MGC's Building
" Hoy anong ginagawa niyo sa gamit ni lady Jewel? Kuya, ibaba mo yan! Goshhhh, wag yan ang mahal nyan. Ibaba niyo sabi! Mga bingi ba kayo!?" sigaw ni Cholo.
Hindi alam ni cholo kung saan sya titingin dahil sa paghahakot sa gamit ng boss nya.
"Huwag ka ng makialam kung ayaw mong mawalan ng trabaho. This office belongs to my fiancee. He is the real owner of this company," sahi ng kakarating lang ni Crixa.
"Aba-aba ngumingipis ang ozone layer pero yung mukha mo ang kapal pa rin. Kabit ka lang naman kala mo kung sino ka rito!" taas na kilay ni cholo kay crixa, "huwag mo akong tinataasan ng kilay kakalbuhin ko yan. Secretary ka lang din naman!"
" Parehas kayo ng ugali ng amo mo- balahura at ugaling squatter," pang-uuyam na sahibni Crixa.
"At least hindi kabit ang boss ko. Ikaw kung makakapit kay sir Ivan wagas, kabit ka lang din naman. Bitawan niyo yan mga kuya or gusto niyong mawalan ng trabaho pag nalaman ito ni lady Jewel, " maanghang na sabi ni Cholo .
"Fiancee ako ni Ivan. Ang may-ari ng kompanyang ito. Ayusin mo ang pakikitungo mo sakin kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" Crixa hissed.
"Paki hanap ang paki ko girl!"
Sasagot pa sana si Crixa ng dumating si Jewel.
"What is happening here?" Sabi ng bagong dating na si jewel.
Agad namang lumapit si cholo rito, " Lady Jewel yan kasing babaeng yan nadatnan ko na inuutasan ang mga lalaki na yan na tanggalin ang gamit niyo rito," sumbong ni Cholo sabay turo kay Crixa.
Napatingin si Jewel kay Crixa.
"Oh Crixa not my office. Did you know that I humiliated your parents here? Gusto mo atang magaya sa kanila?" Nakangising sabi ni Jewel. Habang si crixa naman ay galit na nakatingin dito.
"How dare you!" galit na sabi ni Crixa.
"No!!! HOW DARE YOU para kausapin ako. You're just a mistress. Ang kapal ng mukha mo at ng magulang mo na humingi ng pera sa ASAWA KO. Pathetic." Seryosong sabi ni Jewel
"That is for investment. Hindi yun hingi. At wala kang paki alam,"
"Ha ha are you insane? Crixa kabit ka lang- asawa ako. Sino ang may karapatan ngayon? Wala akong paki? Stupid, Asawa ako! "
"Mahal niya ako" sabat ni Crixa na tinawanan lang ni Jewel. Kita din ang pagkamuhi sa mata nya.
"Mahal ka? Bakit hinahayaan niyang maging kabit ka? Mahal ka?- o ginagamit ka lang niya sa kama? Come on, Crixa. Answer me, does he really love you?" Hamon ni jewel.
"Pinili nya ako kaysa sa inyo ng anak mo!" May diing sabi ni Crixa na nagpainit sa ulo ni Jewel, " Oh ano sasampalin mo ko? Di ba totoo pinili nya ako kaysa sa inyo ng anak mo!"
"Alam mo ang pinaka ayoko? Ang nadadamay ang anak ko!" galit na sabi ni Jewel.
"Sige lady sampalin mo. Hawak ko ng mahigpit to." Si Cholo na hinawakan ng madiin si Crixa
"Damn you. Bitawan mo akong bakla ka- hmmmm ahhhhhh" hinawakan ni Jewel sa panga si Crixa habang hawak ito ni Cholo.
"Pinili ka nya? Maybe yes. Kasi di niya kami maalala. Paano pag naalala nya na kami? Saan ka pupulutin Crixa? Saan pupulutin ang kabit na gaya mo!?"
"Mahal nya ako. Ano ba bitaw!"
"Haha sa tingin mo may paki ako?" nilapit ni Jewel ang sarili nya dito, "Sulitin mo na ang araw na nakakangiti ka pa. Pag kumilos ako buong pamilya mo papaiyakin ko!"
"Cholo call the security. Paalisin ang babaeng yan."
Lumayo si Jewel at tumungo sa loob ng office.
"Let go .. arghhhh."
"Akala mo kung sinong matapang salita pa lang ni lady namumutla ka na. Alis shoooo shooo. Panira ka ng araw, kaka imbyerna ang facelak mo! "
Jewel's POV
Panira ng araw. Di pa nadala sa pagsampal ko kahapon. Bumalik pa talaga ng walang bantay, tsk.
