bc

LTML 2: Legal Wife

book_age18+
12.4K
FOLLOW
46.1K
READ
billionaire
love-triangle
second chance
powerful
dare to love and hate
CEO
mafia
twisted
city
Neglected
like
intro-logo
Blurb

"You can't change the fact that I'm your wife, you are my f*****g husband and the girl beside you...

fuck you b***h, you're just a f*****g mistress."

-Jewel Clemente

chap-preview
Free preview
1
Jewel's POV "Ready ka na bang makita sya ulit?" Tanong ni Sean sa akin, "Kung hindi pa pwede mo----" "Kaya ko na. Kukunin ko ang dapat na para sa amin ng anak ko, ang nararapat para sa anak ko!" Sabi ko at tumingin sa likod ng sasakyan kung saan natutulog si Zhaika. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng lumayo kami ng anak ko. At masasabi kong kaya ko na. Nag-aral ako ulit at pinatatag ang sarili ko para sa araw na maghaharap kami ulit ng asawa ko at ng babaeng pinalit niya sa amin. Sumuko ako nuon. Masisisi ba nila ako? Kung lagi nya kaming pinagtatabuyan ng anak ko ? Umalis ako pero hindi ibig sabihin na hahayaan ko na silang magsaya ng babae nya. Napadpad ako sa Pangasinan nuon ayokong gumamit ng cards baka matunton ako nila mommy Sheen, tinulungan din ako ng magulang ko at naintindihan nila nuong sinabi kong gusto kong lumayo. Lumayo sa kanila pero hindi ako nangibang bansa dahil alam kong duon ako unang hahanapin nina daddy Gavin at mommy Sheen. Sa Pangasinan nalaman kong duon din ang probinsya nila Sean kaya sila ang naging kasa kasama ko habang malayo ako sa pamilya ko.... Sa asawa ko. "Ikaw ang bahala. Nasa likod mo lang ako," tinignan ko si Sean. Sya ang umalalay sakin sa lahat pati na sa pag aalaga ng anak ko. Malaki ang tulong na ibinigay nya samin, "manunuod sa laban mo with matching popcorn pa. Hahaha" "Baliw" "Cupcake ngiti ka kasi, ang pangit mo pag hindi ka nakangiti," saglit nya akong tinignan bago nilipat ang tingin sa daan. "Natatakot ako na baka sa gagawin ko anak ko ang masaktan at siya ang umiyak sa dulo," pag-amin ko dito. "I won't let that happen," seryosong sabi nito kaya napangiti ako. "Saktan ka na nila wag lang ang girlfriend ko. Hahahah" "Fishtea ka. Bata pa ng anak ko. Kala ko pa naman concern ka sa akin," natatawa kong saad at hinampas siya sa braso. " Haha ayaw mo kasi akong sagutin kaya si Zhaika na lang. Mas maganda pa sya sayo at mas matapang. Iyakin ka," biro nito. "Anak ko yan kanino pa ba magmamana ng kagandahan. Eh di sa dyosang ina. That's me," proud pang sabi ko. Tinawanan nya ako at nag umpisa na kaming magkwentuhan ng kung ano ano. Puro lang ako tawa sa pinag sasabi nito. Habang si Zhaika ay tulog pa rin. Kahit ang tagal namin nanirahan sa probinsya hindi sya umitim. Namumula lang ang balat nito sa tuwing nagpapaaraw. Kahit sa bahay sa pangasinan pansinin talaga ang anak ko dahil sa angking ganda at sa kaputian. " Dederetcho ba tayo sa bahay nyo? O sa condo ko muna kayo titira?" " Sa bahay na lang. Baka ipa shoot to kill ka ni daddy pag nalaman na sumama ako sa condo mo. Hahaha," natatawa ako dahil napangiwi sya sa sinabi ko " Sasabihin ko kay tito papanagutan kita, " binatukan ko nga. "--- ouch, cupcake i'm driving. Mamaya mo ako lambingin. Haha" "Ewwww lambingin? Binatukan kaya kita. Karuten takad tan natnam," sabi ko na tinawanan nya lang. (Kurutin kita jan kita mo.) "Ang cute mong magsalita ng panggasinense para kang inipit na pusa. Hahah" "Sean huh tawa ka nang tawa pag ikaw nakita ng mga empleyado mo di ka na rerespetuhin. Dapat seryoso - boss ." Sean Cross - sya ang may-ari ng isa sa malaking construction firm sa asia ang CROSS-CS. Oh di ba bigtime ng kasama ko. Minsan sa isang buwan lang yan umuwi sa pangasinan dahil sa busy ito sa company nya. Ewan ko dito. Uuwi sa pangasinan at uubusin ang oras sa anak ko at sa'akin. laging nasa bahay. Minsan nga