Jewel's POV "Mommy let's go na." Kanina pa ako minamadali ng anak ko. Tinignan ko ito at may dalang maliit na bag. Hindi ko alam kung anong meron duon ayaw nyang ipakita sakin. Ginising nya ako ng maaga kaya lang bumalik lang ako sa pagtulog. Tinignan ko ang oras. Six in the morning. "Wait baby magbibihis muna si mommy." "Okay po. May kukunin lang ako sa kitchen. Bilis mommy huh" sabi nito bago umalis sa harap ko. "DON'T RUN" gulat na napasunod ako baka mahulog sya sa stairs. "Ops gotcha. " Sabi ni jhaydon ng mahuli nya si zhaika pababa na sana ng hagdan . Humarap ito sakin. "I got em , ate ." Then he winked at me "Goodmorning my oh so handsome tito. Carry me po papunta sa kitchen." Bola ng anak ko. Natawa naman si jhaydon bago ako tinanguan. Nakatingin lang ako sa masayang mu