Knock -knock.
"What is it Cholo?" I asked.
"Lady Jewel, you have a meeting exactly 9am with mr. Chua. " s/he said .
"Cancel my meeting with mr. Chua. Ipatawag ang mga nasa board kahapon. I want to talk to them," I demanded.
"Kasama po si sir ivan ?"
"Yes!" I nodded, "Without his secretary Cholo. "
"Noted, Lady Jewel."
"Cholo lalaki ka pa rin. Pag nagpumilit siyang pumasok drag her away. Intiendes?" Sabi ko dito.
"Si señiora," Tsk.
Pagkaalis niya ay tinawagan ko si Sean. Ilang ring lang ay sinagot nya na agad
"I'm coming tonight, Cupcake." Bungad nya sakin.
"Hello too." Sabi ko naman. Narinig ko syang tumawa.
"Inunahan na kita baka sermunan mo ako. Haha how are you? Balita ko nasa Pinas na siya. Umiyak ka ba?" Nagbago ang tono ng boses nya. Seryoso na .
"Sean hindi ako umiyak. I even slapped her mistress face infront of him. I did it. " I whispered. Kahit ako hindi makapaniwala. Akala ko iiyak ako pag nakita kong ibang babae na ang kasama niya. Darn, nasanay na ata ako .
"Wow, I'm so proud of you. Akala ko pag uwi ko jan may susugurin ako para suntukin sa pagpapaiyak sayo. Wala pala," he said.
"Haha, I think i'm immune for all the heartaches ."
" You are just contented of what you have, Cupcake. Tama yan wag kang umiyak, ipakita mong wala lang sya. I saw that Crixa Tiu once, ang pangit. Hahaha," baliw talaga.
"Of course ako lang kasi ang maganda sa paningin mo. Haha"
"Walang wala sya sa ganda mo, Cupcake. By the way, I need to go may last meeting pa ako." Paalam nya.
"Okay. Ingat sa byahe, Sean. I miss you."
"I miss you too. Bye. Love you."
Tsk ang hilig talaga akong p*****n ng lalaking yun. Lagot saakin yun mamaya.
Ilang minuto pa akong naghintay ng sabihin ni cholo sa akin na completo na ang lahat sa board room kaya agad akong pumunta.
Nadatnan ko ang parehas na tao mula kahapon minus the mistress.
"Goodmorning everyone. I'm sorry about what happened yesterday," I said bago umupo hinarap ko naman si Ivan blankong nakatingin sakin. "What is it dear husband? Para saan ang meeting kahapon."
"This is my company -"
"I know. This is our company" i smiled .
" Damn it, I'm serious here. I still have the last say in my company. You humiliated mr and mrs Tiu . Pinirmahan mo nalang sana agad," galit na sabi nito. Natawa naman ako.
"I'm not sorry for not signing that damn papers Ivan. 500 millions? You're damn sick. I have the right to say NO. This is my company too, I'm still your wife," Madiing sabi ko.
"Mr. Ivan your wife is right. 500 millions is not a joke," Sabi ng isa sa board members.
"I agree."
"Me too. Pabagsak na ang company ng mag asawa. Mas okay sigurong bilhin yun kaysa mag invest ng ganyang halaga."
"DAMN IT," galit na sabi nito at nakuha pang tumayo at malakas na hampasin ang mesa," That is my money, kahit ibigay ko yan wala kayong paki."
" 500 millions para sa pamilya ng kabit mo," Mariing kong sabi na nagpatahimik sa kanya. " Huwag mo akong bastusin Ivan, I can do worse! "
"That is for investment."
"Oh shut up! you stupid dumbass. Investment 500 millions? NO- try me, Ivan. Try to sign that damn papers and i'm telling you- hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Seryosong sabi ko.
Bago naglakad para sana umalis ng hawakan nya ako.
"Jewel-"
"Don't touch me. Nandidiri ako sayo," Galit na sabi ko. Agad naman nya akong binitawan.
"I'm sorry." He said.
He was my man. Damn it. He was mine first. Tinignan ko sya sa mata.
" I will never forgive you," I said .
" Gusto kong makita ang anak ko," natigil ako sa pag-alis ng marinig ko ang sinabi nya.
" Hindi ko ipapakita ang anak ko sayo. Mula ng pinili mong kumabit at iwan kami ng anak ko para sakanya. Nawalan ka na ng karapatan sa anak ko " huling sabi ko bago tuluyang umalis.
Don't cry, Jewel. You are better without him. Damn it! I won't let you see my daughter.
...........