GWYNETH POV Tanaw tanaw ko mula dito sa malayo sina Tatay at Aexl na magkasama na nagta-trabaho sa ilalim ng sikat ng araw. Si Tatay na tinuturuan si Aexl na mag araro sa bukid sa tulong ng kalabaw. Since malakas ang ulan kahapon ay medyo maputik sa bukid kaya naman naka paa lamang sila. ''Akala ko naman ay madaling matuto ang kaibigan mo pero hindi ko alam na nagpapakitang gilas lang pala," natatawang sabi ni Nanay na tumabi sa akin kaya napatingin ako rito at nakita ko ang dala-dala n'yang isang basket na puno ng pagkain. Natatawa ko namang ibinaling ang paningin ko muli kina Tatay at malakas naman kaming tumawa ni Nanay nang makita namin na napahiga si Aexl sa may putikan. Kaagad namang tinulungan ni Tatay makatayo si Aexl na madaming putik ang kasuotan. ''Naku! Ewan ko ba naman diy

