“Kriiiiiiiiiing kriiiiiiiiiing kriiiiiiiiiing!.” Maingay na tunog ng aking cellphone ang nagpa-gising sa akin. Alas otso pa lang ng umaga pagtingin ko sa ding-ding kung saan nakasabit ang parisukat na wall clock. Inabot ko sa ibabaw ng maliit na lamesa ang aking aparato at sinagot ko ang tawag. “Pasensya na Sir Creed dahil maaga ako napatawag, ang mga magulang po kasi ni Ma’am L ay naka-ilang balik na dito sa mansion. Hinahanap po si madam.” Hindi ako kaagad nakakibo, pero sa susunod na araw ay pareho kami ni Zy na kailangan na sa trabaho. Kaya wala kaming pagpipilian kundi tapusin na ang bakasyon namin dito at bumalik na sa opisina. “Sige, sa linggo baka nand’yan na kami. Kapag bumalik ang magulang ni L, sabihin mo Monday na lang sila kamo bumalik.” Sabi ko sa aking kasambahay sa

