Tanghalian:
“Anak, bigay ni ate Arleta. Mga kutkutin galing Manila.”
“Oh akala ko ba Tay ayaw din umuwi ng matanda na yun dito sa probinsya?.”
“Paano naman anak, ang pinsan mo na si Claire nanganak na. Wala naman ama dahil mukhang takot sa responsibilidad ang lalaki na Mama's boys pa.”
Sabi ng ama ko na umiling pa. Naupo na kami sa hapag-kainan at itinabi muna sa isang lamesa ang mga pasalubong ng tiyahin ko.
“Ate, pamilya ko. Si Rona asawa ko pala at anak namin na si baby James.”
“Maganda pala asawa mo Gino, kaya pala binuntis mo kaagad. Hindi ka ba nagsasawa Rona sa kapatid ko na tamad?.”
“Hindi pa naman po ate, medyo responsable na po sya ngayon.”
“Mabuti naman kung ganun. Kapag nagising ka na sa katotohanan, sabihan mo ako at isasama kita sa Manila doon tayo mamuhay ng masaya at magpayaman.”
“Ate ang sama mo na impluwensya. Kaya ikaw Rona babe, alam mo na kung sino ang dapat iwasan.”
“Hahahaha tama na ang asaran ninyo magkapatid, halina kayo at maupo na. Nagugutom na ako. Magdasal ka na Gino ng humaba pa ang buhay mo.”
“Nanay talaga ‘e, mana si ate na bully.”
Sabi ng kapatid ko na ipinaghila ng upuan ang asawa at pinag sandok ng pagkain. Mukhang nag bago na nga ito, malayo na sa dating kapatid ko na puro lagi nanay at ate ang tinatawag dahil ang tatay naman ay abala sa bukid.
“May plano ka pa ba umalis anak?.”
Malungkot na tanong ni tatay na tinanguan ko naman.
“Hindi ako sanay ng walang ginagawa tatay, pakiramdam ko nanghihina ako. May pera naman ako na nakuha mula sa nagsara namin na kumpanya. Gusto ko magtayo ng sari-sari store si nanay para hindi puro chismis ang inaatupag sa buhay. Ikaw din Rona, magtatayo ka ng maliit na tindahan mo. Bibigyan kita ng sampung libo na puhunan, ikaw na ang bahala na magpalago. Para kapag naisip mo na iwanan ang kapatid ko, may sarili kang pera. Medyo malaki ang pera na hawak ko, bunga ng taon na pagtatrabaho ko sa kanila, kaya sana palaguin ninyo. Sa sunod na linggo ay babalik na ako sa Manila at maghahanap ng trabaho. Nakausap ko na ang dati kong kasama sa trabaho, doon muna ako sa kanya tutuloy.”
“Ikaw ang bahala anak, basta ang sinasabi ko sayo. Sarili mo na muna ang isipin mo sa pagkakataon na ito. Tama na ang mahabang panahon na pasan mo kami.”
Sabi ng ama ko na halata ang lungkot sa kanyang mga mata habang kumakain.
“Gusto ko makabili ng bahay sa Syudad, total nandoon naman talaga ang hanapbuhay at wala dito sa probinsya. Balang araw lalaki ang anak mo Gino, sa Manila din ang tungo niyan sigurado, gusto ko na may sarili tayong bahay na maaring tuluyan doon. Dahil mahal ang cost of living sa Syudad.”
“Salamat ate, lagi na lang kami ang iniisip mo. Nakakahiya na masyado.”
“Hindi uso ang hiya sa pamilya, basta ang gusto ko lang ayusin mo ang buhay mo. Ama ka na at magulang maging mabuti kang ehemplo.”
“Opo ate, salamat sa lahat.”
“Oh siya! Tama na drama. Lalamig na ang pagkain. Mamaya na tayo mag-usap ng mga bagay bagay.”
Sabi ng aking ina na namumula ang mata. Halatang naiiyak pero pinapagaan ang usapan. Magana naman kaming kumain at nasimot nga lahat. Si Gino na ang nag prisinta na maghuhugas ng plato. Si nanay naman ay karga ang anak nito na si James at pinapatulog na.
“Grabe ate, ang ganda mo pala, akala ko nagbibiro lang si Gino kasi wala naman maputi dito sa Baryo natin. Ikaw pala! Grabe ang kinis mo pa.”
