Chapter 2

3659 Words
Racelle's PoV Tinulungan naman ako ni Mike na tumayo at pinatahan ako. I hate this feeling, 'yong makita nila akong umiiyak baka sabihin nilang iyakin akong babae. "Tahan na. Hayaan na natin 'yon, nagseselos lang 'yon siguro." sabi ni Mike. Nagseselos na? Isa rin 'to eh 'no? Aish. Itinulak ko siya ng marahan para humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin. "Anong nagseselos? Sabihin niyo galit na naman siya sa'kin dahil nakita niya ako." sabi ko sa kanila. "Talagang ganon 'yon. He's the moody one maliban na rin kay Justin." sabi ni William. "Ha? Ano? Bakit narinig ko na naman ang pangalan ko diyan." masungit na sabi ni Justin. "Wala sabi ko guwapo ako." and William winked at ngumuso pa siya sa kaniya na gusto niyang halikan si Justin. "Yuck! Stay away from me, dude! Baka makita nila 'yong kabaklaan mo!" naiiritang sabi ni Justin. "Tahan na Race." pilit akong tumahan at nagawa ko naman kaso panay ang hikbi ko. Hinagod ni Tristan ang likod ko at bahagya niya akong niyakap. "Oy, William bumili ka nga ng tubig para sa prinsesa natin." utos ni Mike. "Hala? Bakit ako." nagtatakang ekspresyon ang binigay sa'min ni William. "Tanga! Na sa'yo lahat ng pera hindi mo pa kami nahahatian kaya understood na ikaw ang bumili. Tanga mo talaga!" sabay iling ni Justin. Napatawa naman ako ng mahina dahil naguumpisa na naman ang bangayan ng tatlong 'to. "Huwag mo na lang siyang pansinin ha? Talagang ganon lang 'yon." sabi sa'kin ni Tristan na kalmado. Tumango ako, "Iniintindi ko naman siya palagi kahit 'nong school days pa lang." sagot ko naman. Lagi na lang kasi siyang ganon. Ewan na ewan ko ba kung ano ang nagawa ko sa kaniya. Nakakainis siya, kunting kunti na lang mauubos na ang pasensiya ko baka sagut-sagutin ko na 'yon. Langyang Kitian Bentley eh. Porket hari siya, saka hello? Wala kami sa United Kingdom na may Queen and King doon, nasa Pilipinas kami na under democracy. "May alam ka kasi na hindi mo alam." biglang singit ni Mike sa usapan. Napakunot naman ang noo ko, ano na naman ang pinagsasabi ng Mike Zarate na 'to? "What do you mean?" sabi ko. "Kanta 'yon ni Justin Beliber 'yong what do you mean." sabi ni William. "Tanga! Justin Diaz ang kumanta 'don." sabi din naman ni Justin. Gulay! Beiber 'yon hindi Diaz o Beliber. "Justin Beiber 'yon guys!" pagco-correct ko kaso wala silang narinig sa sinabi ko. "Hindi ikaw ang kumanta don. Ka-boses mo ba 'yon? Hindi naman ang layo layo sa boses mo Justin!" sagot ni William. "Ako nga 'yon kasi! Ako ang nag-record 'non doon sa ano, basta! Tapos ako tinawagan pa nila ako 'non para sa recording, oh ano may angal ka?" sabi ni Justin. Kaming tatlo naman ay nakatingin lang sa kanila. Hindi na ako humihikbi nawala na dahil sa katangahan ng dalawang 'to. "Wala akong masabi. I'm S-P-E-E-C-H-L-E-S-S SPEECHLESS ako Justin! Pero tanong ko lang, anong number nila para naman matawagan ko sila at sabihing isama din nila ako sa recording studio nila para sumikat din ako." Inilibas ni Justin ang phone niya, talaga seryoso siya? Siya talaga ang kumanta ng what do you mean? "Ito, pakinggan mong mabuti ha? Ilabas mo na ang phone mo para makuha mo 'yong telephone number nila." seryosong sabi ni Justin. Inilabas din naman ni William ang phone niya. "Sige ano?" excited na sabi ni William. "090202 ang sarap iuntog sa puno ang mga uto-uto." - Justin. Napatawa na lang kaming tatlo pati na rin si Justin pero si William ay nagta-type. Don't tell me na... "Talagang six numbers lang? Saka