Playing - On this day by David Sean's pov Months ago sinisisi ko ang sarili ko habang pinapanuod kita sa hospital. Ilang buwan kang nacoma dahil sa nangyari sa iyo. Wala ako sa panahong kailangan mo ako. Wala ako sa panahong sinaktan ka. Wala ako sa panahong pinapahirap ka. Lagi kong pinagdarasal na kahit hindi ako ang piliin mo basta magising ka lang sa matagal mo ng pagkakatulog, okay na ako duon. Okay lang na hindi ako ang makatuluyan mo, ang gusto ko lang masilayan ulit ang ngiti mo. Kahit hindi ako ang makasama mo habang buhay, basta makita lang kitang buhay. Naalala ko pa ng gabing tinawagan ako ni Tita para sabihing nasa hospital ka at nag-aagaw buhay. Sa oras na 'yun sarili ko ang sinisisi ko. Tang *na bangungot. Grabe 'yung takot na naramdaman ko sa oras na 'yun. Shit, 'yung

