CHAPTER: 3

1288 Words
Lady Mae Nuez (POV) “Ohh bakit ka nandito anak?.” “Parang gulat na gulat ka Nay ah? Bawal na ba akong umuwi dito sa bahay na ako din naman ang nagpagawa?.” “Gaga! Nagulat lang ako, after so many years ngayon ka lang umuwi dito.” “Nagsara na kasi ang printing company na pinagtatrabahuhan ko Nay sa Bulacan. Hindi ko alam kung saan ako papasok dahil ang mahal ng bahay sa Manila. Isa pa, kahit matagal na ako doon, hindi naman ako gala kaya wala din akong masyadong alam sa pasikot-sikot.” Malungkot na sabi ko sa aking ina na nagkukusot ng mga maruming damit. Pinagpag niya ang bula sa kanyang kamay at nag hugas gamit ang tubig na nasa timba. Tumabi sa akin ng upo at inakbayan ako. “Hindi naman tayo magugutom dito anak, alam mo naman na masipag ang tatay mo magtanim. Kahit wala ka'ng trabaho mabubuhay tayo dito. Isa pa solar naman ang ilaw natin kaya wala tayong kuryente na babayaran buwan-buwan. Ang tubig natin ay sinasalok lang sa balon. Ano ba ang kinakalungkot mo?.” Hindi ako umimik dahil nalulungkot ako. Simula ng matapos ako sa kursong elementary education ay bumiyahe na kaagad ako sa Manila kasama ang namayapa ko na tiyahin para makipagsapalaran. Hindi ako nakapag-take ng LET kaya hindi ako makapag-turo. Hanggang umabot ako sa edad na bente otso ay single pa rin ako at walang muwang sa mundo. Tanging trabaho lang ang ginawa ko. Nagpatayo ng bahay, bumili ng gamit, pinag-aral ang nag-iisang kapatid na maagang nag-asawa. At nakabili na din kami ng maliit na lupa. “Halika na, kumain na tayo sa kusina. Nag laga ako ng kamote at saging.” Pag-aaya sa akin ni nanay sabay kuha ng mga bahagi ko na nasa sala pa. Ipinasok niya sa isang silid na sabi niya ay sa akin daw nakalaan. Sa sampong taon, isang beses lang kami nagkita nila nanay pinaluwas ko sila sa Bulacan. Hindi ako umuuwi dahil nanghihinayang ako sa pamasahe ko at wala naman akong gagawin sa bukid. Isa pa ay ayaw akong pagawin ni Tatay ng mga gawaing bukid dahil sayang daw ang kutis ko. Ganun din siya sa aking ina. Pareho kami ni nanay na kutis porselana na parating napagkakamalan na mayaman. “Halika na anak, nagtimpla na ako ng kape. Pagkatapos mo mag-almusal magpahinga ka muna sa silid mo ha?. Huwag mong paka-isipin ang mga bagay bagay kasi babaliwin ka lang niyan.” Tumango ako sa aking ina at hinalikan ito sa noo. Halos hindi ko malunok ang pagkain dahil nga naiisip ko na baka wala na naman kaming kainin sa mga susunod na araw dahil nga wala akong trabaho. Hindi ko maiwasang na maluha habang ngumunguya ng pagkain. “Malayo na ang buhay natin anak kumpara sa dati. Noon wala tayong sarili na lupa na sinasaka. Buwan-buwan din tayo nagbabayad ng kuryente at nag-aaral din kayong dalawa ni Gino kaya normal na halos wala tayong makain. Ngayon anak ikampanti mo na ang isip mo ha. Ang pangit mo na nga lalo ka pang pumapangit sa kakadrama mo.” “Makapangit ka ‘e, magkamukha lang naman tayo.” Sagot ko sa aking ina sabay tawa niya at ipinagpatuloy na nga namin ang pagkain. Hindi pa nga ako natatapos kumain ng dumating si tatay na halata ang pagkagulat sa mukha. Tumatawa ako na dinamba ito ng yakap. “Anak, ikaw ba talaga yan?.” “Kakambal ko po ito tatay.” Sagot ko sa aking ama na penektusan ako sa noo. “Anak nga talaga kita, pilosopo ‘e, manang mana sa pinagmanahan na ina.” “Namiss po kita tatay.” “Ay magaling! Kanina hindi mo sa akin sinabi na namimiss mo ako. Ngayon sa ama mo ganyan ka kalambing.” “Halika na nga dito nay ang arte mo, hindi naman bagay.” Hila ko sa braso ni nanay kaya