ba't ang haba ng contact name nila?" nagtatakang tanong ni William. Lord, patawad! Sobrang slow po niya, bigyan niyo naman po siya ng kunting katalinuhan at mabilis na pag-process sa utak niya ang lahat para hindi na siya maging slow. "Tanga ka talaga! Basta si Justin Diaz ang singer ng what do you mean. Tandaan mo 'yan! Itaga mo sa brain cells mo!" naiinis na sigaw ni Justin pero hindi naman siya totally naiinis. Ugali lang talaga niya, mabait naman 'yan minsan nga weird siya dahil mamaya magsusungit siya bigla tapos biglang sobrang daldal at nang-aasar. Pumagitna naman si Mike sa kanila na tumatawa. "Huwag niyo na kasing pagawayan pa kung sino ang kumanta. Dahil iisa lang naman ang kumanta eh, nandito lang naman siya sa tabi-tabi." "Thanks bro. dahil alam mong ako 'yon." nakangiting sabi ni Justin at tinapik tapik pa sa balikat si Mike. Pero agad na napawi ang ngiti niya at napalitan ng isang nandidiring tingin at hindi makapaniwala. "Hindi ikaw 'yon bro. Because I am the one who sing and composed that song. Remember? The one and only Mike Zarate was the singer of What do you mean." at lumapit pa siya sa'min at tumango-tango. Feeling proud in what he'd said. Pero kami... Walang masabi sa kahanginan niya. Sumingit pa eh. Ang hangin na nga 'nong dalawa at idagdag mo pa ang katangahan nila sa pag-aaway ng kung sinong singer ng what do you mean tas dumagdag pa. Umuusok na balita: may super typhoon na dumating kanina na nagngangalang Kitian at sinabayan pa ito ng tatlong malalakas na buhawi. Pasalamat na lang tayo na walang nasalanta ang apat na kalamidad na dumating ngayong araw. "Eh? Anong connect?" tanong ni Justin with a fierce expression. "Ang layo ng Justin sa Mike? Napakaimposibleng mangyari." singit naman ni William na nakataas ang kilay niya na naghihintay ng sagot. "Grabe sila." nasabi ko na lang kay Tristan. Umiling iling lang ako ng ilang beses dahil 'yon lang naman ang maisasagot ko sa kalokohan na naman nila. Mga baliw ang mga 'to, ang sarap itawag sa mental. "Huwag niyo na kasing pag-awayan tapos kapag sinabi kong ako, makareact kayo wagas at disappointed pa kayo sa'kin," nakasimangot na sabi ni Mike. Oo nga naman, may point siya. Siya ang kakampihan ko hindi nga lang ako magsasalita sa loob loob ko lang siya kakampihan. "Sumingit ka sa usapan 'yong may sense kang sasabihin," pangangaral ni Justin. "Tch, kawawa you partner." Sabay iling din naman ni William. "Hay kasi naman! Huwag niyo ng pag-awayan 'yang what do you mean dahil ako! Ako ang—" pinutol na nila 'yong sasabihin ni Tristan na naki-join na rin. Haist buhay! Pero mas gusto ko pa silang kasama kaysa kay Kitian. "Huwag ka ng dumagdag Tan. Kung malayo ang Justin kina Mike at William, malayo din ang pangalan mo. Tristan Padilla? Hindi siya ang kumanta ng what do you mean, e simpleng tulad mo ang kinanta mo." sabi ni Justin. Oo, siya na ang kumanta ng what do you mean. "Asus! Kayong apat na hari tama na ang what do you mean baka kayo pa ang 'do you mean what' ng singer niyan." sabi ko. Naiinis na kasi ako dahil wala man lang sila balak tumigil sa what do you mean topic na 'yan. Saka 'yong tinatanong ko kay Mike, nawala na. Grabe kasi nila iliko ang usapan, umabot na hanggang EDSA. "Race," tawag ni William sa pangalan ko. "Bakit, William?" sagot ko habang nagpupunas ako ng natuyo kong sipon sa ginawa sa'kin ni Kitian kanina. "Alam mo bang may nagkakagusto sa'yo." sabi niya. Napataas naman ang kilay ko. "Ako? May nagkakagusto sa'kin? What do you mean by