humihingi ako ng patawad sa magulang nya dahil sa amin nauubos ang oras na para sana sakanila. Pero tinawanan lang ako ni tito at tita. Mas okay na daw yun kasi dati hindi talaga umuuwi. Napalapit na din ang anak ko sa magulang ni Sean pati sa buong pamilya nito. "Oh nagwapuhan ka sa akin nuh. Kung ice cream lang ako kanina pa ako tunaw sa init ng titig mo. Inlove ka na. Hahahha" "Whatever." "Cute. Baba ka na nandito na tayo ako ng bahala kay Zhaika," napatingin naman ako sa harap at kita ko ang pinto ng bahay. "ATE? ATEEEEE. MOMMY, ATE JEWEL IS BACKKK!" Gulat na sabi ni Jhaydon at sumigaw. "Haha you missed me that much? Come here give me a hug," sabi ko dito at agad naman nya akong niyakap. "Binatang binata ka na huh." "I missed you ate. I wanted to visit you pero hindi ako pinayagan ni mommy, " he whispered. "Tskkk, I missed you too." "Are you going to stay here for good? Hinahanap ka nila tita sheen," nginitian ko lang sya at tumingin kay mommy na naluluhang nakatingin sa akin habang si daddy naman ay nakayakap na sakin. "Finally you're back, hime." Sabi ni daddy sa akin. "Ouch mommy makahila ka ng buhok ko huh, " inis kong sabi pero hinila nya ako para mayakap. " Namiss kita. " Sabi ni mommy kaya natawa ako at niyakap din sya "Excuse me- ahh saan ko pwedeng pahigain si Zhaika? Baka kasi magising sya bigla," napatingin kami kay Sean na dala dala ang anak ko na tulog. " Ang apo ko. Halika pasok ka dun mo ibaba sa kwarto nya. Ang laki nya na at napaka ganda," "Oa ka mhie lagi ka kayang dumadalaw kay ate," "Manahimik ka Jhaydon baka gusto mong ipagiba ko ulit ang condo mo dahil sa pagdadala ng kung sino sinong babae. Ewan ko nga kung malinis ka o may dala ka ng virus dahi sa kaka pak pak mo ng mga babae!" Natawa ako sa sinasabi ni mommy. Pak pak haha. "Stop it, lady. Baka magising ang apo natin. Mr. Cross akin na ang apo ko at ako ang maghahatid sa kanya," agad namang binigay ni Sean si Zhaika kay daddy. "Una-" di natuloy ni sean ang sasabihin ng magsalita si daddy. "Huwag kang umalis. Hintayin mo ako dito mag-uusap tayo, " mahigpit na sabi nito bago humarap kay Jhaydon. " Magpahanda ka ng makakain at baka nagutom ang ate mo at kuya Sean mo." "Why me?" Apela ni Jhaydon pero nakita kong kinurot sya ni mommy sa tagiliran. Haha binata na pero nakukurot pa. "Sabi ko nga oo na magpapahanda na ako. " Umupo kami sa sala habang hinihintay si daddy. Kamustahan at ang daming tanong ni mommy kay Sean. Pero dahil si Sean ang kausap nya na mabulaklak ang bibig ayun walang problema. Pagkababa ni daddy ay nakaramdam ako ng tensyon. Seryoso syang nakatingin sa akin. " Sean nagpapasalamat ako sayo at sa magulang mo sa pag alalay sa anak at apo ko habang nasa probinsya sya,"una ni daddy. "Wala po yun tito." "Kamusta ang kompanya mo? Hindi ka ba kailangan duon ngayon?" "May mga pinagkakatiwalaan po akong tauhan tito kaya wala pong problema pag wala ako dun. Ang mahalaga po ay naihatid ko ng maayos si Zhaika at Jewel," pormal na pormal itong lalaking 'to . Ako naman ang tinignan ni daddy. "Sa pagbabalik mo naghihintay na ang kompanya natin sayo anak," seryosong sabi ni daddy kaya napaayos ako ng upo at tumingin ng matiim sa kanilang dalawa ni mommy. "Sorry dhie, sorry mhie. Hindi ako bumalik dito para sa kompanya natin," naramdaman kong hinawakan ni Sean ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya bago muling humarap sa magulang ko. " Kukunin ko ang dapat na sa anak ko at sa akin. Magtratrabaho ako sa kompanya ng mga Clemente. Sa kompanyang pinapamahalaan ni Ivan, sa Kompanyang pagmamay-ari naming mag-asawa!" Deretcho kong sabi. Bakas ang pagtutol sa mga mata ng magulang ko pero di nila ako mapipigilan. Akin din ang mga yun. I am the LEGAL WIFE. ------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook