“Sorry, nakatulog pala ako. Ang sarap kasi ng hangin dito, nakakaantok.” Sabi ko kay Zy na nakangisi lang. Kunot noo at pinaningkitan ko ito ng mata dahil parang baliw ang itsura. Ang creepy! “Ilang oras ba ako naka-tulog, Zy?.” “Tatlong oras siguro, baby. Hapon na kaya at ang mga kaibigan mo mga nag-iihaw sa labas at nagkakantahan. Tara na doon, nandoon din si papa.” Tumango ako kay Zy at yumakap sa bewang ng lalaki. Nagulat ako na ang daming lamesa sa labas na may tablecloth pa na white. May mga bulaklak din na decoration at stage pa. “Hahahaha anong meron, Zy?. May banda ba na magpe-perform sa harapan?.” Tanong ko sa lalaki na malakas tumawa sa akin sabay tumango. “Wow! Totoo?.” Pangungulit ko sa lalaki na tumawa lang. Habang naglalakad kami palapit sa mga upuan. Nagulat a