that?" sunod sunod kong tanong na hindi ko maintindihan 'yong sinasabi niya. Itong mukhang 'to? May magkakagusto sa'kin? Imposible! Binu-bully nga nila ako tapos may magkakagusto sa'kin? Kalokohan. "May taong may lihim na pagtingin sa'yo like crush, ganon. Bakit wala bang nagkakagusto sa'yo noon kahit 'nong bata ka pa?" tanong ni Mike. Sa pagkakaalam ko wala, si ate kasi ang maganda sa'min kahit na kambal kami, hindi kami identical twin. She's the prettiest among the two of us. He's my father's favorite daughter, which I mean she's the favorite princess of all. My former friends relatives and crushes ay gusto nila siya, me? I'm just nobody to them. But I never felt envy and jealous to her, cause she treat me right, 'yon lang naman ang gusto ko kahit nasa kaniya na ang lahat. Basta ang mahalaga itinuring niya akong kapatid kahit nasa kaniya na ang lahat ng atensyon. I don't have self confidence in my self. I'm afraid to face what's going on in my life... Until I meet this friend of mine in the Famous Academy. Nagsisimula na ako pero nasa sa'kin pa rin ang takot at kaba. Takot na maiwanan ulit at kaba na baka masira na naman ang tiwala ko sa lahat. "Ewan." yon na lamang ang naisagot ko. Hindi ko kasi alam kung meron ba. "Meron 'yan, may tatlo ngang nagkakagusto sa'yo sa'm—" Tristan suddenly cut Justin's speech. Kaya napakunot ang noo ko at sinabayan ko pa ng pag nganga. "O bakit mo pinutol ang sinasabi ni Justin? Ano duwag ka?" pagpaparinig ni Mike kay Tristan. Napakamot na lang sa ulo si Tristan saka siya ngumiti sa'kin. Ang cute niya pag ngumingiti siya. He's really charming. "Hindi naman sa ganon," sagot ni Tristan. "And why don't you tell to her right now?" sabi ulit ni Justin. "Baka maunahan ka 'nong isa, magsisi ka pa." sabi ni William with matching nakakaasar na ngiti. Napaismid na lang si Tristan at napakamot ulit. "Alam ko, pero kung gusto niya nga siya..." sabay turo sa'kin ni Tristan using his lips. "Bakit niya siya pinapagalitan o pinagiinitan ng ulo? Look like he doesn't have respect on her feelings." dagdag niya. Nanatili lang akong tahimik, mukhang ayaw paistorbo ang pinag-uusapan nila kahit litong lito na ako at wala na akong naiintindihan sa sinasabi nila. What do they mean? Sino 'yong tatlong nagkakagusto sa'kin? Curiosity kills overload. "You know him, he had some love issues so that's how he treat girls right now, even he had a feelings for someone." sabi ni Justin na nakataas ang kilay niya at nakangisi. "Kung na love at first sight adbksf siya nagustuhan niya — 'nong November. Pista ng patay dude. Na-realize niya na hindi pa patay ang puso niya at tumitibok ito sa ... agbsgbsfdkg!" hindi clear ang pagkakasabi ni William kay Tristan kaya hindi ko masyadong narinig ang lahat. "Guys do I still exist here?" tanong ko para maagaw ang atensyon nila. It's look like I'm not here anymore. At oo nga pala, hahanapin ko pa 'yong dalawa kong kasama na kumakain kanina sa ice cream parlor. Mga 'yon! Hindi man lang nagtawag! Speaking of... "Heartthrob Kings, Heartthrob Kings, may f*******: ba kayo? Kung meron, anong email niyo para mai-add ko kayo. Heartthrob Kings, Heartthrob Kings, may Instagram ba kayo? Kung meron anong email niyo para ma-follow kayo. Heartthrob Kings, Heartthrob Kings, may pera ba kayo? Kung meron, manlibre naman kayo. Kami'y nagugutom at humihingi ng cash~" kanta nilang dalawa at nang matapos ay nagtawanan sila. They both insane. "Did you sing?" tanong ni William. Napapoker face na lang silang dalawa