Nagising ako na sikat na sikat na ang haring araw paglingon ko sa nakabukas na bintana. Tumayo ako at sinilip ang dingding. Alas dyes na pala ng umaga at malapit na ang tanghalian pero ako heto nakahiga pa. “Good morning baby.” Pagbati sa akin ni Zy na niyakap pa ako mula sa ilalim ng kumot. Kami na lang palang dalawa ang natira dito. “Bitaw na Zy, babangon na ako.” Sabi ko sa lalaki na mabilis naman na tumayo at naghanap ng bihisan naming dalawa. Siya na din ang nag bihis sa akin at sabay pa kaming mag sipilyo. Sinuklay ko lang ang aking buhok at itinali, pagkatapos ay sabay kami na bumaba ng hagdan. “Anong ingay yun?.” Tanong ko kay Zy dahil parang maraming tao ang nagkakasiyahan sa baba. Naglakad kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa swimming pool at nanlaki ang mata

