Naka dalawang prenatal checkup na kami ni Zy. Halos dalawang buwan na simula ng malaman namin na buntis ako. Si Creed patuloy pa rin akong iniiwasan. Medyo nahihirapan na ako dahil nasa isang bahay lang kami. Hindi ko alam kung ano ang problema ng lalaki, ayaw naman magsalita ni Zy. Ang nakakatawa pa dahil sagana naman ako sa mga pangangailangan ko dahil si Creed ang namimili katulad na lang ng gatas sa buntis at mga vitamins. Pati mga damit at sandals, maging sapatos na pang buntis ay si Creed ang namimili. Si Zy naman ang sa pag-alalay sa akin at kasama sa mga check-up. Nandito ako ngayon sa pintuan, nagpapahangin habang hinahaplos ang aking tiyan. Ramdam ko ang mahinang pintig sa aking medyo nakabukol ng tiyan. Para bang tumaba ako ng Konte or bloated sa itsura ng aking tiyan ngayon. “