at si Jerome ang sumagot. "Ay hindi. Nangaroling siguro." "Ah akala ko kasi kumanta kayo." at tumango tango si William. Anak ng?! Hindi pa ba obvious? Aaga kaming tatanda kapag may kasama kaming ganito. "O my William! What's happening to you again? Nakalimutan mo bang inumin ang maintenance mo?" naiinis na nakakalokong tanong ni Mike. "I'm not taking vitamins." sagot ni William. "Godness! Kumain na nga lang tayo. Kulang kulang na naman ang SLOWMO KING natin," naaasar nang sabi ni Justin. "Hindi siya kulang kulang." inis na pagtatanggol ni Estella kay William. "I'm not talking to you, William's admirer." and Justin rolled his eyes at Estella. Namula naman si Estella nang banggitin iyon ni Justin sa harap ni William. Matagal ng may gusto si Estella kay will since elementary pa lang sila. At si Justin naman daw ang certified epal sa buhay niya. "Epal ka lang!" sigaw ni Estella kay Justin at binelatan niya ito na parang bata. "Kumain na lang kasi tayo!" sigaw ko. "Kakakain mo lang kanina ng isaw at barbecue ah!" sabi ni Jerome. Bitin kaya 'yon, sino ang matinong makukuntento sa ganong pagkain? Nilait lait pa namin 'yong tindero tapos may pera pala ang dalawang 'to. "Wala ka na d'on. May pa-ice cream ice cream kayo diyan hindi niyo man lang ako tinawag. Damot niyo!" reklamo ko na nagtatampo sa kanila. "Sorry, bakla," paghingi niya ng paumanhin. Inirapan ko lang sila at nilampasan siya. Nakisabay ako sa paglalakad kay Tristan na nakikipag-kuwentuhan kay Justin. "Yow." bati nilang dalawa sa'kin. "Yaw!" bati ko din sa kanila. "Ano nga pala 'yong pinag-uusapan niyo kanina? Anong ibig niyong sabihin sa may nagkakagusto sa'kin?" curious kong tanong. Sino ba naman kasi ang hindi ma-cu-curious ikaw kaya ang topic ng apat na 'to? Pumasok kami sa isang restaurant. B - Y Restaurant. Yayamanin ang loob niya. Puro glass but a modern style of restaurant. "Wala 'yon. Ang sabi ko, simpleng tulad mo ay sa'yo ako naakit," sabi ni Tristan. Siniko naman ni Justin si Tristan. "Cheesy," he commented. "Ha? Niloloko mo na naman ako sa cheesy lines mo," sabi ko sa kaniya. He's been like that three months ago at mas lalo na niyang ipinapakita ang pagka cheesy guy niya sa'kin. But I didn't suspected him that he had a crush on me. Aasa pa ba ako? Wala ngang magkakagusto sa'kin. "Hindi ah. Bahala ka kung maniniwala ka." and he smiled sweetly again pero may kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko na lang pinansin baka nga gutom lang siya. May isang humanoid robot na nag-aassist sa mga papasok instead of security guard, isang humanoid robot. Ang yaman, itong robot pa lang makikita mo ma-eenganyo ka ng pumasok. "This is the Bentley's restaurant." literal akong napanganga. As in wow. Kakabasa ko nga lang pala na may-ari sila ng restaurant and catering. "Magsi-order na tayo!" sigaw nila William at Mike in a childish behavior. "Nakakagutom talaga dito sa restaurant nila Bentley." komento ni Justin na hinawakan pa niya ang tiyan niya. Oo nga, amoy pa lang ng mga luto nila nakakagutom na. "Pumila na tayo!" at nagsipila na nga kami. Naunang pumila si Jerome na siya pa ang nagsabi na pumila na. Gutom na naman yan, kamag-anak niya yata si Mike. Sa likod ni Jerome na nakapila ay si speaking of FOOD Lord, next is William, Justin, ako, Estella at nasa huli si Tristan. Mabilis ang pila dahil sa mabilis na serbisyo ng dalawang humanoid robot na mag-aassist sa'yo. Ako na ang susunod, namangha ako dahil ikaw na ang kukuha ng kakainin mo tapos ibibigay mo sa humanoid na nasa tabi mo at sasabihin mo lang 'yong number ng table niyo tapos doon niya ilalagay. Kumuha lang ako ng two cups of rice, one slice of pork chop, one order of seaweed soup, isang matamis na dessert, and drinks. Lumapit ako kay robot. "What table ma'am?" the humanoid robot asked. "Table no. 18." sabi ko. Napa 'wow' ako nang bigla niyang i-extend ang kamay niya at hindi siya umalis sa posisyon niya. Cool! "You may now go to your table, ma'am." sabi 'nong robot. Pumunta naman na ako na hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa robot na 'yon. Amazing! Nang nasa tapat na ako ng table no. 18 nanlaki ang mga mata ko. Bakit? Bakit may kumakain ng pagkain na inorder ko? Bakit hindi siya magorder ng sa kaniya. Ang laki laki ng katawan niya tapos kakainin lang niya 'yong pinaghirapan kong kumuha sumandok ng pagkain tapos sa kaniya mapupunta? Takteng Kitian Bentley 'yan! "What are you looking there?" he asked with a cold tone. Tinignan ko lang siya at dumiretso ako sa mesa namin. Padabog akong umupo at agad na inagaw ang order ko, kahit nabawasan na niya ay kinuha ko pa rin. "That's my food!" sigaw niya at inagaw muli sa'kin. "Anong sa'yo! This is my food!" sigaw ko din sa kaniya pabalik! Huwag na huwag nila akong ginagalit kapag gutom ako. "Annyeonghaseyo." singit ni William at nagsitawanan naman sila Justin, Jerome at Mike, wala pa 'yong dalawa. Samantalang kaming dalawa ay palitan kami ng sama ng tingin. "Just fall in line again and order," he said in emotionless way. Anong ako ang pipila? Kapal ng mukha ng taong 'to ah. "Bakit ako? Why don't you do that? Pumila ako, binigay ko sa robot na si amazing tapos ikaw ang kakain! Aba't mahiya ka naman, hindi porket pagmamay-ari mo 'tong restaurant na 'to kakain ka na lang ng order ng iba! Bumili ka ng hiya baka kasi naubusan ka na!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi na ako makapagtimpi pa. For almost five months na ganiyan siya sa'kin at araw-araw pa, sino pa ang makakatiis sa ugali niya at intindihin? Hindi porket guwapo, iintindihin mo na lang palagi. Porket ba guwapo, perfect na? Mas mabuti pa nga 'yong mga lalaking walang itsura dahil alam mahiya at loyal pa. Itong mga 'tong pang-artistahan ang dating, 'yan 'yong mga tipo ng mga babae. Kapag may nakasalubong na guwapo, hindi aalisin 'yong tingin, pero kapag pangit lalaitin agad at hindi magawang titignan. Sa madaling salita, Madaling ma-turn on sa may mga itsura pero sa mga taong walang itsura halos isumpa na sila. Beauty always reflects on Attitude. "Kahit na! Wala ka na don kung kakainin ko 'to o hindi. Gutom ako kaya kakain ako." at kinuha na naman niya 'yong tray. Wala bang balak ang apat na 'to na ipagtanggol naman ako. Naghirap akong pumila tapos siya ang makikinabang? "Akin nga kasi 'yan! Hindi lang ikaw 'yong gutom. Gutom din ako and please be gentleman sometimes, don't be a gentle dog always." sabi ko at kinain ko 'yong isusubo sana niya sa bunganga niya. Nandiri naman siya kaya inilapag niya ang kutsara na kinainan ko. "I don't care!" sigaw niya. "Puwede ba mag-share na lang kayo kung pinagtatalunan niyo 'yang pagkain na 'yan," inis na sabi ni Mike. "O 'di naman kaya ibigay niyo na lang sa'kin 'yang pagkain niyo. Inaamag na sa pag-aaway niyo," Mike added. "What's going on here?" agad na tanong ni Tristan nang makaupo siya sa mesa. "Nag-aaway dahil lang sa pagkain." sagot ni Justin at sumubo ng pagkain bago niya pasadahan ng nakakalokong tingin si Estella na nasa tabi ko. "Para kayong bata." sabi naman ni Estella. "Huwag kang makisabat sa usapan." bastos na sabi ni Kitian. "Just let them. Kung gusto niyo nga sa gitna na lang ng mall para sa food debate niyo." sabi naman ni Jerome na ngayon lang nakisingit sa away namin. Paano ba naman, busy siya sa pagkain ng pork steak at katabi pa niya si Mike at si William wala yata siyang pakialam. Nag headphone na lang siya 'nong naga-away kami kanina. "Shut up, ugly gay!" pagpapatahimik ni Kitian kay Jerome. Itinaas naman niya ang kamay niya at itinikom ang bibig. Bumuntonghininga ng napakalalim si Tristan at ibinibigay niya sa'kin 'yong pagkain niya. "Here, ibigay mo na sa kaniya 'yong pagkain mo at sa'yo na 'tong akin." "Eh paano ka?" nag-aalala kong tanong. Sa kaniya 'to eh tapos ibibigay niya sa'kin. Kasi naman 'tong lalaking 'to, hindi man lang tumayo at mag-order o tumawag ng waiter para bigyan siya ng order niya. "Huwag mo akong alalahanin. Medyo busog pa naman ako saka alam ko namang gutom ka. Just eat." at ngumiti siya. Buti pa siya gentleman hindi gaya ng isa diyan na napaka BWESIT! "Pretentious." dinig kong sabi ni Kitian na kasama kinakain na niya ang pagkain ko ng marinig niyang ibinigay sa'kin ni Tristan 'yong pagkain niya. "Atleast gentleman siya hindi tulad mo na aso!" inis kong sabi ng magfunction sa utak ko 'yong sinabi niyang pakitang-gilas si Tristan. "I'm not talking to you!" sagot niya at tinignan niya ako ng walang kaemo-emosyon. "Just jealous." pagpaparinig din ni Tristan. "If you just only knew the—" tinakpan nila pareho 'yong bibig ni William na nakikinig na pala sa'min. "Kung alam ko lang na?" tanong ko. "Kung alam mo lang na may taong napana ni kupido mo ang d—" pinutol ni Kitian ang sasabihin din ni Justin. "Stop saying nonsense." sabi ni Kitian sa kanilang tatlo. "Hindi naman kasi nonsense ang sinasabi namin. Kayo na nga ang tinutulungan namin tapos..." "Tapos gusto mo ng suntok?" and Kitian raise his fist na umaambang susuntukin niya si Mike. "Shut up the three of you kung ayaw niyo ng flying kick." pagbabanta ni Kitian sa kanila. Ang sama talaga niya. At bakit naman biglang natahimik ang CHARM KING? "Oy napatahimik ka? Anyare?" sabay siko ni Jerome na marumi ang kamay niya. "Hay may alam kasi kami na hindi niyo alam. Kayo talaga!" sabay na sabi nila Mike at William. "Don't mind them Race. Your just special to me." sabi ni Tristan at kumindat siya sa'kin. Napangiti din ako sa kaniya at sumagot, "Special ka din sa'kin." at sinubuan ko siya ng pagkain. "May nagseselos." pang-aasar nila Mike, William at Justin. "Asa." sagot ni Kitian na galit ang mga mata niya at kung may ano pa sa mata niya na hindi ko masabi. "Minsan makiramdam ka. Malalaman mo 'yong sinasabi namin." makahulugang sabi ni Justin at ngumisi silang tatlo na nang-aasar. "What do you mean?" takang tanong ko. Hindi ko talaga alam ang sinasabi nila. I didn't get their point in what are they talking about. Natahimik na lang kami dahil walang sumagot sa tanong ko. Hanggang sa naubos ko ang pagkain ko, na ako na lang pala ang hinihintay nilang dalawa. "Bakla! Alis na tayo." sabay hila sa'kin ni Jerome at ni Estella. "Bye, Heartthrob Kings." paalam nilang dalawa samantalang ako tinignan ko lang sila at hindi na nagpaalam pa. Nag-iwan sila ng clueless thing sa utak ko. Ano nga ba ang punto nila? "...Be observant." narinig kong sabi ni Estella habang binabasa niya 'yong librong hawak-hawak niya. Ayon nga ba ang punto nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD