Habang nakaupo ako sa buhanginan at dinadama ang bawat hampas ng alon sa aking paa, naalala ko ang mga magulang ko. Hindi mabura sa isip ko kung paano ako pandirihan ni Nanay. Ang ina ko na sinunod ko buong buhay ko, lahat ng sinabi niya ay sinunod ko dahil nga mom knows best. Pero bakit nagawa niya akong talikuran? Ang ama ko na wala akong ginawa kung hindi alalayan at tulungan para kumita ng pera para sa pamilya namin. Pero nagawa akong pag salitaan ng masakit at ang pinakamalala at nakakadurog ng puso ay ang pabayaan ako na dinudugo. Dahil siguro sa sinabi niya na salot ang anak ko at magdadala ng kamalasan para sa pamilya. Hinampas ko ng mahina ang aking dibdib dahil sa sakit na aking nadarama. Gusto ko sumigaw at sisihin silang lahat! Kasama ang dalawang lalaki na laging walang oras

