JEWEL's POV " 'Di ba favorite mo ang sinigang. Ito damihan mo pa," sabi ng bruhang third wheel. "Thank you. Kain ka na," isa pa 'to. Ang aarte. Nakakainis. "Kumakain na kaya ako. Naalala ko lang na favorite mo ang sinigang. Sige na ubusin mo na kasi," pabebeng sabi ni Trina. Geh lang, pag ako nabwesit ibubuhos ko 'yang sinigang sa bunganga mo bruha. "Haha ang dami mo nang nilagay," ang landi ng Sean na ito. Hello! Nandito pa ako oh! Ako yung ka-date mo. Bakit parang ako pa ang lumalabas na third wheel. Sigaw ko sa isip ko. Sinong hindi maiinis kung ang date niyo ay mahaluan ng bestfriend at kung umasta parang girlfriend. Ay, aba. Bastusan ang gusto nila. "Cupcake , you should try this !" baling ni Sean sa akin at nilagay sa plate ko ang sinigang. Pansin pa pala nila ako. Akala

