Trina's pov "Oh ina buti naman at naisipan mong pumunta dito." "s**t crixa. Kailangan na natin siyang ibalik." Sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Tinulak naman ako nito. "Ano bang pinagsasabi mo. Umayos ka nga. Di ba gusto mo din to para mapa sayo si sean?" Umiling ako habang palipat lipat ang tingin sakanya at kay monique. Oo kilala ko sila. "Don't you get it? Kailangan nating siyang pakawalan. Galit na galit ang asawa niya at muntik nang baliin ang braso ko. Papatayin daw niya kung sino man ang may pakana. I know he was serious about what he said." Di ko mapigilang magtaas ng boses. Alam ko na kahit babae kami kaya niya kaming patayin para lang kay jewel. Yun ang nakita ko nung binantaan niya ako. Nakaramdam ako ng pagsampal kaya napatingin ako kay monique. "Ano kalmad