nagkatawanan kami. Ang ama ko na hinalikan ako sa noo at niyakap na muli. Halata ang pagnanabik nito sa akin. “Oh siya! Kukuha lang ako ng inumin at nakalimutan ko pala. Tatapusin lang muna namin ni Gino ang pagtatanim at babalik ako kaagad dito, magluluto tayo ng paborito mong tinolang manok na native.” Tumango lang ako sa aking ama at niligpit ang pinagkainan namin ni nanay kanina at hinugasan. Pagkatapos ay pumasok na ako sa maliit na silid. Maganda na ang bahay namin, malayong malayo na nga sa dating kubo na maraming tukod ng kahoy para hindi magiba kapag bumagyo. Noon ang silid ko ay maliit lang na kawayan din ang papag. Ngayon magandang klase na ng kahoy na ang ginamit sa pagkakagawa mayroon na din na double size na kutson. Naghubad ako ng aking damit at ni locked ang pinto. Nahiga ako at para bang gumaan ang bigat na aking nadarama at mga alalahanin. “There's no other place like home.” Mahinang bulong ko sabay yakap sa isang malaking unan. Kinapa ko ang aking cellphone at tinitigan ang wallpaper nito na si Creed Montejo. Kilalang businessman at laging laman ng mga magazines na pini-print namin noon pa. “Napakagwapo mong matanda ka. Kahit ikaw lang maka-una sa akin, kahit hindi mo ako panagutan ay ayos lang. Mukhang masarap ka naman.” Sabi ko sa larawan sabay haplos dito. Makita ko lang ang mga stolen shots ng lalaki ay nanginginig na ang aking katawan at nag-iinit. Iba talaga ang dating nito sa akin. Pinatay ko na ang aking cellphone at bumangon akong muli para ayusin ang aking ibang damit na madalas ko gamitin kapag nasa loob lang ng bahay. Kapag lumabas ako ay madalas maong na pantalon ang aking suot at blouse lang. Pero kapag nasa loob ako ng bahay ay halos ayaw ko ng magsuot ng damit. Utak pang porn star pero kilos na pang Maria Clara. Madalas sabihin ng board mates ko sa akin sa Bulacan. “Ate!!!!! Ate!!!!!.” Sigaw ni Gino mula sa labas ng aking silid. Naiinis na nag suot ako ng sando at maikling shorts. “Ate, pang bold stars pa rin pormahan mo?. Namiss kita.” Sinapok ko ang aking kapatid na tumawa lang at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. “Namiss kita ate. Mamaya dito kami kakain ni Rona at baby James. Ipapakilala ko sayo ang gwapo mong pamangkin at magandang sister in-law.” “Oo sige na, makakalibre ka na naman ng tanghalian.” “Ay grabe ka ate! Tanim ko ang papaya na gagamiting lahok sa tinola.” “Ay ganun ba? Oh sige may ambag ka pala. Mabuti at hindi ka na buraot.” “Ganun talaga ate kapag nagkakapamilya, tinutubuan din ng hiya sa katawan.” “Mabuti naman at nagkaka-utak ka na din.” “Ang pasmado pa rin ng bunganga mo ate, mana ka talaga kay nanay.” “Alangan sa kapitbahay?.” “Oo nga naman ate! Sige na tapusin mo na ang mga ginagawa mo dahil inutusan lang ako ni tatay baka mabulyawan na naman ako at masabihang patayak.” Tumango lang ako sa aking kapatid na humalik muli sa aking pisngi at yumakap. Kung tutuusin okay naman ang buhay namin. Halos dalawang taon na mula noong sinabi ni nanay na ayaw na daw niyang tumanggap ng padala na pera mula sa akin, kaso ako mapilit talaga. Dahil gusto ko habang wala akong sariling pamilya ay pakinabangan muna ako ng aking magulang. Dahil alam ko kapag nakapag-asawa na ako, doon na lahat ng atensyon ko at pera. Kaya siguro ako umabot sa ganitong edad na never been kissed never been touched. Dahil sa mindset ko. Pero hindi naman ako nagsisisi dahil nakikita ko naman na napunta sa maganda ang sampong taon ko na pagbabanat ng buto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD