Paggising ko ay wala na ang dalawang lalaki sa tabi ko kaya bumangon na rin ako at nag linis ng aking katawan. Pagbaba ko ay wala ang dalawang lalaki kahit sa baba ng cottage, pero may mga pagkain naman sa baba na mayroong takip. Lumabas pa ako at nakita ko sa tabing dagat na masayang nagkukwentuhan sina mama at ang dalawang lalaki. Si Gino naman ay nasa kabilang side habang naghaharutan ng kanyang asawa. “Hello baby, sino ang pogi sa aming dalawa?. Si Papa o si Uncle?.” Tanong ni Zy sa pamangkin ko na isang taon pa lang. “Papa.” Sagot ng bata sabay turo kay Creed. Nakanguso naman si Zy at nag puppy eyes sa bata. “Uncle, Uncle!.” Sigaw ng bata k’ya kiniliti ng kiniliti ni Zy, naghahabulan sila sa buhanginan ng bata. Ang gandang pagmasdan. Si Nanay at Creed na ay masinsinan na

