa ni Justin at pinalo naman siya ni Tristan sa braso.
"Huwag mo nga siyang sabihang stalker, hindi ba puwedeng pumunta siya sa mall na 'to para bumili? Wala pa nga tayong nabibili kahit ni isa eh, siya meron na. Sa tingin niyo ba sinusundan niya tayo?" Napatingin naman ang tatlo sa kaniya samantalang si Kitian ay sumama pa lalo ang tingin niya. Binelatan ko na lang siya at itinuon ang tingin sa apat. Kahit ganon ang ginawa ko ay ramdam ko pa rin ang titig niya.
"So what's your point?" tanong ni William. "Ang punto ko lang naman ay, hindi niya tayo in-stalk. Kung sinusundan niya nga tayo edi dapat kagaya rin natin siyang wala pang nabibili. So gets na?"
"Ahhh… oo nga naman. Assuming lang yata 'tong si Kitian eh." sabi ni Mike at napatango tango pa ito samantalang si Justin ay nakangising nakatingin kay Kitian. Inaasar na naman niya sa ngisi niya.
"Tss. Kumain na lang muna tayo. Kanina pa ako gutom." pag-iiba ni Kitian at nauna na itong umalis sa foot wear. "Sa bagay, kanina pang 8 tayo nandito at ngayon na mag 11 na." sabi ni Justin. So ilang oras na pala akong nandito sa mall. Nag-almusal kami ng 8:30 lumabas ako ng bahay ng 9. Ang bilis talaga ng oras. Lumabas na 'yong tatlo at naiwan na lang dito si Tristan. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Oh, hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ko habang sinusukat ko ang nakursunadahan kong sapatos. "Sasama, ikaw hindi ka ba sasama sa amin?"
"Ha ako? Huwag na. Nakakahiya namang sasama pa ako at wala na akong budget." at ibinalik ko ang sapatos sa dati nitong pwesto. "Ilan ba ang natirang pera mo dyan?"
"300."
"Ako na ang manlilibre sa'yo. Huwag ka ng tumanggi please." at sinabayan pa niya ito ng pagkindat sa akin. Tatanggi pa ba ako? Pagkain na ang lumalapit sa akin eh. "Sige." sagot ko at sabay kaming lumapit sa kinaroroonan 'nong apat. Inip na inip na tumingin sa akin si Kitian at agad na umiwas ng tingin lang din sa akin.
Pumasok kami sa KFC at nag-order kami. Sinabi kong parehas na lang kami ng order ni Tristan kaya ito ako, nakaupo at hinihintay silang lima na dumating dito. Maya-maya may naglapag ng pagkain sa mahabang mesa na kasya kami. Napatingin ako sa pagkain na nasa tray.
"Oh Mike, ang dami naman niyang inorder mo. Ang takaw mo talaga." sabi ko habang ang tingin ko ay nasa cellphone ko lang at tinitext si Jerome at Estella. Buti pa nga sila dahil 'nong last month pa sila nakabili ng school supplies nila. Prepared na sila.
"Mike? Tss." doon ko napagtantong si Kitian pala ito. Hindi ko na lang siya inimikan hanggang sa dumating na 'yong apat. Tabi kami ni Tristan at katabi niya si William, katapat ko naman si Justin, katabi naman niya ay si Kitian, sunod si Mike.
Tawa kami ng tawa pero tipid lang ang ngiti ang bawat binbigay sa amin ni Kitian. Minsan na lang napapaisip ako na hindi ba sya marunong makihalubilo? Paano kaya siya natitiis ng apat na ito ang ugali niya? Nakapagtataka.
"Tapos yong nabasa ka po, pag K ang first letter ng pangalan, baog daw. Haha!" sabay-sabay pa kaming napalingon sa direksiyon ni Kitian na salubong ang kilay niya at hindi natutuwa sa sinabi ni William.
"Tss, kumain na lang kaya kayo? Dada kayo ng dada! Leche!" inis niyang sabi sa amin na napanganga 'yong tatlo sabay tawa. Sira ulo ang tatlong ito. "They're really crazy." natatawang komento ni Tristan at tumingin siyang nakangiti sa akin.
Matapos kaming kumain, lumabas na kaming anim at 'yong apat ay nauna na sa bilihan ng mga school supplies. Napatingin pa ako kay Kitian na malamig lang siyang nakatingin sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkainip. Napabuntong hininga na lang ako at bahagya pa akong nagulat dahil magkalapit na ang mukha namin ni Tristan.