“Tama ka na Rona, sige gagawin ko ng kinse mil ang ibibigay ko sayo na puhunan, tama na ang papuri mo sa akin.”
“Ate naman, totoo po.”
Tumango na lang ako sa aking hipag at nagpasalamat. Noon pa man laging pinupuri na ako, kaya hindi sa pagmamayabang ay sanay na talaga ako. Naupo kami sa balkonahe ng aming bahay at nagkwentuhan habang kumakain ng kakanin na luto din ni nanay.
“Boyet! Ay kumpleto ang mga pamangkin ko ngayon ah?.”
Nagmano kami sa kapatid ni tatay na panganay at saka inalok ito ng kinakain namin.
“Salamat, kaawaan kayo ng Diyos.”
Sagot ni Tiya na niyakap na namin at inabutan ng isang baso ng juice.
“Boyet, may sadya ako sayo. May kilala ka bang maaari maging kasambahay?. Mukhang matatagalan ako makabalik sa mansion ng mga Montejo dahil dinudugo ang pamangkin mo na si Claire. Paano ba naman kung hindi tanga ‘e, naghuhugas ng plato binuhat ang palanggana na maliit. Sinabi ng huwag mag bu-buhat kahit kaunti o maliit lang dahil nakakabinat.”
Naririnig ko na usapan ng aking tiya at ni tatay. Hindi ko ito pinansin dahil nga sila ang nag-uusap.
“Magkano ba ang sahod para kumpleto ang detalye kapag nagtanong ako sa mga kilala ko.”
“Treinta y cinco mil, Boyet ang buwanan.”
“At ako na lang tiya!.”
Napalingon ang dalawa sa akin dahil napalakas ang boses ko. Saan ako kukuha ng thirty five thousand? Tapos libre na lahat, pagkain, bahay at kung ano pa. Malinis na thirty five thousand.
“Ang bilis mo anak kapag pera ang usapan ah?.”
Sabi ni tatay na naiiling pa at natatawa na inakbayan ako.
“Pasado ba ate ang pamangkin mo?.”
“Ay oo naman! Bakit pala papasok kang kasambahay Maye? Wala ka na bang trabaho?.”
“Lady Mae, Tiya Arleta naman ‘e, niuma na ng panahon ang Maye na tawag mo sa akin. At opo, wala na ako sa publishing house dahil nagsara na po.”
“Sige, kukunin ko ang numero mo ha. At tatawagan ko din ang amo ko.”
“Mabait po ba ang amo mo tiya?.”
“Ay oo naman anak! Mga mababait sila. Tatagal ba ako ng ganito at doon na din halos tumanda kung hindi?.”
“Sige po Tiya, next week po luluwas na din ako at tutuloy ako saglit sa Manila sa kaibigan ko na kasama ko dati sa trabaho. Magsi-celebrate lang ng kaarawan nya, pagkatapos ay saka na ako papasok sa amo mo, ayos lang po ba?.”
“Okay sige tawagan na lang kita ha?. Mabuti naman at ikaw na lang ang papalit muna sa akin. Mahirap kasi kapag ibang tao. Lalo sa panahon ngayon, mahirap makahanap ng mapagkakatiwalaan.”
Hanggang sa natapos ang aming usapan at nagpaalam na rin ang tiyahin ko. Nagpaalam na din ako na sa silid muna ako dahil nakakaramdam ako ng antok. Iba talaga ang hangin ng probinsya, ang lamig kahit matingkad na ang init ng araw sa labas. Hindi pa kailangan ng electric fan dahil sa dami ng punong kahoy ay mapresko na, basta nakabukas lang ang bintana. Kapag siguro tumanda na ako, dito ko gustong manirahan. Sa ngayon na kailangan ko pang tuparin ang mga bagay na gusto ko tulad ng bahay sa Syudad at malaking pera sa bangko ay kakayod muna ako. Hindi ko rin alam kung makakapag-asawa pa ba ako dahil sa totoo lang mapili talaga ako sa lalaki. Isang Creed lang okay na ako. Hinaplos ko ang aking p********e na namamasa na naman, maisip ko lang ang malaking bukol ng lalaki sa mga larawan ay nag-iinit na ang aking katawan. Ito ang isa sa sikreto ko. Ang mahilig ako mag sarili at pagnasahan ang lalaki na gustong gusto ko.