GWYNETH POV Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa labas ng bintana. Iginalaw ko ang katawan ko pero nakapikit na napakunot ang noo ko dahil sa nararamdaman ko. Bakit parang ang hirap gumalaw? ''Huwag kang malikot, Gwyneth. Inaantok pa ako," sabi ng isang nakaka turn on na boses. Boses? Mabilis akong napamulat ng mata at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kung gaano kalapit ang katawan namin ni Aexl sa isa't isa. Iginala ko ang paningin ko at saka ko lang nalaman kung bakit parang ang hirap gumalaw. Iyon ay dahil sa higpit nang pagkakapit sa akin ni Aexl! Nakatapat ang aking mukha sa kan'yang matipunong dibdib kaya naman ini-angat ko ang tingin ko para makita ang mukha n'ya at isang anghel ang bumungad sa akin. B-Bakit ang gwapo nya kahit tulog!? Nasaan ang hustis