"Hehe. Sorry." mahinhin niyang sabi at inalayo kaunti ang mukha niya sa akin. "Oh, hindi ka pa ba susunod sa kanila?" tanong ko na lang.
"Actually, kakabili ko lang kahapon 'nong nagkahiwa-hiwalay na tayo. Sapatos na lang wala kaya hihintayin ko na lang sila dito." sagot niya.
"Ahhh… anong section mo? Nakita niyo na bang lima 'yong sections niyo?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita kong anong section ko. Tinatanong ko sila Jerome pero ayon 'yong dalawang 'yon, wala ng reply. Naubusan na yata ng load. Sa pasukan ko na lang sila tatanungin.
"Oo,"
"Anong section niyo, I mean mo? Classmates ba tayong lahat ulit?"
"Uhm, surprise na lang sa Monday haha." tawa niya at nagkibit balikat sa akin. Napanguso na lang ako at tinignan 'yong tatlo na busy sa pagpili samantalang si Kitian ay nakatingin sa amin.
Tapos na silang bumili ng sapatos at school supplies nila, pati rin ako ay sinamahan na nilang bumili. Magpapaalam na sana ako sa kanila ng biglang nawala 'yong apat. Kaming dalawa na lang ni Kitian ang magkasama, nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa malayo. Gusto kong magtanong pero huwag na lang yata.
"Na saan 'yong apat? Magpapaalam lang sana akong aalis na." hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya. Yong feeling kong magtatanong ako ay papatayin na niya agad ako. "May pinuntahan lang saglit, so wait for them for a minute." sabi niya na hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Okay." sagot ko na lamang at hinintay nga sila. Hindi naman nagtagal, nakita ko na ang apat na may tig-iisa silang dala-dalang paper bags. "Tss, binili pa talaga nila." dinig kong sabi ng katabi ko.
Lumapit sila sa akin na nakangiti at sabay-sabay nilang iniabot sa akin ang paper bags na bitbit nila. Nagtataka ko naman silang tinignan isa-isa. "What—"
"This is for you." at ibinigay sa akin ni Justin ang paper bag at sina Tristan, Mike at William naman ay isinukbit din nila sa kaliwa kong kamay. Tinignan ko 'yong laman 'nong binigay sa'kin ni Justin, napanganga ako. Binili niya ito?
Talagang binili niya ang kanina ko pa tinitignan sa foot wear na doll shoes na kulay baby pink. Paano niya nalamang gusto ko itong bilhin? Tinignan ko naman ang ibinigay ni Mike, napanganga ulit ako ng tuparin niya ang pangako niya sa akin noon na cellphone na Samsung S7. Hinawi ko 'yong kay William at tumambad sa akin ang isang rubber shoes, color black. At ang huli ay 'yong kay Tristan na may lamang pantalon, a blue denim jeans. Nganga ang reaksiyon ko. Speechless. Yong may kaibigan kang ganito? Barkada goals pero hindi ako abusado ha? And I didn't expect na may ibibigay pala sa akin.
"Matagal pa birthday ko ah at bakit binigyan niyo na ako ng ganito?" nagtataka kong tanong sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko na binigyan nila ako, sadyang nakapagtataka lang talaga. Kumain lang kami sa KFC, biglang nagbago ang takbo ng isip ng apat na'to.
"Kanina ka pa kasi nakikita habang pumipili kami ng sapatos namin sa isang footwear na panay ang hawak at nakailang sukat ka sa doll shoes na 'yan." nakangiting sabi ni Justin sa akin at nagkakamot kamot pa sa ulo niya na halatang hindi siya sanay na magbigay.
"Ako naman, naaalala ko 'yong promise ko sa'yo 'nong araw na natalo ako sa pustahan natin. Ayaw ko naman maging unfair sa'yo at ayaw ko naman sabihan mo akong paasa kaya binili ko na." sabay ngisi ni Mike.
"Paasa ka naman na talaga." komento ni Kitian.
"Ako din naman, 'nong sinamahan kita. Paulit ulit mong tinatanong sa akin kung ano ba ang mas maganda, kaya para hindi ka na manghinayang, I buy it just for you." sabay ngiti ni Mike kinantyawan naman siya ng tatlo na "Ehhh! RK!"
