Nakatulala lang ako sa loob ng hospital. Wala akong lakas makipag-usap o pakiharapan ang kahit na sino. Pakiramdam ko ay pinagtulungan ako ng mundo. Dahil ba sa nagkagusto ako sa dalawang lalaki? Ganito ba ang parusa ng langit? Bakit ang mga kabit masayang namumuhay, samantalang marami silang sinira na buhay. Ako, kami wala naman akong inaapakan na tao. Wala naman kaming sinira na buhay pero bakit kami pinaparusahan?. “Baby, ayusin ko na mga gamit mo. Mamaya lalabas na tayo ng hospital ha. Wait lang natin si Papa.” Hindi ako umimik kay Zy, nilingon ko lang ang lalaki at saka muling tumingin sa bintana. Naramdaman ko naman ang pag-lundo ng kama na hinihigaan ko, indikasyon na nakaupo sa tabi ko si Zy. “Baby, alam ko masakit para sayo na mawalan ng anak. Pero baby, kahit naman kami ni