"Me? Uhm, naisipan ko lang na bilhan ka. Yong nasa wish list mo na hindi ko nabili 'nong Christmas party natin last year. I buy it also just for my Racelle." and then he winked. Napa "Tsk," naman 'yong isa na nasa tabi ko pa din.
"Jusme! Gumastos pa kayo dito. Wala naman akong sinabing bilhan niyo ako ah. Masyado kayong mabait sa akin, mag-iingat kayo baka maabuso ko kayo, pero joke lang. I'm not that kind of girl, pagkain lang ang gusto ko not supplies."
"Ah, by the way salamat dito boys." nahihiya kong sabi sa kanila at nagyakapan kaming lima. Hindi ko naman kasi ini-expect na bibilhin nila 'yon para sa akin. Masyado talaga silang RK. And this is my very first time to received a gifts from the four Famous Heartthrobs in our school. Sa dinami-dami ng babae sa Campus, ako pa talaga ang napili nilang kaibiganin. How lucky I am to have them.
"O siya, aalis na ako ha?" paalam ko sa kanila. "Bye! Ingat!" paalam nila. Tumalikod na ako sa kanila at humakbang na palayo nang tawagin ako ni Mike. "Oh?" tanong ko.
"Ihahatid ka na daw ni Kitian." nakangising sabi niya at kitang kita ko naman kung paano pinandilatan ni Kitian si Mike sa sinabi nito. "Sige na dude, ihatid mo lang siya." pangungumbinsi naman ni William sa kaniya.
Sinimangutan lang niya ang apat at napangiti na lang ako. "Ah, eh, okay lang ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa."
"Ako na lang maghatid sa'yo?" alok ni Tristan. Pinalo naman siya ni Justin at pinanlakihan ng mata. "Ikaw na kasi. Para naman hindi na mahirapan pang maghintay ng jeep si Racelle." pangungulit ni Mike.
"Fine!" labag sa kalooban niyang sabi at nauna na itong naglakad sa akin. "Yes! Haha! Hindi rin naman niya pala ma—" naputol ang sinasabi ni Mike nang hilain ako ni Kitian.
"Nakikitsismis pa eh." inis nitong sabi. "Anong tsismis? Hindi ah!" sigaw ko naman. Hindi na niya ako pinansin bagkus ay sumakay agad ito sa drivers seat pagkalabas at pagdating namin sa parking lot.
Binuksan ko 'yong pintuan sa back seat at doon sumakay. "Ba't dyan ka umupo?" inis niyang tanong. Lagi na lang ba siyang ganito? Mukhang laging inis na inis?
"Bakit ba?"
"Dito ka na lang sa front seat. Wala pang umuupo dyan eh, bininyagan mo na." maarte nitong sabi. Lumabas naman ako at sumakay sa front seat. Pinaandar naman niya ito agad.
Hindi niya alam ang bahay ko kaya itinuturo ko na lang sa kaniya ang daan. Malapit na kami at napagdesisyunan kong sa kanto na lang ako bababa. "Siya, dito na lang ako sa tabi. Hindi mo na kailangang ihatid pa ako hanggang sa bahay."
"Tss, mabuti naman at naisipan mo."
"Salamat na lang. Nakakahiya kasing sumakay at magpahatid pa doon. Mas mabuting lakarin ko na lang."
"Mabuti naman at may hiya ka."
"Baby pa lang ako marunong na akong mahiya!" at tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ko ang pintuan, akmang lalabas na ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Binawi ko kaagad ito dahil masakit ang kaniyang pagkakahawak, tila ba pinipilay niya ang palad ko.
Kunot noong tumingin ako sa iniaabot niya sa aking papel. "Ano 'to? Death letter?"
"Just read it." sabi niya at pinaandar ang sasakyan niya. Napatabi ako at nakaalis na ang kotse niya na sobrang gara. Pagdating ko sa bahay, sumandal muna ako sa pintuan at binuklat 'yong sulat niya.
"Wow! Printed." manghang sabi ko. Mayaman talaga, hindi man lang ini hand written na lang nagsayang pa siya ng ink.
"Go away from me! If you see me, umalis ka na. If I go near with them, aalis ka dahil kapag nag krus pa ang landas natin ay paparusahan na kita. And you don't want to punish you right? So put this words in your head! If you don't want to."
"Problema nito?" tanong ko na lamang sa sarili ko at ibinulsa ang sulat niya. Mainit na naman ang ulo niya.